SMTMP 2

4.6K 110 8
                                    

Secretly Married To Mr President
Written by RIP
Chapter 2

Jaya POV

"Ashton...bakit walang taong dumadaan dito?"tanong ko.


"Tsk, private village to, unti lang naka tira dito."sagot niya.


Nasa tapat ako ng bahay ni Jason para mag benta ng halo halo, eh kaso kanina pa kami dito ni Ashton wala namang dumadaan. halos siya na ang naka ubos ng saging kon yelo ko eh, unggoy lang ang peg.


"Ay ganon ba't di mo sinabi agad? Tara lipat tayo sa Public Village." sabi ko.


"Tsk, WTH wag na dito na tayo."sabi niya at kumain ng saging kon yelo.


"Ayaw mo ko samahan? Di wag ako nalang."sabi ko at niligpit ang mga paninda ko.


"Tsk."


Ng mailagay ko na lahat paninda ko sa isang bayong tinignan ko si Ashton na naka tingin sa akin. napa irap siya at napa iling.


"Hindi ka makaka labas ng village na to ng walang permiso."sabi niya.


"Eh di bibigyan ko sila ng permit."sagot ko.


"Wtf anong permit?"tanong niya.


"Permit, alam mo na yun matalino ka diba?"sabi ko at tinignan siya.


"Tsk."


"Ayaw mo ba talaga ako samahan?"tanong ko.


"Ayaw."


"Bakit ayaw mo?"tanong ko.


"Tinatamad ako."


"Ay ganon sige."malungkot kong wika at humakbang na papasok sa loob.


"O..oy sa..saan ka pupunta?"


"Sa loob."


"T..teka di ka na mag bebenta?"


"May bumibili ba? Ikaw lang naman ang nakaka ubos ng saging."sabi ko.


"Te...teka gu..gusto mo ba talaga mag benta? Alam mo hindi mo naman na kailangan gawin yan eh mayaman naman si Jason pwede mong hingiin lahat ng gusto mo."Napa tigil ako sa sinabi niya at umiling.


"Hindi na, ayoko ng madaliang paraan na makukuha ang isang bagay. mas ma a-appreciate ko pa ang bagay na pinag hihirapan."sabi ko at tumalikod.


"Teka." Napa tigil ako sa pag lalakad at tumingin kay Ashton.Huminga siya ng malalim saka tumingin sa akin.


"Tara na."


"Huh?"tanong ko.


"Tara na,pupunta tayo sa public place."Agad nag ningning ang mga mata ko sa sinabi niya.


"Talaga?"tanong ko tumango siya.Agad akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya.


"Wahh salamat Ashton."sabi ko at humiwalay ng yakap.


"Alam mo ang gwapo gwapo mo talaga ang bait bait mo pa,salamat Ashton! ilang taon ka na ba?"tanong ko.


"22."


"Ay bongga akala ko 65 ka na di halata ah."


"Hoy nilalait mo ba ako."


"Hindi ah sinasabi ko lang ang totoo."


"Wag natayong umalis."


"Oy Ashton naman, joke joke lang eh. oy Ashton may kotse oh."sabi ko at tinuro ang kotse.Tumingin naman don si Ashton at nanlaki ang mata.


"Tawagan mo si Jason sabihin mo nandito kapatid niya."wika ni Ashton.


"Jason! Jason! Nandito daw kapatid mo!"


"Fuck what are you doing?"tanong ni Ashton sa akin.


"Tinatawag si Jason."sagot ko.


"Sa cellphone kasi!"


"Eh? Pahiram phone."sabi ko, binigay niya ang phone niya sa akin kinatok ko ito ng tatlong beses.


"Jason Jason nandito daw ...."


"Shit ang slow mo."irita niyang wika at may kung anong ginawa sa cellphone niya.Nakita ko naman na may lumabas na lalaki sa kotse bata pa ito parang kasing edad ko lang or mas bata pa sa akin?


"Oy si Myungsoo."sabi ko.


"What?"


"Ayan oh." napa nga-nga ako ng biglang nag slow motion ang pag lakad niya tapos with hawi hawi buhok effect pa. Wow.Natauhan ako bigla ng may mag salita sa gilid ko .


"Kunwari girlfriend kita wag kang mag sasalita."sabi ni Ashton kaya kumunot ang nuo ko.


"Ashton where's kuya?"tanong ni Myungsoo, eh sa hindi ko alam pangalan niya eh.


"Nasa states may meeting."sagot ni Ashton.Napa tingin sakin si Myungsoo kaya ngumiti ako at kumaway.


"Ashton who's that girl?"tanong nito habang naka tingin sa akin.


"Ah sir girlfriend ko po."sabi ni Ashton at inakbayan ako.Tumingin sakin si Myungsoo kaya ngumiti ako.


"What's your name?"tanong nito sa akin.


"Don't mura mura me."sagot ko. Napa nganga si Ashton samantalang si Myungsoo naman ay natawa.


"You're funny."


"I'm not funny my name is Jaya."sabi ko. Ngumiti si Myungsoo at hinawakan ang kamay ko .


"My name is Jared beautiful woman."sabi nito at hinalikan ang kamay ko .


"Whow,hinalikan mo ang kamay ko dapat itong lips ko nalang."sabi ko at ngumuso.Agad humarang si Ashton kaya hindi ko na nakita si Myungsoo este Jared.


"Sir sorry po."sabi ni Ashton sumilip ako at kumaway kay Jared natawa naman si Jared.


"Okay habang wala pa si Kuya dito muna ako."sabi ni Jared.


"Sir?"


"Dito muna ako mag stay habang wala si kuya. "sabi ni Jared. nag pakita na ako kay Myungsoo este kay Jared saka muling kumaway.


"Sigurado ka bang girlfriend mo siya?"tanong ni Jared kay Ashton.


"Nako oo girlfriend niya ako as in babaeng kaibigan feeling close nga yung isa eh si Jason asawa niya daw ako pfft."


"What?!" "Eh?" "Jaya!" 0___0


Napa lingon ako sa likod ko at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mala demonyong mukha ni Jason. Eh akala ko ba umalis siya?


Lalong nanlaki ang mata ko ng makita ang isang helicopter sa taas ng bubong ng bahay ni Jason.


"Ja...jason."


"Hoy babae."sabi niya at kinabig ako palapit sa kanya. nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko.Tumingin siya kay Myungsoo este kay Jared.


"Anong ginagawa mo dito?"malamig na tanong ni Jason kay Jared.


"Binibisita ka lang? Bakit anong masama sa ginawa ko?"tanong ni Jared at ngumisi.


"Umalis ka na."sabi ni Jason. Agad kong tinapik ng malakas ang kamay ni Jason na naka pulupot sa bewang ko at sinamaan siya ng tingin.


"Wag mo namang paalisin si Myungsoo este si Jared, kakadating niya palang at isa pa dito daw muna siya kawawa naman siya kapag pinaalis mo." Sabi ko.


"What?!"tanong nila ni Ashton at Jason.Tumingin ako kay Jared at ngumiti.


"Dito ka muna okay? Welcome."sabi ko.Ngumiti si Jared sa akin at tumingin kay Jason.


"Narinig mo? Dito daw muna ako." Sabi ni Jared. Ngumiti naman ako at tinignan si Jason, napa lunok ako ng makitang masama ang tingin niya sa akin.Problema non?


Secretly Married to Mr PresidentWhere stories live. Discover now