SMTMP 45

2.4K 52 4
                                    

Secretly Married To Mr President

Written by RIP

Chapter 45

~~~~

Jaya POV


*After One Month*

"Jason kainin mo pa to para lumakas ka na" sabi ko at sinubuan muli siya.

Sa loob ng nakalipas na isang buwan. Malaki ang pinag bago ni Jason. Madami na ding nangyare.

Naoperahan na si Jason. Natanggal na yung dugong namuo sa utak niya. Ayus na muli siya ngunit kailangan niyang bumawi ng lakas. Dalawang beses kasi siyang inoperahan. At kung titignan, talaga namang namayat siya at ang buhok niya? Wala na. Nakalbo na siya. Pero kahit kalbo siya gwapo parin siya hahaha.

Medyo mabagal kumilos si Jason at minsan ayaw niyang kumain. Sabi ng doktor natural lang daw iyan matapos ang operasyon. Kailangan ni Jason maka bawi ng lakas para bumalik ang dating tindig ng pangangatawan niya. Laking pasalamat ko naman dahil kahit ayaw ni Jason ang pagkain ay kumakain siya basta ako ang nag papakain sa kanya.

Sabi ng doktor successful ang operasyon kaya sa oras na manumbalik ang pangangatawan niya ay pwede na siyang lumabas pero kada buwan ay kailangan niyang mag pasuri sa doktor at meron din siyang iinuming mga gamot.

"Jaya ayoko na" sabi ni Jason kaya napa tingin ako sa kanya

"Jason. Kailangan mong kumain para lumakas ka" sabi ko at pinunasan ang labi niya gamit ang hinlalaki ko.

"Hindi ka pa daw kumakain Jaya kumain ka. Dapat ikaw ang kumakain"sabi niya ngumiti naman ako

"Sige kakain ako kapag naubos mo ito" sabi ko

"Pero baka nagugutom na ang baby natin"sabi niya at hinawakan ang tyan ko. Napa ngiti naman ako

"Mas lalong magugutom si baby pag di mo agas inubos ito" sabi ko sabay turo sa pagkain niya. Huminga sya ng malalim saka ngumiti

"Sige na kakainin ko na yan. Sumabay ka na sakin"sabi niya at kinuha ang hawak ko.

"Kaya mo ba?"tanong ko

"Baka masanay akong lagi mo kong sinusubuan"biro niya. Ngumiti ako saka kinuha ang pagkain na para sakin na dinala ni Aling tita Lecly.

"Sya nga pala. Nag paalam ba si Ashton sayo?"tanong ko. Bigla naman siyang natigilan at tumingin sakin.

"Kasi naman di ko na sya nakikita simula ng matapos yung pangalawang operasyon mo. Papabantayan sana kita nong isang araw para bumili ng pagkain mo kaso di ko siya makontak"sabi ko.huminga siya ng malalim saka ngumiti.

"Nag paalam siya sakin" sabi niya. Napa tingin naman ako sa mata niya.
"Sabi niya uuwi siya sa Pilipinas para makasama ang pamilya nya sa pasko" dagdag niya. Oo nga pala naalala ko pasko na sa susunod na lingo. Mukhang dito na kami sa hospital mag papasko ah. Ano kayang pwedeng iregalo kay Jason?

"Hmm ganon ba?"sabi ko at sumubo ng pagkain

"Oo nga pala Anong pinag lilihian mong pagkain?"pag iiba niya kaya napa isip din ako

Ano nga ba?

"Ewan?"sagot ko saka nag patuloy sa pag iisip "kasi simula ng operahan ka. Kahit na anong makain na dinadala ni Ashton or Jared kinakain ko"sabi ko saka tumingin sa kanya.

"Sorry sunshine"sabi nya kaya naman napa tigil ako

"Sorry? Para saan?"tanong ko

"Kasi sobra kitang pinag alala" sabi niya gamit ang napaka lungkot na boses

"Ano ka ba Jason asawa mo ko kaya natural na mag aalala ako para sayo" sabi ko

"Pero nakakalimutan mo na ba?"tanong niya dahilan para mangunot ang nuo ko

Anong nakalimutan ko?

"Sa Mayor lang tayo ikinasal" sabi niya dahilan para matigilan ako

Oo nga pala

"Oo nga pala nakalimutan ko haha nawala sa isip kong may kontrata tayo"sabi ko saka tumingin sa kalendaryong naka sabit sa gilid.

December 18 ngayun ang usapan namin matatapos ang pagiging asawa namin sa isa't isa kapag sumapit ang december 26. Nakakalungkot lang dahil pagkatapos ng pasko kinabukasan ay araw na ng pag tatapos ng kontrata namin.

"Pano ba yan? December 26 ang pag tatapos ng kontrata natin" pilit kong itinatago sa aking namumuong lungkot. Tumingin ako sa kanya. Naka tingin siya sakin sa paraan ng napaka lungkot.

"Jaya.."

"Ah oo nga pala may bibilhin lang ako sa labas nakalimutan kong bumili ng gamot mo" sabi ko at tumayo. Inayus ko yung pagkaing di ko pa masyadong nagagalaw. Akmang mag lalakad na ako ng higitin niya ako palapit sa kanya at yakapin ng napaka higpit. Doon tuluyang lumabas ang emosyong pilit kong tinatago.

"Hindi mo naman ako iiwan diba? Sunshine?"tanong niya habang yakap ako. "Hindi mo naman ako iiwan diba? Lalo na ngayun at mag kaka baby na tayo"sabi niya na mas lalong nakapag paiyak sakin.

"Ikaw Jason?"balik kong tanong "hindi mo naman ako iiwan diba? Hindi mo naman ako iiwan lalo na ngayun magkaka baby na tayo"sabi ko at mas lalong naiyak.

"Hindi. Hindi kita iiwan, hindi ko kayo iiwan hindi ko hahayaang iwan ka mag isa mahal na mahal kita Jaya at kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na iwan ka kahit na alam kong dadating yung araw na matatapos ang kontrata natin"sabi niya at tumingala sakin. Pinunasan niya ang luha ko saka hinalikan ang kamay ko.

"Mag pakasal tayo"sabi niya dahilan para matigilan ako

"Sa simbahan. Kung saan hihintayin kita sa harap ng altar at mismong ang Dyos ang mag babasbas satin bilang mag asawa" sabi niya na ikinabigla ko.

~~~~

Tweet me @redious_in
Instagram: rediousinpaper
Facebook: Arline Laure ll
Tiktok: rediousinpaper

Secretly Married to Mr PresidentWhere stories live. Discover now