SMTMP 29

2.6K 65 4
                                    

Secretly Married To Mr President

Written by RIP

Chapter 29

~~~~

Jason POV

Tahimik kong pinag mamasdan ang pintuan ng banyo kong saan pumasok si Jaya kanina. Halos sumpain ko ang aking sarili dahil umiral nanaman ang selos ko. Napaka tanga ko dahil nag karuon nanaman kami ng di pagkakaintindihan ni Jaya

Gusto kong yakapin siya at halikan siya pero hindi ko magawa. Parang lumalayo na siya saakin yung tipong ang lapit lapit niya lang sakin pero pakiramdam ko ang layo layo niya.

Muli nanamang tumatak sa isip ko ang mga binitawan niyang salita. Halos mapa mura ako ng makitang umiiyak si Jaya ng dahil sakin. Ganon na ba ako kasama?

Tama siya, kung sana ay bumalik ako kahapon sa kanya ay sana ako ang kasama niya at kung sana ay hindi umiral ang pagiging seloso ko ay sana hindi kami nag away ngayun.

"Mr President, may press con po kayo mamaya kasama ang presedente ng USA" sabi ni Clark isa sa mga body guards ko

Napa buntong hininga nalang ako. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Gusto kong sumama kay Jaya pero narito nanaman ang aking tungkulin bilang pangulo ng Pilipinas.

"Anong oras?"tanong ko

" 1:30 PM po"sagot nya

Tumingin ako sa orasan at meron pa akong limang oras para mag pahinga

"Clark"tawag ko

"Po"

"Aalis ang mam Jaya mo kasama si Ashton. Gusto kong palihim mo silang sundan at iulat sakin kung anong ginagawa nila"sabi ko

"Masusunod po"sabi nya

Huminga ako ng malalim bago lumabas sa hotel room namin

Jaya POV

Aking ninanamnam ang sariwang hangin na tumatama sa aking mukha habang ako ay naka upo dito sa damuhan sa ilalim ng puno kasama si Ashton. Dinala niya ako sa isang tahimik, mahangin at payapang Grass Park dito sa USA. Napaka ganda dito medyo uti lang ang mga tao ang ilan pa dito ay magkasintahan.

"Ice cream?" Tanong ni Ashton habang inilalahad sakin ang hawak niyang chocolate flavor na ice cream. Agad ko naman itong kinuha at ngumiti sa kanya

"Salamat Ashton"sabi ko at sinimulan itong kainin

"Kumusta pakiramdam mo?"tanong niya

Ngumiti naman ako "ayus na medyo? Haha ewan"sabi ko saka tumingin sa langit

"Alam mo ba na nawawala ang lungkot ko pag tumitingin ako sa mga ulap"biglang sabi niya kaya napa tingin ako sa kanya. Naka tingin siya sa ulap at naka ngiti kaya ngumiti din ako saka tumingin sa ulap

"Kadalasan ang ginagawa ko ay nag iimagine ako ng mga bagay o hayop pag nakaka kita ako ng ulap"dagdag niya kaya napa isip ako

Siraulo pala itong si Ashton biruin mong mag imagine ba naman sa ulap eh no? Pwede naman kung--

"Gaya non para siyang puso diba?" Sabi nya sabay turo sa isang dereksyon. Tinitigan ko naman iyon at tama siya parang puso nga

"Iyon naman parang unicorn!" Natutuwa kong sabi sabay turo sa isang ulap

"Hahaha oo nga iyon tignan mo parang sheep"

"Ang ganda" sabi ko habang naka tingin sa langit

"Ang ganda nga" rinig kong bulong niya kaya napa tingin ako sa kanya at saakin siya naka tingin

"May dumi ba ako sa mukha?"tanong ko ngumiti siya at umiling

Nag patuloy lang kami sa pag iimagine sa mga ulap hanggang sa maubos namin ang ice cream namin.

"Jaya tara Bike tayo!" Yaya sakin ni Ashton

"Marunong ka ba?"natatawa kong tanong

"Oo naman"sabi niya

"Sige gawa tayo ng deal"sabi ko sabay ngisi

"Game ano ba yun?"tanong nya

"Paunahan tayo hanggang makarating tayo doon sa pangatlong kanto na yun"sabi ko sabay turo don sa pangatlong kanto na natanaw ko malayo sa amin

"Kapag natalo ka sasabihin mo sakin kung sino yung Hinihintay mong babae"sabi ko

"Eh pano pag ikaw ang natalo?"tanong niya

"Ikaw na ang bahalang mag utos ng kahit ano"sabi ko

"Okay deal"sabi niya saka nag tungo don sa nag babantay ng bike at nag arkila ng dalawang bike

Isinuot ko na ang helmet ko saka tumingin kay Ashton

"Game ka na?"tanong ko

"Hmm game na! Ikaw handa ka na bang matalo?"tanong niya

"Haha patawa ka"sabi ko at hinawakan ang dibdib ko "racer to"pag mamalaki ko

"Okay isa!"

"Dalawa"

"TATLO!"

Agad kong ipinadjak ang pedal saka mabilis na pinaandar ito
Magkasing bilis lang kami ni Ashton kaya natawa ako ng makita ko siya na naka ngiti habang nag babike

Agad ko kinuha ang pag kakataon para bilisan ang pag pedal hanggang sa malapit na ako sa napag kasunduan namin.

Isaaaa
Dalawaaa
Tatloo

"NANALO AKO!"sigaw ko ng mauna ako sa kasunduan namin. Agad kong iprineno ang bike saka naka ngiting tinanggal ang helmet ko natawa ako ng makitang napaka bagal ni Ashton

"Hahahaha yan ah marunong pala ah"pang aasar ko

"Haha naka tyamba ka lang"pang aasar niya saka tinanggal ang helmet niya

"So gaya ng kasunduan Ashton sasabihin mo sakin kung sino ang hinihintay mong babae"sabi ko

Ngumiti lang siya saka huminga ng malalim

"So sino ba?"tanong ko.

"Tsk napaka daya isa pa"sabi niya

"Woi Ashton may kasunduan tayo kaya dapat tuparin mo sino ba yan?"tanong ko

"Hahaha"

"Abay tinawanan pa ako, dali naa sino ba yan? Para naman makilala ko"sabi ko

"Pag sinabi ko ba kung sino siya anong gagawin ko?"tanong nya

"Syempre kakausapin ko siya na wag kang pakawalan kakausapin ko siya na mahalin ka pa niya lalo at alagaan ka niya napaka swerte niya dahil isang Ashton na ang dumaan sa buhay niya papakawalan niya pa ba, o sino ba yan?"tanong ko


































"Ikaw"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

*loadinggggggggggggg













"Kausapin mo na ang sarili mo, sabihin mo sa sarili mo na mahalin mo ko, na alagaan mo ko at napaka swerte mo dahil isang Ashton na ang dumating sa buhay mo papakawalan mo pa ba?"

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Letche....

~~~

Tweet me @redious_in
Instagram: rediousinpaper
Facebook: Arline Laure ll
Tiktok: rediousinpaper

SOOOOOOOOO TEAM JASON O TEAM ASHTON?!!! BWAHAHAHAHAHA GOOOOO GET YOUR MANOKSS LOL

Secretly Married to Mr PresidentWhere stories live. Discover now