CHAPTER 34

7K 180 52
                                    


MAXINE'S POV

Bigla akong nagising nang may narinig akong may nag-uusap sa bandang likuran nang bus kaya tinignan ko kung sino ang dalawang taong nag-uusap 

Nagulat ako nang makita ko si kyle at si lexy nag-uusap kaya hinawakan ko ang bibig ko para hindi ako makalikha nang ano mang ingay 

Sa palagay ko kanina pa kami nakarating dito kaya kami nalang tatlo ang nasa loob ng bus haisst bakit kaya sila nag-uusap na silang dalawa lang? 

"Kyle kailangan kita" narinig kong sabi ni lexy 

"Mahal kita" sabi ni lexy kay kyle 

Nanlaki ang mata ko nang nakita kong hinalikan ni lexy si kyle sa pisngi. Hindi ko alam pero parang may kumurot na naman sa puso ko nang makita kong hinalikan ni lexy si kyle 

At ang masakit pa wala man lang ginawa si kyle para pigilan si lexy sa paghalik sa kanya damn ito ba ang pag-uusapan nila? 

Biglang tumulo ang luha ko siguro nga matagal na nilang gusto ang isat-isa kaya patago silang nag-uusap dahil ayaw nila akong masaktan 

Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag-iyak kaya agad akong nagmadaling lumabas nang bus nang hindi man lang sila tinignan. Ayaw ko nang makita ang susunod na mangyayari sa kanilang dalawa dahil baka umiyak lang ako sa harapan ni kyle at magmukha lang akong kawawa

Ayaw kong makita silang naghahalikan at ayaw ko nang maging hadlang sa relasyon nilang dalawa. Ayaw ko nang maging pabigat kay kyle. Ayaw ko nang maghabol sa kanya dahil wala na akong magagawa kung may mahal na siyang iba Inaamin kong isa akong malaking desperada pero masisisi niyo ba ako kung yun lang ang naiisip kong paraan para mahalin din ako ni kyle? 

Ginawa ko naman ang lahat para mahalin ako ni kyle pero bakit si lexy parin mas gusto niya? Bakit hindi niya akong magawang mahalin? May mali ba sakin? O mas maganda si lexy kaysa sa akin? 

Nagmumukha akong tanga kakasunod sa kanya pero wala akong pakialam sa tingin nang ibang tao saakin, ang importante ay mahalin ako niya ako pero parang hindi niya napansin ang mga paghihirap na ginawa ko para sa kanya 

Pagod na ako, pagod na akong ipilit ang sarili ko sa kanya. Ano bang wala sa akin at hindi niya ako magawang mahalin? Naging masama ba ako sa kanya at hindi niya ako magawang mahalin? Kulang pa ba ang ibinagay ko sa kanya? Bakit kailangan niya pang ipamukha sa akin na hindi niya ako mahal 

Nagulat ako nang biglang may bumangga sa akin "sorry" naka yukong sabi ko at pinahid ang luha ko 

"Ayos ka lang ba miss?" tanong ng nakabangga ko 

Tumingin ako sa kanya at pilit na ngumiti "ayos lang naman ako" sagot ko at pilit na ngumiti

Damn it gustong gusto ko nang umiyak ngayon pero ayaw kong may makakita sa akin na umiiyak ako nang dahil sa lalaki dahil nagmumukha lang akong mahina at desperada which is totoo naman dahil pinipilit ko ang sarili ko kay kyle

"Pero mukhang hindi ka okay miss" sabi ng lalaki sa akin 

Ngayon ko lang napansin na lalaki pala ang bumangga sa akin kanina at masasabi kong napaka gwapo niya at mabait na tao "Ayos lang ako" galit na sabi ko 

Hindi ko napigilan sa pagtulo ang luha ko "hindi ako okay" malungkot na sabi 

"Hindi ako okay dahil may mahal nang iba ang mahal ko" sabi ko habang patuloy parin na umiiyak 

Nagulat ako nang niyakap ako nang lalaki "ayos lang yan, magiging okay din ang lahat" bulong ng lalaki 

Hindi ko alam pero naging komportable ako sa sinabi nang lalaki para siyang si daddy dahil si daddy ang palaging nagpapatahan sa akin kapag umiiyak ako 

"Umiyak ka lang" sabi ng lalaki at hinimas ang likod 

"Ang sakit ng puso ko, hindi ko alam ang gagawin ko" sabi ko habang patuloy parin na umiiyak 

"Kung nasasaktan ka na, ang ibig sabihin non ay kailangan mo nang bumitaw para hindi ka na masaktan ulit" sabi ng lalaki sa akin habang napayakap parin siya saakin 

Napatingin ako sa kanya parang expert na expert na siya pagdating sa pag-ibig at mukhang tama ang ang sinabi niya na kailangan ko nang bumitaw at kalimutan siya 

"Thank you sa advice" sabi ko at ngumiti 

******Fast forward 

"Thank you" sabi ko at kinuha ang ice cream na binigay niya saakin 

Brix pala ang pangalan niya at ang pamilya niya ang nagmamay-ari sa love island at kaya siya pumunta dito dahil gusto niyang kalimutan ang ex girlfriend niya 

Masasabi kong ang bait niya talaga dahil binigyan niya pa ako ng ice cream para mapatahan ako sa pag-iyak ko kanina 

Nandito kami ngayon sa tabi ng dagat at nag-uusap tungkol sa pagiging sawi niya sa pag-ibig at gusto ko na talaga siyang itapon sa dagat dahil ang daldal niya talaga 

"Alam mo bang first girlfriend ko siya pero niloko niya lang ako" sabi niya

Bigla akong naawa sa kanya haisst bakit kaya siya niloko ng girlfriend niya? I mean ang bait niya para lang lokohin at iwanan siya ng isang babae. At ang masaklap pa ay pareho kaming sawi sa pag-ibig

Tumingin ako sa kanya at mapaklang tumawa "matagal ko nang mahal si kyle pero parang hindi man lang niya ako minahal ng kahit na kunti" sabi ko at kumain ulit ng ice cream 

Hindi ko namalayan na tumulo na naman ang luha ko "ang hirap palang umasa sa taong hindi ka man lang magawang pahalagahan" sabi ko at pinahid ang luha ko 

Nagulat ako nang bigla akong niyakap ni brix "wag ka nang umiyak dahil mas lalo kang pumapangit" naka ngising sabi ni brix 

Agad akong lumayo sa kanya at sinuntok siya "walang hiya ka talaga" sabi ko at tumawa

"Mukhang nagsasaya yata kayo" narinig kong sabi ng isang boses lalaki 

Lumingon ako sa pinaggalingan ng boses at napalunok ako nang makita ko si kyle na nakatingin ng masama sa amin 

Mukhang galit yata siya sa akin!

That gay is mine - CompletedWhere stories live. Discover now