CHAPTER 48

3.7K 106 17
                                    


KYLE'S POV

"Lumabas ka muna kaya ng condo mo" hinampas ako ni jane, kapatid ko

Hindi ko siya pinansin "Ayaw ko ngang lumabas, wag mo na akong pilitin"

"Palagi ka nalang naglalasing, gusto mo bang mamatay?"

"Hindi beer ang papatay sa akin kundi  ikaw"

Tinignan niya ako masama "E kung tototohanin ko kaya yang sinasabi mo?"

"Alam kong hindi mo magagawa yun"

"Maligo ka na kasi kakain tayo sa labas"

Hinila niya ako patayo at tinulak papasok sa banyo. Wala na akong ibang nagawa kundi ang sumunod sa utos ni sam. Nasa kalagitnaan ako ng paliligo nang maalala ko si maxine

"Nasaan ka ba maxine?"

Mahigit isang buwan na rin pala ang lumipas na wala man lang akong natatanggap na balita mula sa kanya. Sinubukan ko siyang hinanap pero hindi ko talaga siya makita. Tinanong ko rin si apple pero hindi niya ako sinasagot, galit din siya sa akin

1 month ago—

"Kyle, masakit ang ulo ko" sabi ni camille

"Dadalhin nalang muna kita sa kwarto ko kasi lalabas kami ni maxine ngayon" sabi ko at pinapasok siya sa kwarto ko

"Pwede bang hiramin ko muna ang cellphone mo kyle? May tatawagan kang ako"

"Okay, ipaghahanda lang kita ng makakain mo" Inabot ko sa kanya ang cellphone ko at lumabas ng kwarto

Pinaghanda ko siya ng makakain at inilapag ito sa side table ng kama. Agad naman niyang ibinalik sa akin ng cellphone ko

"Sabi ni maxine,  pupuntahan niya daw si apple. Babalik nalang daw siya dito mamaya"

"Okay"

Bigla akong nadismaya. Bakit kaya nagbago ang isip ni maxine?

"Kyle, bantayan mo ako ha? Sumasakit na naman kasi ang ulo ko"

"Of course"

Ang totoo, nagsisimula na akong mairita kay camille. Medyo nawawala na kasi ako ng time kay maxine pero wala akong magawa kasi inutos ni teta na bantayan ko siya

Nanuod lang kami ng movie ni camille, pampalipas namin ng oras. Marami din kaming napag-usapan tungkol sa mga walang kwentang bagay. Medyo kinakabahan nga ako kasi malapit ng gumabi pero hindin parin umuuwi si maxine

"Kyle" napalingon ako kay camille nang tawagin niya ako

"Ano yun?"

"Mahal kita" nangungusap ang mga mata niya "Pwede bang iwan mo nalang si maxine para sa akin?"

"Stop joking around camille, hindi nakakatawa" seryosong sabi ko

Hinawakan niya ang braso ko "Bumalik ako para makipag-balikan sayo kyle kasi mahal na mahal parin kita"

"Mahal ko si camille at hinding hindi ko siya ipagpapalit" sabi ko at tinabig  ang kamay niya

Aalis na sana ako sa kwarto pero hinawakan niya ang braso ko at pinigilan ako. Nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan pero awtomatiko ko siyang naitulak nang may marinig akong pagsara ng pinto

Maxine!

Agad akong lumabas ng kwarto at hinabol si maxine pero hindi ko na siya makita. Mukhang nahuli na ako.

—End of Flashback—

Simula noon ay hindi ko na nakita si maxine. Masakit kasi walang kasiguraduhan na makikita ko pa siya ulit. Palagi akong naglalasing para mawala ang sakit na nararamdaman ko

Humingi rin ng tawad sa akin si camille at pinatawad ko naman siya. Alam ko namang mali siya pero nakalipas na yun, wala rin namang magbabago kung hindi ko siya patatawarin. Pero sa ngayon, medyo nilalayuan namin ang isat-isa kasi ayaw kong magselos ulit si maxine. At  kapag nakita ko si maxine, hindi na ulit siya papakawalan

"Ang tagal mong maligo ha" saway sa ako ni jane "Para kang babae maligo"

Inirapan ko siya "Atleast hindi katulad mong hindi naliligo"

"Aray" sigaw ko nang batukan niya ako

"Naliligo ako pero hindi mo lang napapansin"

"Ows?"

"Oo nga"

Hinila niya ako at pinasakay sa kotse niya. Makalipas ang sampong minuto ay nakarating narin kami sa restaurant na sinasabi niya. Tahimik lang ako habang si jane naman ay walang tigil parin sa pagsasalita

"Hindi ka ba napapagod sa pagsasalita?" naiiritang sabi ko

"Hindi"

"Ah ganun ba? Yung tenga ko kasi napapagod nang makinig sa boses mo"

Tumaas ang isang kilay niya "Sa tingin mo may pakialam ako sa tenga mo?"

Tumayo ako "Pupunta lang ako sa restroom, para naman makapaghinga yung tenga ko"

"Whatever"

Tinalikuran ko siya at nagsimula nang maglakad. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ko nang biglang may nabangga akong babae. Hihingi na sana ako ng tawad sa nabangga ko ng makita ko ang mukha ng lalaki

Maxine

Agad na binalot na saya ang puso ko ng makita si maxine. Gusto ko siyang yakapin at halikan pero naninigas anh katawan ko at katulad ng dati, maganda parin siya.

"Kyle"

"Ka-kamusta ka na?" kinakabahang tanong ko

Hindi siya sumagot at lumabas ng restaurant. Agad ko naman siyang sinundan at hinila siya papalapit sa akin para hindi na siya makalayo

"Please, kausapin mo ako" sabi ko

"Bitawan mo ako"

Pilit siyang lumalayo sa akin pero mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. Ayaw ko kasing pakawalan ulit siya

"Layuan mo ako, ano ba!"  hinampas niya ako "Walang hiya ka"

"Mag-usap muna tayo, please" sabi ko

Malakas niya akong sinampal dahilan para mabitawan ko siya "Gusto mong mag-usap tayo pagkatapos mo akong saktan? Wala pa bang ikakakapal ang mukha mo?"

Natigilan ako sa sinabi niya "Sorry"

Nakikita ko ang galit sa mga mata niya. Mukhang hindi na siya ang maxine na nakilala ko

"Sorry? Siguro kong mag-papasagasa ka ngayon ay mapapatawad kita" sabi niya at nilampasan ako

Wala na akong nagawa kundi ang titigin siyang papaalis. Pinahid ko ang luhang lumandas sa pisngi ko. May mas sasakit pa ba dito?

Am i too late?

That gay is mine - CompletedDär berättelser lever. Upptäck nu