SMTMP 44

2.1K 48 12
                                    

Secretly Married To Mr President

Written by RIP

Chapter 44

~~~~

Jaya POV


"Ashton saan dadalhin si Jason?"tanong ko habang tinatanaw ng tingin ang mga doktor na tulak tulak ang hospital bed ni Jason.

"Sa Operating room. Sabi ng doktor kanina palala na ng palala ang kaso ni Jason. Kailangan na niyang maoperahan sa madaling panahon kung hindi baka di na maagapan ang sakit niya"sabi ni Ashton at tumingin sakin "magiging maayus din ang lahat Jaya"sabi niya at muling tinignan ang lugar na dinaanan ng mga doktor habang tulak tulak ang hospital bed ni Jason.

"Pag katapos ng operasyon gagaling din naman si Jason diba?"tanong ko kay Ashton. Muli nyang tinuon ang pansin sakin at ngumiti saka pinunasan ang mga luha ko gamit ang kamay niya

"Gagaling siya. Siya pa ba? Sa puso mo nga nanalo siya sa laban niya pa kaya sa sakit nya"sabi ni Ashton habang pinupunasan ang luha ko.

Agad kong nayakap si Ashton dala ng emosyonal ako. Ewan ko. Nang hihina ako. Naawa ako para kay Jason.

"Shhh wag ka ng umiyak. Baka maka sama yan sa bata"sabi ni Ashton at hinagkan din ako.

"Pano kapag hindi siya naka ligtas? Pano kapag--"

"Stop saying that"malamig na sabi ni Jared kaya napa tingin ako sa kanya naka sandal siya sa pader habang pinupunasan ang mga luha niya.

"Kilala ko si Kuya. Malakas siya. He's a strong person kaya wag mong sasabihin na hindi niya kakayanin"sabi ni Jared at tumingin kay Ashton saka binalik ang tingin sakin.

"Jared where's your kuya?"nag aalalang tanong ni Aling tita Lecly na kadarating lang ngunit may kasama ito. Agad na umayus ang tayo namin ni Ashton ng mapa tingin samin ang kasama ni aling tita Lecly

"He's in operating room. Inooperahan na siya" sabi ni Jared

"Oh God"bulaslas ng kasama ni aling tita Lecly

"What are you doing here?"malamig at seryosong tanong ni Jared don sa kasama ni Aling tita Lecly

"I'm here for Jason"sagot nito

"He don't need a bitch"sabi ni Jared na ikinapula nito sa galit. Di man sabihin nong kasama ni aling tita Lecly eh halata namang na offend siya.

"Jared wag mong pag salitaan ng ganyan si LJ He's your kuya's friend"singit ni aling tita Lecly

Tama! Si LJ yung babaeng nagalit sakin kasi nalaglag ko yung expensive bag niya tapos yung babaeng pinag seselosan ko dati.

"Kuya's Friend? Excuse me mom. As far as i know kuya Jason hates that girl"sabi ni Jared na mas lalong ikinapula ni LJ

"Please wag ka namang ganyan oh. Nag aalala lang ako para kay Jason--"

"Oh please can you stop? Hindi bagay sayo maging mabait you idiotic bitch."

"Jared" ma awtoridad na tawag ni Aling Tita Lecly kay Jared.

Tumingin lang si Jared sa mommy niya saka binalik ang tingin kay LJ

"Kung alam mo lang mom kung anong ginawa niya"sabi ni Jared at tinalikuran kami saka umalis.

Tatlong beses kong kinurap ang mga mata ko. Grabe para akong nanunuod ng teleserye. Live pa haha

"I'm sorry kung ganon ang ugali niya. Ni hindi ko nga alam kung saan ba niya nakuha ang ganong ugali. Hindi naman sya dating ganon"sabi ni Aling Tita Lecly.

Ngumiti ng pilit Yung LJ " i understand"sabi nito saka binaling ang tingin sakin.
Kahit hindi niya sabihin alam kung yung tingin na yun ay mapang husga at mapang lait. Tignan ba naman ako mula ulo hanggang paa sapakin ko to eh ay buntis pala ako hehe

"Jaya right? Remember me?"tanong ni LJ sakin

"Ashto halika kakausapin kita tungkol sa sinabi ng doktor"sabi ni Aling Tita Lecly at hinatak si Ashton papunta sa kung saan. Ngayun kaming dalawa nalang ni LJ ang naririto.

"Yes "tanging sagot ko. Ngumisi siya at tumaas naman ang kilay ko pero agad din itong bumaba kasi naalala ko manipis lang pala ang kilay ko haha

"Biruin mong naka bingwit ng mayamang amo ang gusgusin na isda" sabi nya.

"Hahaha nakakatawa yun"sabi ko pero sumama lang ang tingin niya

"Ako dapat ang papakasalan ni Jason. Ako dapat ang buntis ngayun at ako dapat ang pinakilala ni Jason sa buong mundo hindi ikaw!" Sigaw niya sakin pero tinignan ko lang siya

Baliw ba siya?

"Isa kang mang aagaw at hampas lupang ingeteranh--"

"Baliw ka ba?"diko na napigilan mag salita

"Huh?" Tanong niya

"Kasi kanina sabi mo kay Jared nandito ka para kay Jason. Tapos ngayun nandito ka para sabihin saking mang aagaw ako at hampas lupa na dapat ikaw ang papakasalan ni Jason. Na dapat ay ikaw ang nabuntis at dapat ikaw ang pinakilala ni Jason sa buong mundo" sabi ko at ngumiti

"Alam ko namang baliw ka at may pagka sinto pero pwede ilugar mo?"tanong ko

"What the hell" asik niya

"Kumbaga sa isang telenobela ako ang asawa ikaw ang kabit"ngumiti ako at lumapit sa kanya "mabait ako sa mabait sakin pero mas gago ako sa taong gago sakin"sabi ko at hinawi ang buhok niya na naka harang sa mukha niya

"Ang pagiging ahas sa zoo lang pinapakita okay? Wag sa amo baka mapatay kita hihi"sabi ko at lumayo na sa kanya

"Nice to meet you again LJ" sabi ko at ngumiti ng pagka tamis tamis

Ewan ko kung saan galing yung pag tataray ko hahaha nanuod kasi ako ng telenobela nong naka raang araw baka don galing

~~~

Tweet me @redious_in
Instagram: rediousinpaper
Facebook: Arline Laure ll
Tiktok: rediousinpaper

Secretly Married to Mr PresidentWhere stories live. Discover now