SMTMP 10

3.6K 65 2
                                    

Secretly Married To Mr President

Written by RIP

Chapter 10

~~~~~~

Jared POV

Matapos ang nangyare sa pagitan namin ni Kuya ay pumasok na ako sa bahay at agad na hinanap si Jaya
Nakita ko siya sa kwarto ko na naka upo sa kama naka talikod mula sa akin at halatang umiiyak siya

Nakaramdam nanaman ako ng awa dahil sa nakikita ko

"Jaya"tawag ko at tuluyang pumasok

Agad siyang umayos at tumayo saka ako hinarap ng naka ngiti

'Bakit ba pinipilit mong maging masaya kahit hindi ka naman talaga masaya?'

"J-jared a-ayus ka lang ba? Y-yung sugat mo"utal niyang wika at lumapit sakin saka sinuri ang sugat ko sa labi

Tinitigan ko siya habang sinusuri niya ang sugat ko

Hindi ko alam pero bigla ko nalang siyang niyakap ng mahigpit.ramdam ko ang pagka gulat niya dahil sa ginawa ko

"Alam kong....nasaktan ka kanina"bulong ko sa kanya hindi siya umimik at nanatiling tahimik

"Ako na mismo ang hihingi ng tawad dahil sa sinabi ng kapatid ko kanina"

Kumalas siya sa yakap at hinarap ako ng may ngiti sa kanyang labi ngunit di parin naka takas sa paningin ko ang pag tulo ng kanyang mga luha

"Wala ka naman dapat ika-hingi ng tawad eh....walang may kasalanan at isa pa di ko naman sinisisi ang kapatid mo ahahahaa"wika niya saka muling tumingin sa sugat ko

"May sugat ka sa labi mo....tara gamutin natin"wika niya "teka saan ba yung first aid kit mo?"tanong niya

"Nasa cr" sagot ko agad siyang nag tungo sa cr saka kinuha ang first aid kit

Umupo ako sa sofa at hinintay siya

'Bakit pilit mong kinakaya ang lahat Jaya? Kahit na alam kong nasasaktan ka na dahil sa kanya eh pinipilit mong ipakita na ayus ka lang? '

"Jared...sorry kung nasuntok ka ni Jason ah talagang loko lang ang kuya mo"wika ni Jaya at umupo sa harap ko saka sinimulang gamutin ang sugat ko

"Jaya....pwedeng mag tanong?"

"Wag lang math ah"natatawang wika niya

"Pano mo nagagawa lahat ng ito?"tanong ko dahilan para matigilan si Jaya at tumingin sakin

"Huh?"takang tanong niya

"Pano mo nagagawang ipakitang ayus ka lang kahit nasasaktan ka na?"tanong ko ngumiti naman siya sakin at pinag patuloy ang pag gagamot sa sugat ko

"Wala naman kasi akong mapapala kong iiinda ko lang ang sakit...wala naman akong makukuha kong ipapakita kong malungkot ako at isa pa kahit naman na iparamdam kong nasasaktan ako eh wala naman siyang gagawin para matigilan ang kalungkutang nararamdaman  ko "wika niya at huminga ng malalim "dahil unang una sa lahat siya ang puno't dulo ng kalungkutang nararamdaman ko"ngumiti siya sakin "pero hindi ibig sabihin non na sinisisi ko siya" wika niya saka muling ginamot ang sugat lo

Secretly Married to Mr PresidentWhere stories live. Discover now