CHAPTER 2

9.9K 290 29
                                    


MAXINE'S POV


Naka suot ako ngayon ng black fitted dress na hapit na hapit sa katawan ko. Hanggang hita lang ito kaya kitang litaa na litaw ang mapuputing hita ko

"Kyle isara mo nga tong damit ko" sigaw ko 

Nandito ako ngayon sa kwarto ni kyle habang naka harap sa full size mirror. May zipper kasi sa likod ng damit ko at hindi ko ito maisara

"Ano bang problema girl?" Maarteng tanong niya at lumapit saakin 

Napalunok ako ng makita ko siya. Damn. Nakasuot lang ito ng simpleng v-neck na tshirt at black jeans pero bakit ang hot niya paring tignan. Oo, bakla siya pero hindi siya nagdadamit ng pambabae

"Hindi ko maabot ang zipper sa likod ko" sabi ko sa kanya 

"Yan lang pala, mag exercise ka kasi"

Napakagat ako ng ibabang labi ko nang maramdaman ko ang kamay ni kyle na humaplos sa likod ko. Dahan dahan nyang inangat ang zipper ng damit ko. Marupok ka talaga maxine,  nag iinit ka agad sa simpleng haplos lang ni kyle sa katawan mo

"Ta-tapos na girl" nauutal na sabi niya at nagmamadaling umalis 

Ano kayang problema ng baklang yun? Minsan talaga ay hindi ko siya maintindihan. Lumabas na ako sa kwarto at naabutan ko si kyle na naka upo sa sofa

"Tara na girl sigurado akong maraming papa dun" tili niya 

Sinamaan ko siya ng tingin "Subukan mo lang makipag-usap sa lalaki at babaliin ko talaga ang leeg mo"

Hindi niya ako sinagot at nauna na maglakad sa akin. Agad ko naman siyang hinabol at hinawakan ang braso niya. Mahirap na, baka mawala pa siya. Sabay kaming pumasok ng kotse. Napangiti nalang ako ng bigla siyang lumapit sa akin at ikinabit ang seat belt ko

"Kailan ka ba matututong magkabit ng seatbelt, baks?" halatang naiirita na siya

"Nakakapagod mag seat belt"

Hindi na siya sumagot at pinaandar na ang kotse. Wala pang sampong minuto ay nakarating na kami sa bar na sinasabi ni apple

"Hi Maxine"

"Ang sexy mo talaga maxine"

"Ang ganda ganda mo naman"

"Pwede ka mamaya?"

Yan ang sumalubong sa amin pag pasok namin sa bar. Hindi ko sila pinansin at mas lalo lang lumapit kay kyle na ngayon ay wala paring pakialam sa akin

"Bakla, buti nakarating kayo" bati sa amin ni apple 

Umupo kami sa VIP seat. Medyo malayo ito sa mga taong nagsasayawan

"Yes, hindi ka namin matitiis e" sagot ko

"Ang daming hot dito, bakla" tili ni apple

"Ano? Wala nga akong nakitang lalaki dito na worth it tignan ng isang minuto"

"Pa check up mo na yung mata mo bakla. Baka may alikabok na yan" tumawa ito at hinila ang partner niya sa dance floor "sasayaw muna kami"

"Okay"

Tinignan ko si kyle na ngayon ay tahimik lang at patuloy lang sa pag-inom ng vodka. Bakit kaya kanina niya pa ako hindi pinapansin? Pangit ba akong tignan?

"Baka malasing ka" sabi ko at inagaw ang baso niya

Inagaw niya ang baso muoa sa akin "Ano ka ba baks, wag mo akong pnasinin. Mag-enjoy ka"

Mukhang lasing na yata siya. Medyo mapupula na kasi ang pisingi niya at medyo malikot na ang kamay niya

"Di ako makakapag-enjoy kung lasing ka"

"Bakit naman?"

"Basta. Hahanapin ko lang si apple, magpapaalam ako sa kanya"

Iniwan ko si kyle at sumiksik sa mga taong nagsasayawan. Agad ko namang nakita si apple at ang partner niya na masayang nagsasayawan

"Apple, uuwi muna kami ni kyle. Medyo lasing na kasi siya" paalam ko sa kanya

"Ano? Ang aga pa"

"Magkita nalang tayo bukas"

"Okay girl. Ingat kayo" sagot niya

Agad akong umalis sa dance floor at hinanap si kyle. Biglang uminit ang ulo ko nang nakita kong may kausap siyang babae. Napataas ang isang kilay ko nang makitang sobrang iksi ng damit nito at sobrang kapal ng make-up

"That's my boyfriend your flirting bitch" galit na sabi ko at lumapit sa kanila

"Bakit ka ba nakikialam? Girlfriend ka lang naman niya, pwede pang maagaw" 

Tumaas ang isang sulok ng labi ko. Ngayon lang ako nakakita ng pangit na lumalaban. Saan kaya niya nakuha ang self confidence niya?

Nginitian ko lang siya "Kapag yang retokadong ilong mo sinuntok ko, baka mapunta yan sa noo mo"

Agad naman itong napahawak sa ilong niya "Bitch! Hindi totoo ang sinasabi mo"

Hindi na ako muling nagsalita at hinwakan si kyle sa braso "Let's go babe. Maraming virus ang kumakalat rito, baka mahawa pa tayo"

Lumabas na kami ng bar at sumakay ng sasakyan ni kyle. Hanggang ngayon ay mainit parin ang ulo ko. Naku, sumasama talaga ang araw ko kapag nakakakita ng pangit

"Bakla, ang tapang mo dun kanina ah" tili ni kyle 

"Syempre kapag ikaw na ang pinag-uusapan, lumalaban ako ng patayan" sabi ko at kumindat sa kanya 

"Kadiri ka talaga bakla! Hindi tayo talo noh"

After 10 minutes ay nakarating na kami sa condo ni kyle. Mukhang hinidi narin siya lasing. Sabay kaming pumasok sa kwarto niya at agad ko namang hinubad ang mga damit ko kahit na nasa harapan ko pa si kyle

"Hoy bakla, bakit ka ba naghuhubad sa harapan ko?" tanong niya at tinakpan ang mata niya 

"Ang arte mo, sanay ka namang makita ang katawan ko"

"Kahit na"

Binuksan ko ang closet niya at naghanap ng damit. Agad ko namang nakita ang isang malaking tshirt niya kaya ito nalang ang naisipan kong isuot

"Mapapangasawa mo rin naman ako kaya dapat masanay ka na " naka ngising sabi ko at lumapit sa kanya

Nakita kong namula ang tenga niya "Kadiri ka talaga bakla"

Ngumiti lang ako sa kanya at hinalikan ang labi niya "Good night my future husband"








————————————

So ayun po, sumobra sa self confidence ang ate nyo😂

That gay is mine - CompletedWhere stories live. Discover now