SMTMP 7

3.7K 69 1
                                    

Secretly Married To Mr President

Written by RIP

Chapter 7

~~~

Jaya POV

Napatingin ako sa paligid kung saan ako dinala ni Myungsoo este Jared bakit niya ako dinala dito?

"Anong meron?"tanong ko sabay tingin kay Jared na naka ngiti

"Dito ako madalas mag punta kapag malungkot ako,nakikita ko ang buong langit alam mo ba na kapag tumitingin ako sa langit nawawala ang lungkot ko"sabi niya at tumingin sa akin

"Naisip kong dalhin ka dito para naman mawala yung lungkot mo,alam kong malungkot ka kahit na tumatawa ka"sabi niya napa ngiti ako ng mapakla saka huminga ng malalim

Nag simula na syang mag lakad kaya nag lakad din ako
Nag byahe kami ni Jared para pumunta sa private place niya na siya lang ang nakaka alam

Nasa may dagat kami tabi ng dagat ang private house ni Jared medyo malayo to kaya ginabi kami natatakot tuloy ako baka magalit sakin so Jason pero nandon naman yung girlfriend niya kaya sigurado akong hindi niya ako iniisip

Agad nanamang nanikip ang dibdib ko sa naisip ko

"Ang lalim ng iniisip mo,ganyan ka ba talaga nasaktan ni Kuya?"tanong niya tumingin ako sa kanya at umiling

"Hindi,natatakot lang ako baka magalit si Jason sakin"sabi ko at tumango

Napa tigil sa paglalakad si Jared at hinarap ako

"Wag kang matakot,nandito naman ako,akong bahala sayo"sabi niya kaya napa ngiti ako hinawakan nya ang kamay ko kaya napa tingin ako sa kanya

Naka tingin siya sa langit kaya tumingin din ako don

Tama nga siya.nakakawala ng problema ang pag tingin sa langit,ang ganda nito mga kumikinang na bituin at maliwanag na buwan napa ngiti ako

Siguro isa na si tatay sa mga bituin na yan sabi kasi ni tatay sakin kapag daw namamatay ang isang tao nagiging bituin daw ito at binabantayan ang naiwan nito sa lupa

Napa isip tuloy ako ano kaya itsura ni tatay kapag naging bituin siya? May buhok na ba siya at may kompletong ngipin o kalbo parin at walang ngipin

Pero imposobleng maging bituin si tatay masamang damo yun siguro nasa impyerno na yun baka nileletson na siya ni Satanas tapos...

"Naka ngiti ka na,mas maganda ka pala kapag naka ngiti ng totoo eh"

Napa tigil ako sa pag iimagine
Epal tong si Jared eh kung kailan iniisip ko si tatay susulpot siya tinignan ko si Jared at nakita kong naka upo na siya sa mga buhangin kaya umupo din ako sa buhangin

"Tama ka nga nakakawala ng problema ang pag tingin sa langit"sabi ko sa kanya

Medyo disappointed ako kasi akala ko mag aano kami yung ano yung ano ba alam niyo na yun! Ay sos ano bang iniisip ko?

"Sabihin mo nga,ano bang meron sa inyo ni kuya?"tanong niya huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin

"I mean alam kong mag asawa kayo ng palihim pero may iba pa bang namamagitan sa inyo? Yung totohanan na yung walang halong sekreto?"tanong niya

Secretly Married to Mr PresidentWhere stories live. Discover now