SMTMP 40

2.3K 54 1
                                    

Secretly Married To Mr President

Written by RIP

Chapter 40

~~~~

Jaya POV

Aking minulat ang mga mata ko. At mukha agad ni Jason ang una kong nakita. Agad akong napa balikwas ng bangon saka siya sinalubong ng yakap

"Jason"tawag ko at naiyak

"Shhh Jaya wag kang umiyak makakasama yan sa anak natin" sabi niya at niyakap ako.

Agad kong naalala ang nangyare kanina.dinugo ako.

"Jason yung anak natin? Kumusta siya? Ayus lang ba siya?"umiiyak kong tanong at kumalas sa yakap.

"Ayus lang daw sya. Masyadong malakas ang baby natin"naka ngiti niyang wika. Naka hinga naman ako ng maluwag.

"Ikaw ayus ka lang ba?"tanong ko

"Ayus lang ako"sabi niya at hinawi ang ilang hibla ng aking buhok.

"Hindi mo sinabi sakin" muli ay nag umpisa nanamang tumulo ang aking mga luha.

"Sorry" sabi niya at bakas sa kanyang mukha ang pag hingi ng tawad

"Ayoko lang na problemahin mo ako Jaya ko"sabi niya at nag umpisang maging emosyonal

"Jason asawa mo ko" sabi ko habang umiiyak "dapat sinasabi mo sakin kung anong masakit o kung may problema ka. Kasi asawa mo ko. Mag tutulungan tayo Jason hindi yung kung kelan malala na saka ko palang malalaman" sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya.

Hindi ako galit. Mas lalong hindi ako magagalit. Saktong galit lang hakhak back to reality.

"Jaya I'm sorry"

"Wag kang mag sorry Jason wala kang kasalanan"sabi ko at pinunasan ang luhang tumakas sa kanyang mga mata

"Mag pagaling ka please, kailangan ka namin. Kailangan ka ng Pilipinas, kailangan ka ng mama mo, kailangan kita kailangan ka ng anak mo"sabi ko at muling naiyak agad niya akong niyakap. Yakap na sobrang higpit at may halong pag mamahal.

"Mag papaopera ako"sabi nya "pero natatakot ako"dagdag niya "natatakot ako na baka sa oras na mag paopera ako mawala ka sakin. Natatakot akong baka habang nag papagaling ako nasa iba ka na" medyo nainis ako sa sinabi niya dahilan para kumalas ako sa yakap niya saka siya binatukan

"Alam kong bobo ka at gago ako pero hindi ko iiwan ang bobo na gaya mo lalo na kung ikaw ang bobo na BOBOO ng buhay ko"sabi ko na nakapag pangiti sa kanya

"Sona ko na bukas"sabi niya
"Kailangan dumalo ako sa unang sona ko bago ako mag paopera"sabi niya kaya napa buntong hininga ako.

"Jason naman--"

"Kahit yun lang Sunshine kahit yung unang sona ko lang. Naalala ko sabi ni Daddy bago siya mawala sabi nya kailangan dumalo ako sa unang sona ko kung saan ipag mamalaki ko ang mga nagawa ko at mga magagandang nangyare sa aking buhay"sabi niya na nakapag patahimik sakin

"Kahit yun lang Sunshine kahit yung ipag mayabang ka lang sa lahat at sa buong mundo sapat na. Pagkatapos non ay pupunta tayo sa ibang bansa para magpaopera ako pero ipangako mo na hindi mo ako iiwan habang wala ako sa tabi mo kasi Jaya kapag nangyare yun baka ako na mismo ang pumatay sa sarili ko"seryoso niyang sabi na naging dahilan para maging emosyonal ako.

Agad ko siyang nayakap dala ng pagiging emosyonal ko.ewan ko ba iba ang dating ng sinabi niya sakin.pakiramdam ko ako ang pinaka maswerteng babae sa buong Pilipinas at buong mundo. Dahil sa sinabi niya.

~~~~

Kinabukasan•

Naging abala ulit si Jason lalo na at ilang oras nalang Sona na niya. Sa loob ng Malacañiang gaganapin ang Sona mamayang 12 NN. 7 AM palang ngunit ramdam mo na ang kabang naidudulot nito sa dibdib ko sa hindi ko alam na dahilan. Siguro ay dahil unang beses ko lang masasaksihan ng malapitan ang pagkakaruon ng Sona.

Puno ng Media ang labas ng bahay namin ni Jason. Ang ina naman nito na si Aling Tita Lecly ay abala sa pag aayus ng makakain namin ngayung umaga. Hindi pa pala alam ni Aling tita Lecly ang kundisyon ni Jason. Ang usapan namin ni Jason siya ang mag sasabi sa mama niya tungkol sa kundisyon niya maging sa media ay sasabihin niya ito.

"Sunshine?" Napa tingin ako sa pinto ng marinig ang tawag ni Jason.

"Sunshine kanina pa kita hinahanap"nalulumo at parang pagod niyang sabi habang papalapit sakin. Agad naman akong tumayo at sinalubong siya. Agad niya akong niyakap ng napaka higpit.

"Kailangan mong mag pahinga Jason"sabi ko

"Hindi pa tapos ang gagawin ko Sunshine kailangan ko lang makakuha ng enerhiya mula sayo" mahina niyang sabi.

"Ayus ka lang ba?"tanong ko

"Ayus na ayus" parang hinahati ang puso ko ng marinig ko ang boses niyang pilit pinapasigla ang tono.

"Wag kang mag kunwaring ayus ka" emosyonal kong sabi.

"Wag kang maging emosyonal please pagkatapos naman nitong Sona ko ay pupunta na tayo sa ibang bansa para mag paopera"mahina niyang sabi. Ang pagkakayakap niya sakin ay mas tumagal pa . hanggang sa siya na mismo ang kumalas at tumingin sa mukha ko. Laking gulat ko ng makita ko ang ilang butil ng luha na pumatak mula sa kanyang mga mata.

"Jason"nag aalala kong sambit
Ngumiti siya sakin ng pilit.

"Halos patayin na ako ng sakit ko"sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "Pero kapag nakikita kita at naaalala ko ang anak natin pilit akong lumalaban"sabi niya at ngumiti.

"Gusto ko kapag babae ang pangalan niya gusto kong Jermaniah Keshzah Veronica ang ipangalan mo at kapag lalaki naman--"

"Shhh Jason ano bang sinasabi mo?"agad na tumulo ang aking mga luha.

"--Jason Junior" pag papatuloy niya sa kanyang sasabihin.
Huminga siya ng napaka lalim saka pumikit "mahal na mahal kita Jaya ko. Lagi mong tatandaan yan"sabi niya at binuksan ang kanyang mga mata saka hinalikan ang aking nuo

~~~~

Tweet me @redious_in
Instagram: rediousinpaper
Facebook: Arline Laure ll
Tiktok: rediousinpaper

Secretly Married to Mr PresidentWhere stories live. Discover now