CHAPTER 3

9.1K 233 9
                                    


MAXINE'S POV

Nandito kami ngayon sa private beach namin kasama ng ibang classmate ko at syempre si ash. Nakasuot ako ng itim na two piece at sinapawan ng malaking t-shirt 

"Hoy bakla bakit hindi ka pa naliligo?" tanong ni apple 

"Hindi ko pa nakikita si kyle" 

Saan na kaya si kyle? Simula kasi ng dumating kami rito ay hindi ko na ulit  siya nakita

"Oh ayan na pala siya eh" sabi ni apple at tinuro si kyle 

Napangiti ako ng makita ko siyang nakasuot ng khaki pants at walang suot na tshirt. Sa pustura niya ngayon ay mapagkakamalan talaga siyang lalaki. At tsaka ang hot niya ngayon! Women must throw themselves at him, at kabilang na ako rin

"Anong problema?" tanong ko sa kanya at nilapitan siya 

"Hindi ako komportable sa suot ko" maarteng sabi niya

"Ano ka ba? Ang hot mo kayang tignan" sabi ko at hinalikan ang pisngi niya 

Pinunasan niya ang pisngi niya "Kadiri ka talaga bakla" 

"Mag swimming na tayo mga bakla" sigaw ni apple

Agad naman napangiti si kyle at tumalon sa dagat. Ganun din ang ginawa ng mga kakalse samantalang ako naman ay naiwan lang na katayo sa gilid ng dagat

"Hoy bakla, bakit hindi ka pa lumalangoy?" tanong ni kyle

"Hindi ako marunong lumangoy"

"Marami ka nang punatumba na babae tapos hindi ka pala marunong lumangoy" sabi niya at tumawa 

Nagulat ako nang bigla niya akong  buhatin. Napakapit ako ng mahigpit sa kanya ng dinala niya ako sa malalim na parte ng dagat. Lulunurin niya ba ako kasi palagi ko nalang siyang hinahalikan? No! Hindi pa ako pwedeng mamatay

"Ibaba mo ako kyle" sigaw ko 

"Okay" sabi niya at ibinagasak ako sa tubig

"Ahhhhhhh"sigaw ko at awtomatikong napayakap sa kanya. Wtf? Ang lamig ng tubig

"Bakla, baka may makita sa atin at mapagkamalan na girlfriend kita" maarteng sabi niya 

"Edi mas mabuti para malaman nilang may nagmamay-ari na sayo" naka ngising sabi ko at hinalikan ang leeg niya

"Ba-bakla" nauutal na sabi niya 

"Ano?"

"U-malis ka nga bakla" umiwas siya ng tingin at mahina akong tinulak 

Lumayo na siya saakin at naiwan akong nag iisa. Napanguso nalang ako at napahawak sa labi ko. Maganda naman ako ah. Ano bang problema at hindinjiya gusto ang mga halik ko

"Hoy girl anong nangyari sayo?" tanong ni apple

Para talagang kabute tong si apple. Kung saan saan nalang sumusulpot

"Wala " sagot ko 

"Ang rami namang mga papa dito bakla. Nadoon oh, nakatingin sa atin" tili ni apple at tinuro ang grupo ng kalalakihan

"Mas gwapo si kyle sa kanila"

"Ang lakas talaga ng tama mo kay kyle" natatawang sabi niya 

"Syempre! Siya kaya ang ideal type of guy ko"

"Pero hindi ka naman bet ng ideal guy mo" naka ngising sabi niya

Ngumiti ako "Makukuha ko rin siya, not now but soon" 

"Nakasinghot ka ba ng katol bakla?  Lakas kasi ng amats mo"

"Wala namang imposible, diba?" ngumisi ako "Hahanapin ko lang si kyle bakla"

Umahon na ako sa dagat at nagsimulang hanapin si kyle. Agad na kumulo ang dugo ko nang makita ko siya na may kausap na isang babae at isang bakla. Humugot ako ng isamg malalim na buntong hininga at lumapit sa kanila. Baka may masapak na naman ako ngayon.

"Kuya anong name nyo?" narinig kong tanong ng babae 

"May girlfriend na po ba kayo?" sabi ng bakla na halatang kinikilig

"Oo meron, ako yun" sabi ko at hinawakan ang kamay ni kyle

"Bakit nagagalit ka? Nagtatanong lang naman kami?" maarteng sabi ng bakla

Ngumiti ako "Hindi ko lang kasi gustong nakikita na may lumalandi sa boyfriend ko"

"Ang sungit sungit mo eh ang taba mo naman"

Tumaas ang isang kilay ko "Ayusin mo ang tabas ng bibig mo kung ayaw mong ilampaso ko yang wig mo"

Humigpit ang pagkakahawak ni kyle sa kamay ko. Alam kong gusto niya na akong tumigil pero hindi ko siya pinansin at binitiwan ang kamay niya

"At sinong mataba? Sorry pero wala yan sa vocabulary ko" naka ngising sabi ko at hinubad ang t-shirt ko. Nakita kong napa nganga sila 

"Akala mo kung sinong manlait eh mukha namang paa" bulong ko 

"Walang hiya ka" sasampalin niya na sana ako pero pinigilan ko ang kamay niya

"Wag kang magkakamaling idapo ang  kamay mo sa mukha ko dahil alam kong wala kang pambayad kapag nagasgas mo 'to"

Hinawakan ko si ang kamay ni kyle at tinalikuran sila "Let's go babe"

Nang makalayo kami sa dalawa ay magkahawak parin kami ng kamay. Tahimik lang si kyle pero paminsan-minsan ay nahuhuli ko siyang tinitignan ako

"Bakit mo ba sila inaway?" si kule ang unang nagsalita

"Ayaw ko kasing may kumakausap sayo na babae"

Napahawak siya sa baba niya na para bang nag-iisip "So pwede akong makipag-usap sa lalaki"

"Hindi pwede, bubugbugin ko talaga ang lalaking lalapit sayo"

Natigilan kami sa pagsasalita nang sumigaw si apple "Guys hali na kayo maglalaro na tayo ng truth or dare"

Panira talaga ng moment tong si apple. Naunang maglakad si kyle at iniwan ako. Wala talaga siyang paki sa akin

"Hintayin mo kaya ako"

Napangisi ako. Hindi ako pinanganak para iwan ng taong mahal ko kaya sisiguraduhin kong mapupunta siya sa akin

That gay is mine - CompletedWhere stories live. Discover now