Chapter 56

3.7K 91 6
                                    

MAXINE'S POV

Kinaumagahan ay maaga akong bumangon para magluto. Wala akong talent sa pagluluto pero susubukan ko para kay kyle. Bahala na si Batman sa kalalabasan nito

"Sana kumakain si kyle ng sunog na itlog"

Kinuha ko ang non-stick pan at nilagay ang itlog. May naiwan pang shell kaya kinuha ko ito. Pati kasi mag-prito ng itlog ay hindi ako marunong

"Bakit kasi ngayon ko pa naisipan na matutong magluto?" sabi ko sa sarili ko

"Baka magutom lang si kyle kapag nagtagal kami"

"Ahhhh"

Bigla akong napasigaw nang makita kong umuusok na ang kawali. Kukuha na sana ako ng tubig para isaboy sa kawali pero pinigilan ako ni kyle

"Don't panic" sabi niya at in-off ang stove

Tinignan ko si kyle at hindi ko mapigilan na umiyak. Nakita ko namang nag-panic si kyle at agad na pinahid ang luha ko

"Anong problema?" tanong niya

"Kanina ka pa ba nagising?" humihikbing tanong ko

"Oo, narinig ko kasing sumigaw ka kasi kaya hinanap agad kita" tinignan niya ang kawali "Ano bang niluluto mo?"

"Fried egg" Alam kong hindi na halata na fried egg ang niluluto ko kasi sunog na sunog ito

"Bakit ba bumangon ka ng maaga? Gutom ka na ba?" tanong niya habang hinihimas niya ang pisngi ko

"Gusto sana kitang ipagluto pero hindi ako marunong" naka ngusong sagot ko

Pinisil niya ang ilong ko "Hindi mo kasi nilagyan ng butter kaya nasunog yung itlog"

"Ganun ba?"

Wala namang nagsabi sa akin na ganito pala kahirap maging mabuting girlfriend. Sobrang hirap bumangon ng maaga at magluto

"Umupo ka nalang muna. Ipagluluto kita"

"Okay"

Tatalikod na sana ako sa kanya pero hinawakan niya ang kamay ko at pinaharap ako sa kanya

"Ano yun?" tanong ko

Hinalikan niya ang noo ko "Salamat at ipinagluto mo ako. I appreciated your efforts"

"Hindi mo nga nakain yung niluto ko"

"Tuturuan nalang kita sa susunod, okay?" ngumiti siya saakin "Gusto kong matikman ang luto mo"

"Sige"

Hinalikan niya ulit ang noo ko bago niya ako binitawan. Umupo naman ako sa isang stool at tinignan siyang magluto. Damn! Bakit ang hot niyang tignan kapag nagluluto siya?

"Kyle" tawag ko sa kanya

Lumingin siya sa akin "Yes baby? May kailangan ka?"

Nginitian ko siya "Gusto ko lang sabihin sayo na ang hot mong tignan kapag nagluluto ka"

"Really?" lumapit siya sa akin at hinalikan ang labi ko

"Oo"

Tumawa lang siya at bumalik ulit sa pagluluto. Nang matapos siya sa ginagawa niya ay sabay kaming kumain

"Pwede mo ba akong samahan mag mall ngayon?" tanong ko sa kanya

"Hindi pwede, magiging busy ako ngayon"

Alam ko naman e, sinubukan ko lang dahil baka makalusot

"Bakit palagi ka nalang busy?" Siguro dahil sa babae ng kasama niya kahapon

"I am preparing something and it's a big secret"

"Talaga?" Para kanino naman kaya?

"Oo"

Hinalikan niya ang noo ko"Maliligo muna ako" sabi niya at umalis sa kusina

Napabuntong hininga nalang ako nang makaalis na si kyle. Bakit ba palagi nalang siyang umaalis? Para makipag kita sa babae niya? Iisa lang ang paraan para malaman. Susundan ko siya.

"Ingat ka" sabi ko nang makita kong paalis na siya

"I love you" hinalikan niya ako at lumabas na sa condo

Agad ko naman siyang sinundan. Sumakay siya sa kotse niya kaya pumara ako ng taxi para sundan siya

"Sundan niyo po yung kotseng yun  manong" sabi ko at tinuro ang kotse ni kyle

"Stalker po ba kayo maam?"

"Of course not manong, Bakit niyo naman natanong? "

"Nakasuot po kasi kayo ng cap at sunglass. Naka itim din po kayo lahat" sagot niya

"Ito ang uso ngayon manong"

"Hindi ko na talaga maintindihan ang mga kabataan ngayon" sabi ni manong at pinaandar ang sasakyan niya

Tumigil ang kotse ni kyle sa isang Japanese restaurant kaya bumaba narin ako ng taxi. Pagkatapos kong bayaran si manong ay pumasok ako sa restaurant at umupo sa isang table kung saan hindi ako makikita ni kyle

Makalipas ang ilang minuto ay may tumabi kay kyle na magandang babae. Niyakap ng babae si kyle at masaya silang nag-usap

"Ito ba yung hinahanda ni kyle? Ito yung secret niya?" inis na sabi ko

Nang umalis na sila sa restaurant ay sinusundan ko parin sila. Gusto kong tirisin ang babae at ipasok siya sa basurahan dahil doon siya nababagay. Gusto kong sugurin ang babae pero malalaman ni kyle na sinusundan ko siya kaya nanahimik nalang ako

Pumunta sila sa mall at pumasok sa isang shop na nagtitinda ng mga wedding rings. Pumasok rin ako habang parin nakamasid sa kanilang dalawa

"Wedding ring? Magpapakasal agad sila?"

"Paano ako?" tanong ko sa sarili ko

"Gagawin ba akong kabit ni kyle?"

Ang dami kong tanong sa sarili ko pero hindi ko man lang alam kung ano ang sagot

Nang lumabas sila sa shop ay lumabas narin ako. Umuwi na ako sa condo ni kyle at natulog. Wala naman akong mapapala kung susundan ko pa sila. Baka masaktan pa ako kapag nalaman ko pa ang totoo

"Hindi ako makapaniwalang nagiging martyr ako dahil sa pagmamahal ko kay kyle"

"Kakayanin mo ito, maxine"

Iminulat ko ang mga mata ko nang marinig kong bumukas ang pintuan. Bumangon ako at nakita ko si kyle na may dalang maliit na paper bag

"Saan ka galing?" tanong ko

Agad niyang itinago ng paper bag na hawak niya "May kinausap lang ako"

"Okay" Siguro para yun sa babae niya at hindi para sa akin

Tatalikuran ko na sana siya pero pinigilan niya "Pwede bang mag dinner tayo ngayon?" tanong niya

"Sure"

Siguro ito na din ang tamang panahon para tanungin ko na si kyle tungkol sa babae niya at para hindi naman ako maging sobrang paranoid

"Thank you at pumayag ka" sabi niya at hinalikan ang noo ko

"Syempre papayag talaga ako, mahal kita e"

Nakangiti lang ako pero ang totoo ay gusto ko ng umiyak dahil baka ako lang ang masaktan sa huli




Tamang hinala o maling akala?

That gay is mine - CompletedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin