CHAPTER 4

8.5K 243 41
                                    


MAXINE'S POV


"Truth or dare?" tanong ni matteo kay apple 

"Dare" sagot ni apple 

Alas sais na ng gabi at narito parin kami at naglalaro ng truth or dare. Magkaharap kami sa isat-isa. Anim lang kami ang naglalaro at medyo nakainom na ang lahat

"Halikan mi si mark sa leeg" naka ngising tanong ni matteo. Nakita kong napa simangot si mark 

"With pleasure" kinikilig na sabi ni apple at hinalikan si mark sa leeg 

"Woohoo" sigawan namin 

Pinaikot na ni matteo and bote at tumapot ito saakin "Bakla, truth or dare?" tanong ni apple saakin 

"Dare"

Napangsi si apple "Pumili ka ng lalaking hahalikan mo dito"

"Uhmm..." kinakabahan ako "Pwedeng iba nalang?"

"Bawal kill joy dito bakla, pumili ka na" sabi niya at kinindatan ako

Tinignan ko si kyle pero umiwas siya ng tingin. Napabuntong hininga ako, mukhang ayaw niya yatang halikan ko siya. Ayaw ko naman siyang pilitin kasi baka itulak niya ako at mapahiya lang ako

"Si drake nalang" tumingin ako kay drake na ngayon ay nakangiti

"I'm so lucky today" si drake

Lalapit na sana ako kay drake pero nagulat ako nang hawakan ni kyle ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya

"An-anong ginagawa mo?" kinakabahan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin

"Im saving you" sabi nito at walang sabi-sabing hinalikan ako

Gumalaw ang labi niya at kinagat ang ibabang labi ko. Hindi ako makagalaw dahil sa gulat. Ang lakas ng tibok ng puso ko

Napalunok ako ng laway ng maramdaman ko ang kamay ni kyle na nasa beywang ko at mas lalo pa akong pinalapit sa kanya. Hinawakan niya ang pisingi ko at mas lalo pang pinalalim ang halikan namin

"Okay love birds, time is up" natatawang sabi ni apple

Lumayo naman si kyle sa akin habang ako naman ay hindi parin makagalaw. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko parin ang labi niya

"Woooo, that was hot. Hindi mo naman sinabi na magaling ka palang humalik kyle" sabi ni apple

___

Tapos na kaming maglaro at papunta na ako sa cabin ko. Kanina ko pa hinahanap si kyle kasi nauna siyang umalis sa amin pero hindi ko siya nakita. Nararamdaman kong iniiwasan niya ako pagkatapos niya akong halikan. Siguro na shock lang si kyle o nandiri sa akin

Binuksan ko ang pinto ng cabin ko at nagulat ako nang makita ko si kyle na naka-upo sa sofa

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya

"Sinabi ni apple na mag share nalang daw tayo ng kwarto" sabi niya at umiwas ng tingin 

"Okay" Umupo ako sa tabi niya "Bakit ka umalis agad kanina? "

"Bigla kasi akong napagod kaya nagpahinga muna ako" sabi niya habang hindi parin tumitingin sa akin

Tumingin ako sa kanya at hinawakan ang pisngi niya para magkaharap kami. Kailangan kong itanong ang kanina pang bumabagabag sa isipan ko

"Bakit mo ako hinalikan kanina?" tanong ko

"To save your ass from drake, yun lang. Alam mo namang medyo bastos siya"

Napanguso ako at binitawan siya "Akala ko, gusto mo talaga akong halikan kaya ginawa mo yun"

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya "Are you disappointed?" tanong niya "Bakit? Mas gusto mo bang halikan si drake kaysa sa akin?"

"Hindi noh. Sayo ako unang tumingin kasi ikaw ang gusto kong halikan pero umiwas ka ng tingin. So i decided na si drake na lang. Kaya nga nagpasalamat ako na hinila mo ako at hinalikan" pagsabi ko ng totoo "Btw, ang galing mong humalik, gusto mong ulitin natin? Nagustuhan ko kasi yun"

Nanlalaki ang mata ni kyle na tumingin sa akin "Bakla, buti hindi ka nahihiya sa sinasabi mo. I mean, masyado kang straight to the point"

Ngumisi ako "Bakit naman ako mahihiya sa mapapangasawa ko"

"Bahala ka, matutulog na ako" sabi niya at naunang pumasok sa kwarto

Ilang minuto pa bago ako pumasok sa kwarto. Pinapakalma ko pa kasi yung puso kong hanggang ngayon ay sobrang bilis parin ng tibok. Mukhang nababaliw na yata ako kay kyle

"Sa sahig ka matutulog?"

Nadismaya ako ng makita ko siyang nakahiga sa sahig. Nakahiga ito sa comforter at nakapikit na ang mga nito. Pero alam kong hindi pa ito natutulog

"Of course"

"Akala ko magtatabi tayo" bulyaw ko dito

Tumingin siya sa akin "Ayaw kong tumabi sayo, ang likot likot mong matulog"

"Pero gusto kong makatabi ka. Promise, hindi na malikot kapag natutulog"

"Hindi ako naniniwala sayo" pumikit na siya at tinalikuran ako "Goodnight"

Padabog akong humiga sa kama. Tumalikod ako at sinubukang matulog pero hindi parin ako makatulog

"Kyle, tulog ka na?" tanong ko pero hindi siya sumagot

Kinuha ko ang unan at comforter at tsaka tumabi sa kanya. Kung ayaw niyang tumabi sa akin, edi ako ang tatabi sa kanya

"I love you kyle" bulong ko at hinalikan siya sa labi

That gay is mine - CompletedWhere stories live. Discover now