CHAPTER 52

4.2K 97 9
                                    

MAXINE'S POV

Magkahawak ang kamay namin ni kyle habang naglalakad sa grocery store. Namimili kami ng pagkain dahil ang lakas kumain ni kyle kaya nauubusan na kami ng stocks sa condo niya

"Gusto ko ito" sabi ni kyle at nilalagay ang ibat-ibang wines sa cart namin

Inagaw ko ang wine sa kanya "Hindi ka pwedeng maglasing, makakasama yan sayo"

"Kunti lang naman ang iinumin ko"

Pinandilatan ko siya ng mata "Hindi nga pwede, wag matigas ang ulo"

Niyakap niya lang ako at hinalikan ang pisngi ko "Sige na nga, hindi na ako bibili sa isang kondisyon"

"Ano naman yun?" Bakit pakiramdam ko may binabalak na naman siyang masama

"Sabay tayong maligo mamaya" naka ngising sabi niya

"Hmm, maliligo lang naman tayo diba?"

"Pagiisipan ko pa"

Napansin kong pinagtitingin na kami ng tao rito kaya sinubukan kong kumalas sa yakap niya pero mas lalo lang niya akong pinalapit pa sa kanya

"Bitawan mo nga ako, ang daming taong nakatingin sa atin" pinilit kong lumayo sa kanya

Ngumisi siya "Bibitawan lang kita kapag papayag ka sa kondisyon ko"

"Fine"

Binitiwan naman niya ako at ibinalik ang mga wines na kinuha niya. Napayuko nalang ako dahil sa hiyang nararamdaman ko habang si kyle naman ay parang walang pakialam sa mga taong nakatingin sa amin. Really? Hindi ba talaga siya tinatablan ng hiya sa katawan?

"Hali ka na nga, bibili pa tayo condom" nilakasan niya ang boses niya

Agad kong tinampal ang braso niya at  hinila siya palayo sa lugar na yun

"Tumahimik ka nga kyle, baka kung ano pa ang isipin ng mga taong yun"

Bored siyang tumingin sa akin "Sa tingin mo may pakialam ako sa kanila?"

Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa pamimili ng mga pagkain. Inabala ko ang ang sarili ko sa pamimili ng mga prutas habang si kyle naman ay tahimik lang at nakasunod lang sa akin

"May kailangan pa po kayo maam?" tanong ng isang sales man sa akin

"Ayos lang naman"

"Baka kailangan niyo po ng tulong ko"

"Uhm....." tinignan ko si kyle na ngayon ay masama na ang tingin sa lalaki "Kaya ko na ang sarili ko"

Bago pa makapagsalita ang lalaki ay sumabat na si kyle "Mukha bang nangagailangan kami ng tulong mo?"

"Hindi po" halatang natakot ang sales man kay kyle

"Mas makakatulong ka sa amim kung aalis ka dito" masungit na sabi ni kyle dahilan para umalis ang lalaki

"Nagtatanong lang naman e, nakakaawa naman yung lalaki" sabi ko kay kyle

"Again, wala akong pakialam sa lalaking yun"

Hinawakan niya ang kamay ko at hindi niya na ito binitiwan hanggang makaalis na kami sa grocery store. Pagkarating namin sa sa condo niya ay agad na nagluto si kyle para sa dinner namin

"Gutom ka na ba?" tanong niya at hinalikan ang pisngi ko

"Hindi pa naman"

"Sigurado ka? Bakit paramg namamayat ka yata?" tinignan niya ang katawan ko

"Sira ka talaga, payat na ako dati pa"

Tumawa lang siya at pinagpatuloy lang ang pagluluto niya. Akmang papasok na sana ako sa kwarto ni kyle nang biglang makita ko ang ate niya. Wait? Bakit bigla bigla nalang lumilitaw ang ate niya?

"H-hi po" bati ko sa kanya

Nginitian niya ako "Hello maxine. Btw, I am jane"

"Kilala niyo ako?"

Tumawa siya "Oo naman, diba ikaw nga yung dahilan kung bakit palaging umiinom si kyle?"

Bigla akong napayuko sa sinabi niya. Sigurado akong galit ang ate niya sa akin dahil ako ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay niya ng dahil sa akin

"Sorry po"

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin "Biro lang yun, ano ka ba. Palagi ka kasing bukang bibig ni kyle kaya kilala kita. Maganda ka pala talaga sa personal, kaya pala baliw na baliw sayo yung mokong na yun"

Nahihiya akong tumingin sa kanya "Talaga po?"

"Alam mo pwede kang sumama sa akin sa states, alam kong ang daming kukuha sayong agencies para maging model"

"Model ka?" gulat na tanong ko

Tumango siya "Alam kong hindi halata pero model talaga ako"

"Halata naman e, ang ganda mo kaya tapos ang tangkad mo pa" kaya pala pamilyar ang ate niya

"Wag mo naman ako masyadong bulahin" sabi niya at hinampas ang braso ko

Naputol ang pag-uusap namin ni jane nang bigla akong yakapin ni kyle mula sa likuran ko at inilayo ako mula kay jane

"Anong ginagawa mo?" sigaw ko pero hindi niya parin ako binibitawan

"Hoy jane, wag mo kausapin ang girlfriend ko" tinuro niya ang kapatid niya "Wala ka na bang taong makausap kaya dinadamay mo si maxine?"

Sumama ang timpla ng mukha ni jane "Gusto ko lang naman ng kausap e, ayaw ng makinig sa akin si lily kasi naririndi na daw siya sa akin"

"Manuod ka muna ng movie, kakausapin ko lang si maxine"

Tumango lang si jane at pumunta sa living room. Naiwan naman kami ni kyle sa kusina habang nakayakap parin sa akin si kyle

"Bakit mo naman ginawa yun sa ate mo?" tanong ko

Hinalikan niya ang leeg ko "Trust me, mas mabuting wala kang kasama kaysa sa makinig sa ate ko. Masyado kasi yung madaldal"

"Hindi mo parin dapat ginawa yun"

Bumuntong hininga siya "Sige na nga, hindi ko na uulitin"

"Good boy" Kumalas ako sa yakap niya at  humarap sa kanya "Bilisan mo na ang ginagawa mo kasi gagawin ko na ang kondisyon mo"

Bigka siyang napangiti "Maliligo ka na kasama ako?"

"Oo na kaya bilisan mong magluto dyan" sabi ko at pumasok sa kwarto niya

Naiiling akong humiga sa kama habang iniisip ang susunod kong gagawin. Alam kong hindi lang paliligo ang mangyayari mamaya kaya kailangan ihanda ko ang sarili ko

That gay is mine - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon