Chapter 57

3.8K 92 15
                                    

KYLE'S POV

Nang matapos kaming kumain ni jasmine ay pumunta kami sa mall at bumili ng wedding ring. Naging busy ako dahil pinaghahandaan ko ang proposal ko kay maxine. Balak kong mag propose sa kanya mamaya. Sana lang ay pumayag siya

"Memoryado mo na ba ang sasabihin mo?" tanong ni jasmine habang papunta kami sa shop

"Oo naman"

"Ang  dali lang naman mag propose, bakit ba kailangan mo pa ng tulong ko?" tanong niya

Bored ko siyang tinignan "Ano pang silbi ng pagiging event planner mo kung hindi kita gagamitin?"

Sa restaurant kami palaging nagkikiya ni jasmine kasi doon ko balak mag propose kay maxine. Palagi kaming nag-re-rehearse kasi nakakalimutan ko kung ano ang sasabihin ko kapag naiisip kong mag-po-propose na ako kay maxine. Palagi akong kinakabahan kasi baka ayawan niya ang proposal ko

"Don't worry, ba bayaran naman kita" dagdag ko

"Okay, wag mo ng ipamukha sa akin na wala akong pera" sagot niya

Nang makarating kami sa jewelry shop ay namili kami ng mga singing na babagay kay maxine

"Ito kaya?" tinuro ko ang isang singing na may malaking diamond

"Hindi yan babagay sa kanya" sagot ni jasmine

"Ano kaya ang gusto niya?"

"Ito" tinuro niya ang isang singsing na sakto lang ang laki ng diamond

"Magugustuhan niya kaya yan?"

Itinaas niya ang isang kilay niya  "Wala ka bang tiwala sa akin?"

"Tss"

"Bibilhin ko na ito miss" sabi ko sa sales lady

"That would be 800, 000 thousand pesos, sir"

Binigay ko ang credit card sa babae. Hindi pa kami kasal ni maxine pero mukhang mamumulubi na yata ako nito

"Hali ka na" sabi ko kay jasmine at lumabas na ng shop

"Tandaan mo yung mga dapat mong sabihin, okay?"

"Baka nakalimutan ko" sagot ko

"Wag kang mag-aalala. Pupunta ako doon ng maaga sa restaurant, I will set up everything"

"Okay"

Pagkatapos naming mag-usap ay bumalik na ako sa condo. Sakto namang nakita ko si maxine na nasa kwarto ko

"Pwede bang mag dinner tayo mamaya?" kinakabahang tanong ko

"Sure"

Hinalikan ko ang noo niya "Magbihis ka na"

Itinago ko ang kabang nararamdaman  ko. Paano kung hindi siya pumayag? Baka hindi pa siya sigurado sa akin

Bakit pakiramdam ko hindi siya papayag?

MAXINE'S POV

Nagsuot lang ako ng simpleng floral dress na backless. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay pumunta ako sa sala at nakita si kyle na naghihintay sa akin

Nakasuot siya ng white shirt na sinapawan ng leather jacket at pinarisan ng black jeans. Bakit kahit among isuot niya ang hot niya paring tignan? Nasaan ang hustisya?

"Bakit ang ganda ng girlfriend ko?" lumapit siya sa akin at hinalikan ang labi ko

"Wag ka ngang magbiro kyle" sagot ko

"At kailan pa ako nagbiro?"

"Ewan, hali ka na nga" sabi ko at hinila siya papalabas ng condo

Sumakay kami ng kotse niya at siya na ang nagmaneho. Pagkalipas ng ilang minuto ay inihinto niya ang sasakyan sa pamilyar na restaurant. It's a french restaurant at halamang mamahalin ito. Ito din yung restaurant na pinuntahan niya kahapon kasama ng babae niya

Hinawakan ni kyle ang kamay ko at iginiya ako sa isang mesa. Nang makuopo na kami ay si kyle na mismo ang umorder sa kakainin namin

"Ano ba ang okasyon at dinala mo ako rito?" tanong ko

"Uhm..." umiwas siya ng tingin "Gusto ko lang makasama ka rito"

"Okay" baka hindi available ang babae niya kaya ako nalang ang sinama niya

"Anong gusto mong gawin pagkatapos nating kumain?" tanong niya

Ngumiti ako "Gusto kong matulog"

Mukha namang na disappoint siya sa sinabi ko "Inaantok ka na ba?"

"Oo"

Sa buong pagkakataon ay nakangiti lang siya at nakatingin sa akin. Pero kahit nakangiti ito ay halata namang kinakabahan siya. Bakit kaya siya kinakabahan?

Habang kumakain kami ay namamayani ang katahimikan. Parang may gusto siyang sabihin pero nanatili lang na tahimik si kyle

"Pupunta lang ako sa comfort room" hinubad niya ang jacket niya at inilagay sa upuan niya at umalis na

Naglatuloy lang ako sa pagkain pero bigla akong napatingin sa jacket niya nang may malaglag dito. It is a red small box. At dahil sa likas na chismosa ako, kinuha ko ang box at binuksan ako. Halos malaglag ang panga ko ng makitang wedding ring ang laman nito

"Maxine" Hindi ko namalayan na nakalapit na pala si kyle sa akin

Tumingin naman ako sa kanya at ipinakita ng singsing "What's this kyle?"

"It's a — It is a...." tumingin siya sa babaeng nasa likuran namin

Kung hindi ako nagkakamali, ito yung babaeng kasama niya kahapon. Hindi ko alam pero gusto kong mag wala at manapak ng tao. Pinagtitinginan na kami ng ibang tao pero wala akong pakialam. I feel betrayed and it fucking hurts

"Bakit hindi ka makapagsalita?" tanong ko "Matagal mo na ba akong niloloko?"

Nanatili lang tahimik si kyle na halatang sobra ng kinakabahan

"What's the meaning of this?" Nagulat ako nang biglang sumulpot sa harapan namin si Jane "Magpaliwanag ka kyle"

Hindi ko alam pero pwede ng maging spy si Jane dahil kung saan saan nalang ito sumusulpot

"Ikaw ang may kasalanan nito" tinuro ni kyle ang ate niya "Sinabi mong mag propose na ako kay maxine"

"Bakit napunta sa akin ang sisi?" sagot ni jane

Lumapit sa akin ang babae ni kyle at tumingin kay kyle "Gawin mo na"

Nagulat ako ng kunin ni kyle ang wedding ring at lumuhod si sa harapan ko

"Wi-will you please ma-marry me, maxine?" utal na tanong niya

Bigla akong napako sa kinatatayuan ko. Nagsigawan ang tao na nasa restaurant pero ang naririnig ko lang ang pintig ng puso ko. Ito yung matagal ko ng hinihintay

"Say yes"

"Sagutin mo na yan"

"Umoo ka na miss"

"Naku, ang sweet ng lalaki"

Yun lang ang maririnig mo sa buong restaurant habang ako naman ay nakatingin lang kay kyle

Ngumiti ako sa kanya "Pakasalan mo yang mukha mo"

"What?!"

That gay is mine - CompletedKde žijí příběhy. Začni objevovat