CHAPTER 36

4.5K 109 2
                                    


MAXINE'S POV

Pagkatapos naming maligo ni kyle ay pumunta kami sa mall. Dinala ko siya sa women's wear at namili ng lingerie doon. Nakalimutan ko kasing magdala ng pantulog kaya bibili nalang ako

"Ito kaya?" sabi ko at pinakita sa kanya ang isang kulay red na lingerie

"Hindi bagay sayo" bored na sabi niya

"Okay" sabi ko at namili ulit "Ito kaya? Babagay kaya to sa akin?"

"Hindi bagay sayo ang kulay"

Napangiti ako ng makakita ako ng black na lingerie. Manipis lang ito at maikli. Hinila ko si kyle sa fiiting room. May kalakihan ang fitting room at may sofa ito at may malaking salamin

"Sa labas nalang ako maghihintay" lalabas na sana siya pero pinigilan ko siya

"Dito ka lang, i'll be quick. Tignan mo lang kung bagay ba sa akin"

Wala nang nagawa si kyle at umupo sa sofa. Napangiti ako. Alam kong hindi ako matitiis ni kyle. Libre namang mag assume diba?

Hinubad ko ang suot kong damit at short. Nakita kong napaiwas ng tingin si kyle. Hindi na ako nahihiya sa kanya dahil sanay naman siyang makita ang katawan ko

"Hindi ba sinabi ko sayo na wag kang maghubad sa harapan ng isang lalaki?" halatang naiirita siya

"Your an exception, future husband naman kita. Dapat nga ay masanay ka na sa akin"

"Kahit na, paano kung may makakita sayo?"

"Makikita lang naman nila ang katawan ko pero ikaw lang ang makakahawak"

Sinuot ko ang napili kong lingerie at tinawag si kyle. Kinabahan ako nang wala akong makitang emosyon sa mukha niya. Nakayukom lang ang kamao nito at inalis ang tingin sa akin

"Ano? Bagay ba?"

Lumapit ako sa kanya nang hindi siya sumagot "Hindi ba bagay sa akin? Mamimili nalang ako ng iba"

Huminga siya ng malalim at tumingin  sa akin na parang nahihirapan. May sakit ba siya? Bakit namumula siya?

"Ako nalang ang pipili, hihintayin kita sa labas" kalmadong sabi niya at lumabas ngfitting room

"Okay"

Hinubad ko ang suot kong lingerie at sinuot ang damit at short ko. Minsan takaga hindi ko maintindihan si kyle. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas narin ako ng fitting room. Nakita ko si kyle na may dalang pajama at malaking tshirt

"I know this will suit you" sabi niya at itinapon ang pajama sa akin

"But I want to wear lingerie" reklamo ko

"Ano bang maganda dyan? Ang nipis ng tela, giginawin ka lang" naiinis na rin si kyle "At bakit ba gusto mong magsuot ng ganyang klaseng damit?"

"Para nga magkagusto sa akin diba? Paano ka magkakagusto sa akin kung wala akong gagawin?"

Pinapasalamatan ko talaga ang magulang ko kasi pinalaki nila akong puno ng self confidence. Kaya nga hindi na akong nahihiyang sabihin kay kyle ang nararamdaman ko

"You don't have to wear sexy dresses. Mas maganda parin kapag simple lang ang babae"

"Tss" alam kong sinasabi lang yan ni kyle para hindi ako makapagsuot ng sexy na damit

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala sa akin"

"Okay na, naniniwala ako sayo" sabi ko at padabog na pumunta sa counter para bayaran ang mga damit na pinili ni kyle

Sumunod naman si kyle sa akin. Lalabas na sana kami pero  pareho kaming napahinto nang may tumawag kay kyle. Agad na kumulo ang dugo ko nang makitang niyakap ng babae si kyle. Nakasuot lang ito  nang maliit na skirt at off shoulder. Tsk, sana naghubad nalang siya dahil kunting galaw lang niya ay kita na ang panty nito

"Hello dear, I didn't expect to see you here" halatang nang-aakit ang babae pero parang wala lang ito kay kyle

Ngumiti ako sa kanya "Hi"

"Oh" tumingin ang babae sa akin "Are you his maid or something?"

Napataas ang isang kilay ko "Excuse me?"  Masyado yata siyang confident sa sarili, halata namang silicon lang ang dede nito. Kapag sinuntok ko ang dede niya sigurado akong babalik yan sa dati

Magsasalita na sana ako pero nagulat ako ng hinalikan ako ni kyle at ipinalibot ang kamay niya sa bewang ko

"Sorry pero ayaw ng girlfriend kong nakikipag-usap ako sa iba" sabi ni kyle at inilayo ako sa babae

"Kayang kaya ko naman yun, dede lang naman ang malaki sa kanya" sabi ko kay kyle

"I dont want you to get hurt"

Napangiti ako "Bakit mo naman ako hinalikan kanina? Guro mo na ba ako?"

"Hindi noh, alam ko kasing makikipag-away ka naman kaya inilayo na kita ron"

Napanguso ako "Akala ko gusto mo na ako"

Tahimik lang si kyle. Ako lang yung parating nagsasalita. Hanggang sa makarating kami sa isla ay wala parin siyang imik

"Magsalita ka kaya, kanina ka pa tahimik" sabi ko pero hindi parin siya magsalita

"Maxine?"

Napatingin ako sa likuran namin at napangiti ako nang makita si brix. Kailangan ko palang magpasalamat sa kanya para sa pag comfort sa akin kahapon. Lalapit na sana ako sa kanya pero hinawakan ni kyle ang kamay ko

"Ano?" tanong ko rito

"Gusto kitang makausap sa cabin"

"Hindi ka nga nagsasalita kanina e, sigurado akong tatahimik ka lang" sabi ko at inalis ang kamay niya

"Kapag hindi ako nagsalita, halikan mo ako para magsalita ako"

Agad akong napangiti sa sinabi niya. Hindi ko palalampasin ang pagkakataon na mahalikan si kyle. Marupok na kung marupok

Tumingin ako kay brix "Mag-usap nalang tayo mamaya"

Hinila ko si kyle at pumasok na sa cabin. Isinandal ko siya sa pinto at nakangiting tumingin sa kanya

"Hindi ka nagsalita kanina, pwede bang maningil rin ako ng halik ko don?"

"Okay"

"Yiee, free kiss" sabi ko at hinalikan ang labi niya

Hindi pa ako nakuntento at pinuno ng halik ang mukha niya pati sa leeg niya. Hindi talaga ako magsasawang hakikan siya

"Baka magsawa ka sa akin" natatawang sabi ni kyle

"Never akong magsasawa sa mukha mo" sabi ko at kinagat ang ibabang labi niya

Nagiging marupok talaga tayo kapag nagmamahal. Kunting spoiler lang, bukas aamin na si kyle. Pero paano kaya siya aamin? Anong magiging reaksyon ni maxine?

That gay is mine - Completedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن