SMTMP 30

2.7K 60 4
                                    

Secretly Married To Mr President

Written by RIP

Chapter 30

A/N: RATED SPG I'M WARNING YOU KUNG MASYADO KANG BATA MGA 6 PABABA WAG MO NANG BASAHIN TO BAKA MAGAWA MO PA LOL

~~~~

Jason POV

Napa buntong hininga ako ng makitang tulog na si Jaya. Napa tingin ako sa orasan at nakitang 1:30 AM na. Muli kong ibinalik kay Jaya ang paningin ko. Lumapit ako sa kama at hinawi ang buhok ni Jaya.

Agad akong napa mura ng makita ang labi niya na may putok dahil sa kagagawan ko. Muling nanalatay sa puso ko ang galit para sa sarili ko.

Nasaktan ko ang mundo ko.nasaktan ko ang Jaya ko.

Napa buntong hininga nanaman ako at saka hinalikan ang nuo ni Jaya saka nag palit ng damit sa CR.

Bigla akong napa isip. Ano ba itong nararamdaman ko? Mahal ko na ba si Jaya? Tunay na pag mamahal na ba ito? O baka hindi parin. Napaka gulo ng damdamin ko. Ayokong may umaaligid kay Jaya pero di ko alam kung bakit. Nasasaktan ako pag nakikita ko siyang nasasaktan ewan ko ba pero iba itong naramdaman ko.ibang iba.

Bumalik ako sa kama saka muling tinignan si Jaya.

Ano bang nangyayare sakin? Bakit pakiramdam ko malapit ka ng mawala sakin?

Agad na bumalatay sa puso ko at sa sestema ko ang takot ng may maalala ako.

"Limang buwan nalang"sabi ko sa sarili ko.

Napapikit ako saka huminga ng malalim. Ayokong mawala ka sakin Jaya. Ayoko.
Muli kong iminulat ang aking mga mata saka kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Ashton

(Yes Mr President?)

"Mag uusap tayo bukas" agad kong binaba ang linya ng masabi ko na ang dapat kong sabihin. Lumapit na ako sa kama at nahiga saka tumingin muli kay Jaya.

"Natatakot na ako Jaya. May kung ano saking kailangan na kitang ipagdamot. Mahal na ata kita Jaya" biglang sabi ko napa ngiti ako ng makitang tulog parin si Jaya.

Agad kong hinalikan ang kanyang nuo
"Good night Sunshine, I love you"

~~~~~

Jaya POV

Napa bukas ako ng mata ng maramdamang may pumasok sa kwarto namin ni Jason. Pero agad din akong napa pikit ng makitang si Jason ito. Naramdaman kong pinag mamasdan niya ako at naramdaman ko din ang pag buntong hininga niya.

Bumilis bigla ang pag tibok ng puso ko ng maramdaman kong hinawi ni Jason ang buhok ko at hinalikan ako sa nuo ko.

Nananaginip lang ba ako?

Muli ay naka rinig ako ng malalim na pag hinga bago ko marinig ang mga yabag niya na papunta sa CR.

Naka hinga ako ng malalim ng pumasok si Jason sa CR. Halos mag wala at mawala ako sa sistema ko.
Ano ba itong nangyayare sakin?

Secretly Married to Mr PresidentWhere stories live. Discover now