SPECIAL CHAPTER

5.1K 106 25
                                    


KYLE'S POV

Walang nagsabi sa akin na ganito pala kahirap maglihi ang isang babae. Hindi mo maintindihan kung ano talaga ang gusto nila. Minsan ay napapaisip ako kung tao ba talaga si maxine o isang halimaw

"Aray!" sigaw ko ng maramdaman kong may sumipa sa akin dahilan para malaglag ako sa kama

"Kyle, gusto kong kumain ng strawberry na bagong pitas"

Napahilamos ako sa mukha ko at tumabi sa kanya. She's 8 months pregnant at kasal na kami. Pero wala parin namang nagbago, maganda parin siya pero medyo nakakatakot nga lang minsan

"Alas tres palang. Saan naman tayo kukuha ng fresh strawberries? At  baka pa mapahamak ako"

Tumalim ang tingin niya sa akin
"Sa tingin mo may pakialam ako sayo?"

"Kanina ka pa kumakain. Pwede bang patulugin mo naman ako?"

Simula nang magbuntis siya ay hindi na ako nakatulog ng maayos. Palagi niya akong ginigising para kumain, mukhang hindi yata siya nabubusog

"Kukuha ka ba ng strawberry o papalayasin kita dito?"

"Kukuha na po" Wala talaga siyang awa sa akin

Lumabas ako ng kwarto at tinawagan si Aling Faye. Siya yung palaging tinatakbuhan ko kapag gustong kumain ng prutas ni maxine. May maliit na farm kasi ito

"May strawberry pa po ba kayo? Sorry po aling faye at napatawag po ako ng ganitong oras" tanong ko

"Ayos lang kyle, gusto na naman bang kumain ni maxine ng strawberry?"

"Opo, pupunta nalang po ako sa bahay niyo. Pwede po ba?"

"Oo iho" sagot nito

Pinatay ko na ang tawag at pumunta sa bahay ni Aling Faye. Buti nalang at malapit lang dito ang bahay niya kaya mabilis akong nakakuha ng strawberries. Pagkatapos kung kumaha ay agad ko itong dinala kay maxine

"Ito na yung strawberries na hininhingi mo" sabi ko at tumabi sa kanya

Sa wakas ay makakatulog na ulit ako. Hihiga na sana ako para matulog pero pinigilan niya ako

"Ayaw ko na yan" inis na sabi niya

"Ako pa mismo ang namitas niyan. Hindi ba pwedeng kumain ka nalang ng kahit kunti?"

"Ayaw ko, gusto kong kumain ng manga"

Bumangon nalang ulit ako at tinawagan si Aling Faye. Minsan ay naaawa ako sa matanda kasi palaging naiisturbo pero mukhang mas kailangan ko yata ng awa ngayon

Palaging ganun ang ginagawa ko tuwing gabi. Kaya sanay na akong palaging napupuyat. Ginawa ko ito, kaya dapat kong panindigan

"Kyle, gusto ko ng ice cream" naka ngiting sabi niya

Nasa Park kami ngayon at naglalakad. Ugali na naming mamasyal kasi mas gusto ni maxine na makita ang ibang tao kesa sa mukha ko

"Anong gusto mong flavor? Bibilhan kita"

Umiling siya "Gusto ko yung ice cream na kinakain ng bata" sabi niya at tinuro ang bata

"Uhm..." mukhang may plano pa yata si maxine na gawin akong magnanakaw "Bibilhan nalang kita"

"Ayaw ko, gusto ko yung ice cream niya" halatang malapit na siyang umiyak

"Okay, pakiki-usapan ko yung bata" sabi ko at walang ibang nagawa kundi ang lapitan ang bata.

"Hey kid, magkano ba yang ice cream mo? Pwede bang bilhin ko?" I politely said

Umiling ang bata "Ayaw ko nga, this is mine"

Napangiwi ako "Bibilhan kita ng marami"

"No, I don't trust you"

Tumingin ako sa paligid at nang makitang walang tao ay inagaw ko ang ice cream na dala ng bata at nagmamadaling binigay ito kay maxine

"Ito na yung hininhingi mo" hinihingal na sabi ko

Bigla akong kinabahan nang makitang umiiyak ang bata. Inis akong tinignan ni maxine at binigay sa akin ang ice cream

"Ang sama mo kyle. Paano mo nagawang paiyakin ang isang bata?" sabi niya at nilapitan ang batang lalaki

"Pero ikaw yung nagsabing kunin ko yung ice cream" Bakit parang kasalanan ko pa?

Hinampas niya ang braso ko
"Sinabi ko bang paiyakin mo siya?"

"Pero—"

"Hindi ka tatabi sa akin mamaya" sabi niya at tinalikuran ako

Napakamot nalang ako sa batok ko. Kahit tupakin ang asawa ko ay mahal ko parin siya

Lumipas ang ilang araw ay isinugod na siya sa hospital. Kinakabahan ako at parang masusuka narin dahil manganganak na si maxine. Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko dahil gusto ko ng makita ang anak ko

"Kyleeeeee!" sigaw niya at hinila ang buhok ko

"Aray! Baka matanggal ang lahat ng buhok ko" sabi ko pero hinayaan ko lang siyang sabunutan ako

"Kaya mo yan, misis" sabi naman ng doctor na nagpapa-anak kay maxine

"Puta ka kyle! Ang sakit na nga ng nararamdaman ko pero yung buhok mo lang yung inalala mo" sermon niya

"Sorry na" sabi ko

Matalim niya akong tinignan "Hindi ka na makakaulit kyle. Tandaan mo yan"

Kahit na nanganganak si maxine ay masungit parin ito sa akin. Mukhang hindi pa yata ako nasasanay sa ugali niya. Damn! Nami-miss ko na yung dating maxine

"Nakikita ko na ang ulo ng bata. Hinga ng malalim misis"

"Kasalanan mo itong lahat, Kyle!" sigaw niya ulit "Hindi kita patatawarin"

Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni maxine bago ko marinig ang iyak ng isang sanggol. Bago ko pa makita ang anak ko ay nawalan na ako ng malay

"Kyle"

"Wake up, honey"

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang boses ni maxine. Nakita ko si maxine na katabi ang anak namin

"Sa wakas ay nakita ko narin ang anak ko" hindi ko mapigilang mapasigaw dahil sa tuwa

"Lalaki yung anak natin" naka ngiting sabi niya

Lumapit ako sa kanila at hinalikan ang anak ko. Ayaw sabihin ni maxine sa akin kung anong gender ng anak ko kasi gusto niyang surprisahin ako

"Nawalan ka ng malay kanina kaya dinala ka rito. Para kang bakla" natatawang sabi ni maxine

"Hindi ka na galit sa akin?" tanong ko sa kanya

"Hindi na"

Niyakap ko siya at hinalikan ang noo niya "I miss you" Sa wakas ay bumalik narin ang dating maxine

"I love you kyle. Alam kong naging masungit ako sayo pero

That gay is mine - CompletedWhere stories live. Discover now