CHAPTER 45

3.7K 93 18
                                    


MAXINE'S POV

"Can I join you?" ngumiti si camille  kay kyle "Nag-iisa lang lang kasi ako"

"Of course" sagot ni kyle

Wala na akong ibang nagawa nang umupo siya sa tabi ni kyle. Uminom nalang ako ng vodka at hindi pinansin silang dalawa na ngayon ay nagsisimula na namang mag-usap

"Bakit nandito ka?" tanong ni kyle kay camille

"Na bored kasi ako sa bahay, buti nalang at nakita ko kayo" sagot ni camille

Mas mabuti kung hindi mo kami nakita!

"Hindi ka naman pumupunta dito dati e, bakit nagbago ang isip mo?" si kyle

"Dati yun kyle, matanda na ako ngayon" sagot ni camille

"Yeah"

Naiirita akong tumingin sa kanilang dalawa. Gusto kong bulyawan silang dalawa pero baka ako na naman ang magmumukhang masama. Gusto kong awayin si camille at paalisin siya dito pero alam kong magagalit si kyle. Tsk. Ang hirap maging mabait ah

"Mukhang may nagseselos" naka ngising sabi ni apple

"Kanina ko pa nga nahahalata" dagdag ng boyfriend niya

Agad naman akong ngumiti para itago ang inis na nararamdaman ko. Pahamak talaga si apple kahit kailan. Gusto ko tuloy pumatay ng isang kaibigan ko ngayon

"Sino naman yun?" tanong ko

"Ikaw" tumawa siya ng malakas "Sobrang halata kaya bakla"

"Hindi noh, pagod lang ako" depensa ko "Tsaka ang ingay ingay dito, ayaw ko sa mga maiingay na lugar" mas ayaw ko kay camille

"Lokohin mo yung nanay ko" tumatawa parin si apple

"Gusto mo ng umuwi?" natigilan ako sa tanong ni kyle "Iuuwi na kita"

Pilit akong ngumiti "Hindi, nag-eenjoy pa si apple"

"Okay"

Inakbayan niya ako at hinalikan ang braso ko. Mahina akong napamura nan tumaas ang halik niya mula sa balikat ko, papunta sa leeg ko

"Nakikita tayo ni camille" bulong ko sa kanya

"So?" kinagat niya ang gilid ng leeg ko "Wala akong pakialam"

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy lang sa pag-inom ng vodka. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman kong inamoy niya ang leeg ko at paminsan-minsan ay sinisipsip ito

"Pupunta lang ako ng restroom" biglang sabi ni camille

Tumango lang si kyle at hinalikan ang labi ko. Mahina ko siyang tinulak at pinandilatan siya ng mata

"Lasing ka ba?" tanong ko "Baka may makakita sa akin"

Tipid siyang ngumiti "Ayaw ko kasing magselos ang girlfriend ko"

Hinawakan ko ang magkabilang pisingi niya "Kaibigan mo lang naman si camille diba?"

"Oo"

"Hindi mo ako ipagpapalit sa kanya diba?"

Tumango siya "Hinding hindi"

"So wala pala akong dahilan para magselos, tama ba? Kasi alam kong hindi ako ipagpapalit ng boyfriend ko" Sana nga

"Oo naman"

"I trust you" May tiwala naman ako kay kyle. Yung asungot na camille na yun ang wala akong tiwala

Magsasalita pa sana ako nang biglang sumigaw si apple "Kyle, may nambabastos kay camille"

"Saan siya?" bakas sa mukha ni kyle ang pag-aalala

"Nasa labas ng restroom, dalian mo"

Agad namang tumakbo si kyle papunta sa restroom. Makalipas ang ilang segundo ay sumunod din ako sa kanya. Agad ko namang nakita si kyle na buhat buhat si camille na walang malay

Patay na ba siya? Sana nga lang

"Ayos kang ba siya?" tanong ko

"Nawalan siya ng malay"

"Mabuti naman at hindi siya malala" Sayang naman

Nagpaalam kami kay apple at pumunta sa condo ni kyle. Inihiga lang namin si camille sa guest room tsaka nagpahinga na kami sa kwarto ni kyle

"Pakibukas naman ng zipper nito, kyle" May zipper kasi sa likod ng damit ko at hindi ko ito maabot

Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako mula sa likod. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko at ipinalibot ang kamay niya sa bewang ko

"Sorry kasi dinala ko si camille dito, wala kasi yung mommy niya para mag-alaga sa kanya"

"Ayos lang naman" sagot ko

"Hindi tayo nakapag-date" bakas sa boses niya ang lungkot "Babawi nakang ako bukas, promise"

"Marami pa namang oras para mag date tayo, alagaan muna natin si camille"

"Ang bait talaga ng girlfriend ko" sabi niya at hinalikan ang pisngi ko

"Matagal na akong mabait kyle, hindi ko lang pinapahalata"

Napaigtad ako nang maramdaman kong tumaas ang kamay niya mula sa bewang ko pataas sa balikat ko. Ibinaba niya ang zipper ng damit ko habang ang mga labi niya ay nasa balikat ko

"Hindi ka ba nagsasawa na halikan ako?" natatawang sabi ko

"Hindi, nakakaadik ka nga e"

Lumayo siya sa akin at umupo sa kama. Nakatitig lang siya sa akin habang ang mga kamay niya ay nasa dibdib niya at parang naghihintay sa susunod kong gagawin

"Matulog ka na nga" sabi ko at pilit na tinatago ang kabang nararamdaman ko

"Sabay na tayong matulog"

Bumuntong hininga nalang ako at hinubad ang damit na suot ko. Naka panty at bra nalang ako habang naghahanap ng damit na isusuot ko.  Kumuha nalang ng white tshirt ni kyle at isinuot ito

"Pagod na pagod ako" naka ngusong sabi ko at humiga sa kama

Humiga din siya sa kama at niyakap ako "Mangpahinga ka na"

"Goodnight" hinalikan ko ang labi niya "Pwedeng mag date tayo bukas"

"Oo naman"

Ngumiti nalang ko at ipinikit ang mga mata ko. Sana nga lang ay ganito nalang kami palagi at walang asungot na puputol sa moment namin

That gay is mine - CompletedWhere stories live. Discover now