Chapter 40

4.5K 119 9
                                    

MAXINE'S POV

Pumasok na ulit ako sa banyo at nagmamadaling maligo. Hindi ko parin maalis sa isip ko si kyle. Nauubusan na ako ng paraan kung paano magkakagusto si kyle sa akin pero matigas ang ulo ko at hindi parin  ako susuko

Pagkatapos kong maligo ay nagsuot lang ako nang backless na floral dress na hanggang hita lang ang haba. Umupo ako harap ng vanity mirror at nag-umpisang sukyain ang buhok ko nang biglang pumasok si kyle sa kwarto. Tulad ko ay bagong paligo rin ito

"Mauna ka nalang, susunod ako"

"Uhm.." parang nahihiya siya "sabay nalang tayo"

Lumapit siya sa akin at inagaw sa akin ang suklay ko. Napalunok ako nang maramdaman ko ang mga kamay niya na nasa balikat ko at hinimas ito

"Anong ginagawa mo?" kinakabahang tanong ko

"Wala lang" sagot nito at sinuklay ang buhok ko

Ilang minuto pa bago siya matapos sa pagsuklay ng buhok ko. Tahimik lang siya habang nakatitig sa akin. Yung titig na nakakapag pabilis ng tibok ng puso

"Halika na" pilit akong ngumiti at hinila siya palabas ng cabin namin "Nagugutom na ako"

Pumasok sa kami sa cabin ni apple at hindi na ako nabigla nang makita ko silang nagtutukan ng boyfriend niya. Itinirik ko ang mga mata ko at hinila si apple papalayo sa boyfriend niya

"Gutom na po kami"

Tumawa lang si apple at kinindatan ang boyfriend niya "Okay, nakapagluto na ako. Ihahain ko nalang"

"Mamaya na kayo maglandian" naiiritang sabi ko "Ang aga pa tapos naghaharutan na kayo,  baka magsawa kayo sa isat-isa"

"Inggit ka lang" sagot ni apple at nagmamadaling pumunta sa kusina

"May vegetable salad pala kami sa cabin namin, kukunin ko lang" sabi ko at lumabas ng cabin

Malapit lang kasi ang cabin namin. Papasok na sana ako sa cabin ko nang may marinig akong tumawag sa akin.  Napangiti ako nang makita si brix

"Hi" bati niya sa akin

"Hello"

"Ang sexy mo ngayon ah" naka ngising sabi niya "Ang swerte ng boyfriend mo"

"Hindi ko pa siya boyfriend" napasimanagot ako "Ano bang kailangan mo sa akin?"

"Aalis na ako, babalikan ko na ang girlfriend ko"

"Ano? Ang rupok mo naman" ikaw din naman maxine, marupok karin pagdating kay kyle

"Ganun talaga, mahal ko siya e" ngumiti siya "Baka magkita tayo ulit"

"Mas gugustuhin kong hindi ka na  makita" pagbibiro ko sa kanya

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin "Thank you sa advice"

"Wala yun"

Lumayo siya sa akin "Kailangan ko ng umalis, baka maiwan ako sa flight ko"

"Bye"

Umalis na siya at naiwan akong nag-iisa. May mas marupok at baliw pa pala sa pag-ibig kaysa sa akin. Hindi pala ako nag-iisa. Papasok na sana ako sa cabin ng makita ko si kyle na seryosong nakatingin sa akin

"Kyle" kinawayan ko siya

Inaasahan kong lalapit siya sa akin pero parang wala siyang narinig at pumasok ulit sa cabin ni apple. Galit ba siya sa akin? Siguro guni guni ko lang yun. Ipinilig ko ang ulo ko para mawala ang lahat ng iniisip ko at pumasok sa cabin. Kinuha ko ang vegetable salad at pumunta na sa cabin ni apple. Pagpasok ko sa cabin ni apple ay nakahain na ang lahat ng pagkain at nakaupo na sila sa hapag kainan. Agad naman akong tumabi kay kyle

"Lumabas ka ba ng cabin kanina? Nakita kasi kita na lumabas" tanong ko kay kyle

Nang wala akong matanggap na sagot mula sa kanya ay tumahimik nalang ako. Parang may mali talaga kay kyle? Bakit ba galit siya sa akin? Wala namang dahilan para magalit siya sa akin

Hanggang sa matapos kaming mag-agahan ay wala paring imik si kyle. Umalis agad ito at iniwan ako. Hindi ko nalang siya sinundan, baka kasi mas magalit pa siya sa akin

"Bakit ka pa nandito, bakla?" tanong ni apple

"Sa gusto ko e, ayaw kong maglandian kayo"

"Ikaw rin bakla, baka maunahan ka pa ng iba. Ang hot pa naman ni kyle ngayon" naka ngising sabi ni apple

Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga at tumayo. Tama nga, baka may umaaaligid na naman kay kyle ngayon at baka may maaway na naman ako

"Sige na nga"

Lumabas ako ng cabin nila at hinanap si kyle. Agad ko namang nahanap siya na nakaupo sa gilid ng dalampasigan at katulad ng dati, marami na namang  nakatingin sa kanya na babae

"Bakit ka umalis agad kanina?"

Hindi siya tumingin sa akin "Hindi"

"Bakit pakiramdam ko galit ka sa akin?"

"Hindi ako galit sayo"

"Bakit hindi ka tumitingin sa akin?"

"Oo, galit ako sayo!" nagulat ako sa pagsigaw niya "Hindi ako pwedeng lumapit sa ibang babae samantalang pwede kang lumapit sa iba. Ayaw kong makita kang may kasamang iba kasi nagseselos ako. Nagagalit ako sa sarili ko kasi nagseselos ako kahit hindi naman ako dapat magselos"

"Ano?" hindi ako makapaniwala sa sinabi niya

Umiwas siya ng tingin "Hindi ko uulitin ang sinabi ko, nagseselos parin ako"

Agad akong napangiti at kumapit sa braso niya. Damn! Pakiramdam ko ay mapupunit ang labi ko dahil sa lapad  ng ngiti ko ngayon

"Ano bang gusto mong gawin ko?"

"Wag ka nang lalapit sa ibang lalaki" seryosong sabi niya

Humilig ako sa balikat niya "Oo na, hindi na ako lalapit. Kaibigan ko lang naman siya at tsaka ikaw lang naman ang gusto ko"

"To-totoo?"

"Oo nga" sabi ko at hinalikan ang labi niya

Hindi ako makapaniwalang nagseselos si kyle ngayon. May gusto na ba siya sa akin? O baka naman posessive lang talaga siya kaya ayaw niyang may lumalapit sa akin ng ibang lalaki

Tumingin siya sa akin "Gusto mo bang ilibre kita?"

"Oo, gusto ko ng milk shake"

"Pero sa isang kondisyon"

Naguluhan ako sa sinabi niya "Ano naman yun?"

"1 kiss, 1 milk shake"

Agad akong napangiti "Paano kung gusto ko ng maraming milk shake?"

"Dapat halikan mo rin ako ng maraming beses"

Nakangiti akong lumapit sa kanya at hinalikan ang labi niya "Milk shake and kisses, my favorites"


So kapag may nagpalibre sa inyo, manghingi kayo ng kiss❤️ pumaparaan din si kyle e😂

That gay is mine - CompletedWhere stories live. Discover now