CHAPTER 41

4.1K 108 14
                                    


MAXINE'S POV

"Bakla, maiwan ko muna kayo. Magkikita lang kami ng frank" sabi ni apple

"At sino naman si frank?" naguguluhang tanong ko

"My new boyfriend"

"Anong nangyari sa inyo ni marco? Diba sabi mo siya na ang forever mo?"

"Break na kami kahapon" ngumiti siya sa akin "Aalis na ako, bakla"

Kahapon lang kami nakauwi galing sa island. Gusto pa nga namin na mag stay pero may exam kasi kami kanina kaya napilitan kaming umuwi. Nandito ako sa classroom at hinihintay si kyle, sabi niya kasi may bibilhin siya. Tapos na ang exam namin kaya medyo kunti nalang ang tao dito sa classroom

"Hey"

Napasimangot ako nang makita si kyle "Kanina pa kita hinihintay"

"Kumain ka muna" sabi niya at ibinigay sa akin ang isang king size na burger at isang sundae

"My favorites" naka ngiting sabi ko at kinain agad ang burger

"Hindi ka kumain ng lunch kaya alam kong gutom ka"

"Napansin mo pala yun? Akala ko busy ka sa pag review kanina"

"Of course, binabantayan kaya kita. Palagi akong nakatingin sayo"

Napatigil ako sa pagkain at tumingin sa kanya. Totoo ba ang sinabi niya? Does that mean may gusto na siya sa akin? O nagkataon lang?

"Palagi?"

Napakamot siya sa batok niya "Akala ko napansin mo"

Lumapit ako sa kanya at pinisil ang pisngi niya "Nahihiya ka ba? Namumula ang pisngi mo"

"Magmumukha ba akong stalker kung sasabihin kung palagi akong nakatingin sayo at binabantayan ka?"

Umiling ako "Hindi"

Agad kong inubos ang pagkain ko at hinila si kyle palabas ng room "Mag date tayo ngayon, tapos na ang exam kaya wala na tayong iisipin"

"Okay" sagot niya

Palabas na sana kami ng campus ng may marinig kaming tumawag kay kyle. Agad na napataas ang kilay ko nang makita kong niyakap ni kyle

"Nakita rin kita" naka ngiting sabi niya

"Anong ginagawa mo rito?" halatang nagulat si kyle at naiilang na tumingin sa akin

The girl has an angelic face. Inosente itong tignan at may natural itong ganda na siguradong pagkakaguluhan ng kalalakihan. Gusto kong mag maldita at awayin siya dahil niyakap niya si kyle pero baka magalit lang si kyle

"Hinahanap ka" naka ngiting sabi niya

Tumikhim ako para makuha ang atensyon nilang dalawa "Aalis na muna ako, mukhang enjoy na enjoy kayo e"

Padabog akong tumalikod at lumayo sa kanila. Inasahan kong pipigilan ako ni kyle pero mas lalo lang akong nainis nang makita kong sumunod lang siya sa babae at hindi ako pinansin

"Masagasaan sana kayong dalawa" naiinis na sabi ko at sumakay sa kotse ko

____

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong napabuntong hininga. Nagsisisi ako kasi umalis ako kanina. Baka kasi nagkamabutihan na sila ni kyle at ayaw kong mangyari yun

Kinuha ko ang cellohone ko at tinawagan si kyle. Ilang rings lang ay sumagot na si kyle

"Saan ka ngayon?" tanong ko sa kanya

"Nasa Ice cream Parlor"

Napanguso ako "Pwede ba akong pumunta? Ilibre mo ako"

"Oo naman" sagot ni kyle

"Okay, magbibihis lang ako"

Papatayin ko na sana ang tawag pero may narinig akong boses ng babae. Agad na binalot ng selos ang puso ko

"Kyle, gusto ko 'to. Bilhin natin yan...."

"Maxine?" nagsalita si kyle "Nandyan ka pa?"

"Uhm..." pinilit kong pasayahin ang boses ko "May gagawin pa pala ako, mag enjoy kayo"

Damn! Bakit ba ang bilis kong mag selos



KYLE'S POV

Pagkatapos naming kumain ng ice cream ni camille ay pumunta agad ako sa bahay ni maxine. Baka kasi nagselos siya at kailangan kong mag explain tungkol nangyari kanina

Pipindutin ko na sana ang door bell nang mapansin kong hindi naka-lock ang pinto kaya pumasok nalang ako. Hinanap ko siya sa living room pero wala siya kaya pumasok ako sa kwarto niya. At hindi nga ako nagkamali, nakita ko siyang nakaupo sa kama at nakatingin sa cellphone niya

"Maxine"

Tumingin siya sa akin pero agad din naman itong umiwas ng tingin. Namumula ang mga mata niya na para bang kagagaling lang niya sa pag-iyak

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya "Diba may kasama ka kanina?"

Lihim akong ngumiti at lumapit sa kanya "Nagseselos ka ba?"

"Hindi"

"Parang nagseselos ka e"

"Hindi nga" naiiritang sabi niya "Kung yan lang ang ipinunta mo rito, pwede ka ng umalis"

Umupo ako sa tabi niya "Ex ko si  camille, yung babae kanina. Magkaibigan ang mga pamilya namin kaya close parin kami hanggang ngayon. We've been together since we are 16 pero naghiwalay rin kami dahil pumunta siya sa states. Pero matagal ko na siyang nakalimutan"

Tumingin siya sa akin at bakas ang selos sa mga mata niya "First girlfriend mo siya?"

"Oo"

"Ngayon ko lang nalaman na may Ex ka pala" ngumiti si maxine, isang pilit na ngiti "Maganda siya"

Hinimas ko ang pisngi niya "Mas maganda ka naman sa kanya"

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin "Masama bang magselos? Kasi nagseselos ako. Bakit ganun? Pinipilit ko ang sarili ko na wag magselos kasi wala namang tayo pero tinatraydor ako ng puso ko"

"May karapatan ka namang mag selos  kasi mahal kita" mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya

"Ano?" tumingin siya sa akin "Huwag kang magbiro ng ganyan kasi baka maniwala ako"

Ngumiti ako sa kanya "Mahal kita, maxine" Matagal na pero ngayon lang ako nagkaaroon ng lakas ng loob

"So Boyfriend na kita?" masayang tanong niya

"Uhm..." kinamot ko ang batok ko "Hindi ba kita liligawan?"

Umiling siya "Hindi na kailangan, kasi kapag naligaw ka sa akin ay sasagutin agad kita. At tsaka sayang lang yun sa oras"

"Okay"

Ngumiti ako at hinimas ang labi niya "Can I have my kiss now? Matagal ko ng gustong halikan ang labi mo pero pinipigilan ko lang ang sarili ko"

"I'm all yours" naka ngiting sabi niya

Napailing nalang ako bago sinakop ang labi niya. Maxine never fails to amaze me. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng ayaw magpaligaw kasi sayang lang ito sa oras





Yung selos ma selos ka pero wala kayong label🤔

That gay is mine - CompletedWhere stories live. Discover now