CHAPTER 30

5.9K 131 7
                                    


MAXINE'S POV

"May lagnat ka" gulat na sabi ko nang maramdaman kong ang init nang katawan niya 

"Bakit hindi mo sinabing may lagnat ka?" tanong ko at hinimas ang noo niya 

"Kaya ko naman ang sarili ko kaya umalis ka na" sabi niya at tumalikod ulit sa akin 

Hindi ko nalang pinansin ang pagiging masungit niya saakin at lumabas na ng kwarto para kumuha ng gamot at pagkain 

Pumunta ako sa kitchen para magluto ng lugaw para kay kyle damn hindi ako marunong magluto ng lugaw pero kailangan kong ipagluto si kyle para may makain siya 

Kinuha ko ang cellphone ko at nag search kung paano gumawa ng lugaw mabuti nalang at madali lang pala gumawa ng lugaw 

Nabasa ko kasi na lugaw daw ang kinakain ng may sakit dahil madali lang itong lituin 

Kahit na hindi talaga ako marunong magluto ipagluluto ko parin si kyle dahil pinagluto niya ako noong lasing ako 

********Fast forward 

Inilagay ko na ang niluto kong lugaw sa isang bowl at gamot at dinala ito sa kwarto ni kyle 

Naabutan ko siyang nakatihaya habang ang mga kamay niya ay nakalagay sa noo niya na para bang may malalim na iniisip 

Ang hot niyang tignan ngayon kahit na may lagnat siya damn baka magahasa ko siya ngayon ng wala sa oras 

Sino kaya ang iniisip niya? Sana ako nalang ang iniisip niya 

"Kyle" tawag ko sa kanya 

Umupo siya sa at sumandal sa headboard ng kama "akala ko umalis ka na" sabi ni kyle at umiwas ng tingin 

"Pinagluto kita ng lugaw kaya medyo natalagan ako" sagot ko 

"Kumain ka na" sabi ko at ibinigay sa kanya ang bowl na may lamang lugaw 

"Salamat" maikling sabi niya

Kumuha siya ng table spoon at kumuha ng lugaw at pagkatapos ay sinubo ito. Palihim kong hinihiling na sana maayos lang ang lasa para naman mabusog si kyle

Nagulat ako nang bigla siyang napa-ubo "tu-tubig" nauutal na sabi niya 

Agad kong kinuha ang tubig at ibinigay ito sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong maayos na ang paghinga niya 

Kanina kasi nung kinain niya na ang lugaw na niluto ko ay parang mas lalo yatang sumama ang pakiramdam niya 

"Hindi mo ba nagustuhan ang niluto ko?" tanong ko 

Kumuha ako ng isang kutsarang lugaw at kinain ito "ang alat" sabi ko at nagmamadaling pumunta sa banyo para itapon ang lugaw na nasa bibig ko 

Bumalik ako at umupo sa tabi ni kyle "sorry kung hindi ako marunong magluto" sabi ko 

Sa totoo lang wala talaga akong hilig sa pagluluto at wala din akong planong magluto dahil madali lang akong mapagod 

At si kyle ang unang pinagluto ko pero katulad nang inaasahan ang pangit ng lasa ng una kong niluto 

"Wag kang mag alala, kailangan mo lang talagang mag practice para mas gumaling ka na sa pagluluto" naka ngiting sabi niya 

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko damn ang gwapo niyang tignan kapag nakangiti siya 

Nagulat ako nang kinain niya parin ang lugaw na niluto ko na para bang sarap na sarap siya sa niluluto ko 

"Wag mo nang kainin yan" sabi ko at inagaw sa kanya lugaw pero inilayo niya ito saakin 

That gay is mine - CompletedWhere stories live. Discover now