CHAPTER 44

3.7K 90 21
                                    


MAXINE'S POV

"Pupunta ka ba ng bar ngayon? Nag text kasi si apple" tanong ko kay kyle na ngayon ay nakahiga sa sofa

"Hindi, pupunta ka ba?"

Dismayado  akong  tumingin  sa  kanya "Oo, birthday kasi ng boyfriend niya. Ayos lang naman kung hindi ka pumunta"  

Bumuntong hininga siya "Okay, sabi mo e"

Napanguso ako "Hindi ka talaga sasama?"

"Inaantok na ako"

"Baka may lalaking bumastos saakin doon" lumapit ako sa kanya "Sama ka na, please? Mag date tayo pagkatapos nating mag bar"

"Nandoon naman si apple para ipagtanggol ka tsaka pwede namang  bukas nalang tayo mga date"

"Tsk"

Sinmaan ko siya ng tingin at padabog na pumasok sa kwarto. Bakit kaya ang sungit na naman niya? Hindi ba siya nag-aalala na baka may mangyaring masama sa akin? Dati naman sinasamahn niya ako e. Pumapangit na ba ako ngayon at ayaw niya na akong samahan? Nagsuot lang ako ng backless na black dress na hapit na hapit sa katawan ko. Medyo nakikita ang cleavage ko at hanggang hita lang ito. Naglagay din ako ng light make uo sa mukha ko at pinangko at mahaba kong buhok

Pagkatapos kong mag-ayos ay hinanap ko agad si kyle para magpaalam. Napansin kong napatitig siya sa akin at napalunok ng maraming beses

"Aalis na ako" naka busangot parin ang mukha ko "Babalik din ako kasi wala namang gustong sumama sa akin"

"Your dress is too revealing" seryosong sabi niya

"Magpapalit ba ako?" Kasi ganoon naman diba? Ayaw ng mga lalaking may makakita sa katawan ng kasintahan nila

"No, it suits you" seryoso parin ang mukha niya "Hindi kita pagbabawalan"

"So papayag kang may lalaking may makakita ng katawan ko?"

Ngumisi siya "Hanggang tingin lang naman sila sayo. Your my property so no one can touch you. At tsaka alam ko namang hindi ka papayag na may hahawak sayo maliban sa akin"

"Bahala ka, maglalasing ako doon"

Lalabas na sana ako ng condo niya pero hinawakan niya ang kamay ko at pinigilan ako

"Ano?" naiiritang sabi ko "Wag mong sabihin na hindi mo ako papupuntahin sa bar"

"Sasama ako sayo"

Agad akong napangiti "Bakit nagbago ang isip mo?"

"Your too sexy for that damn dress. I'm sure maraming aaligid sayo kaya babantayan kita"

"Diba inaantok ka?"

"Kanina yun" bored siyang tumingin sa akin "Magbibihis muna ako" sabi niya at pumasok sa kwarto

Mas lalong lumapad ang ngiti ko. Alam kong inaantok siya pero sasamahan niya parin ako sa bar kasi ayaw niyang may lalaking lumalapit sa akin. Alam kong selfish ako pero ginagawa ko lang naman to para mas magkalapit pa kami ni kyle. Para di niya ako iwan.

"Ayos na ba 'to?" tanong niya nang makalabas siya sa kwarto

"You look hot" naka ngiting sabi ko

Nakasuot lang siya ng white tshirt na sinapawan ng black na leather jacket. Pinarisan niya din ito ng black jeans. Simple lang ang suot niya pero sobrang hot niyang tignan

"Let's go?" tanong niya

"Okay"

Tumango ako at hinawakan ang kamay niya. Sumakay kami sa kotse niya at wala pang limang minuto ay nakarating din kami sa club na sinasabi ni apple. As usual, marami na namang akong narinig na mga bulung-bulungan

"Mas lalo yatang nagiging sexy si maxine"

"Ang ganda niya talaga"

"Wait? Diba bakla si kyle. Bakit parang magkasintahan na sila?"

"Ang sexy niya talaga"

Inakbayan ako ni kyle at mas lalong hinigpitan ang pagkaka-hawak niya sa kamay ko. Nagiging possessive na ba siya ngayon? Hindi ko nalang sila pinansin at pumunta na kami sa table ni apple na ngayon ay nagkikipag-landian na naman sa boyfriend niya

"Happy birthday, bakla" naka ngiting sabi ko "Bukas nalang ang regalo ko"

"Mag enjoy muna tayo bakla" masayang sabi niya at binigyan ako ng isang shot glass ng vodka

"Yeah"

Umupo kami ni kyle kaharap sa upuan nila apple. Akmang bibitawan ko na ang kamay ni kyle pero pinisil niya ang kamay ko at pinigilan ako

"Just hold my hand, para naman malaman nila na akin ka" sabi niya

"Ang sexy mo ngayon bakla ah" sabi ni apple "Bantayan mo yan ng mabuti, kyle. Baka maagaw yan ng iba"

"Oo naman" sagot ni kyle at hinalikan ang balikat ko

Napaigtad ako nang maramdaman ko ang kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko dahil sa ginawa ni kyle. Tinignan ko siya at halos tumalon ang puso ko nang makitang nakitingan din siya ng seryoso sa akin

"Let's enjoy the night bakla" sabi ni apple at tuloy lang ng tuloy sa pag-inom

"Yeah, mag enjoy ka kasi gorang ka na" ngumisi ako

"Ang bad mo talaga sa akin bakla"

Uminom ako ng vodka nang maramdaman ko na naman na idinikit ni kyle ang ilong ni kyle at inamoy ang leeg ko. Hindi ko man aminin pero kinakabahan ako sa ginagawa ni kyle pero at the same time na-e-excite rin ako

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya

"Hmm....." bumaba ang labi niya sa balikat ko pababa sa likod ko "I'm just guarding my property"

Napalunok ako ng maramdaman ko ang mga kamay niya na humihimas sa hita ko. Ngayon ay nagsisisi na ako dahil ang ikli ng sinuot ko

"Kyle, maraming tao" bulong ko pero sapat na para marinig niya

"Para malaman nila na boyfriend mo ako at para wala ng lalapit sayo" sabi niya habang hinahalikan parin ang likod ko

"Kyle"

Bigla kaming napatigil nang may marinig kami ng pamilyar na boses. Itinirik ko ang mga mata ko nang makita ang asungot na camille na yun

"Can I join you?" ngumiti siya kay kyle "Nag-iisa lang lang kasi ako"

Medyo lumayo si kyle sa akin at tumingin kay camille "Of course"

Napasimangot ako. Okay na sana e, kaso mukhang may tao talagang  darating para sirain ang magandang moment ng boyfriend mo at itago nalang natin siya sa pangalang camille the bitch

That gay is mine - CompletedWhere stories live. Discover now