CHAPTER 25

6.1K 151 5
                                    


MAXINE'S POV

"Bakit nandito ka?" nagtatakang tanong ko kay nathan na nasa labas ng room namin 

"Sinisundo ka?Obvious ba?" tanong niya 

Agad ko naman siyang binatukan "ang ibig kong sabihin ay kung bakit mo ako sinisundo?" tanong ko 

"Gusto ko kasing mamasyal tayo ngaon" sagot niya 

"Sige na nga" sabi ko 

Tapos na ang klase namin kaya at wala naman akong gagawin kaya mas mas mabuti pang sumama nalang ako sa mongoloid na nathan na to 

"Hali ka na" masayang sabi niya at hinawakan ang kamay ko 

"Wag mo ngang hawakan ang kamay ko" sabi ko at binawi ang kamay ko 

Biglang kumulo ang dugo ko nang marinig ko ang sinabi ng mga babae na dumaan sa harapan namin ni nathan 

"Girl ang gwapo niya" bulong ng isang babae 

"Oo nga girl" sagot ng kasama niya 

"Bagay sila ni maxine" tili ng babae 

"Narinig mo yun? Bagay daw tayo" naka ngising sabi ni nathan at lumapit sa akin 

"Lumayo ka nga saakin , kinikilabutan ako sayo" sabi ko 

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong lumabas nang room si kyle 

"Hi kyle" naka ngiting sabi ko sa kanya 

Hindi ko alam pero bigla akong nalungkot nang hindi niya ako pinansin at nilampasan lang kami 

Buong araw ko siyang kinakausap pero hindi man lang niya ako pinapansin 

Hinabol ko siya at hinawakan ang kamay niya "Tuloy ba ang date natin?" tanong ko sa kanya 

Gusto ko kasing makasama siya at gusto ko na ring magkabati na kami dahil alam kong galit siya saakin pero hindi ko man lang alam kung bakit siya nagagalit sa akin 

Siguro nga maraming nagsasabi na desperado na ako na makuha si kyle pero wala akong pakialam sa kanila 

"Hindi" seryosong sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad 

"Diba wala kang gagawin sa sabado?Pwede bang mag date tayo nalang tayo sa sabado?" kinabahang sabi ko 

'Please pumayag ka na kyle , nauubusan na ako nang idea kung paano kita makakasama' bulong ko 

"Ayaw ko , baka magalit sa akin ang kasama mo" sabi niya at umiwas ng tingin 

Biglang kumulo ang dugo ko nang makita kong papalapit si nathan sa amin haisst alam kong may binabalak na naman tong kalokohan ang mong na to 

"Pwede bang lumayo ka sa girlfriend ko pre?" sabi ni nathan kay kyle at hinawakan ang kamay ko 

Nagulat naman ako sa sinabi ni nathan . Ano kayang nasa isip nang abnormal na nathan na to 

"Wag kang mag alala hindi na ako lalapit sa kanya" seryosong sabi ni kyle at lumakad na 

Parang may kumurot sa puso ko nang marinig ang mga sinabi ni kyle damn ayaw kong lumayo siya saakin 

Hinabol ko ulit siya at humarap sa kanya "Wag kang maniwala sa kanya" sabi ko 

"Wala akong pakialam" sabi niya at lumayo sa akin 

"Mag enjoy kayo sa date nyo" sabi ni kyle at umalis na 

Damn ang sakit ng puso ko galit nga talaga siya saakin at hindi ko man lang alam kung anong dahilan kung bakit siya nagagalit sa akin 

"Naka ganti rin ako sayong amazona ka" naka ngising sabi ni nathan at tumawa 

Kinalma ko ang sarili ko at humarap sa kanya hindi niya dapat malaman na gusto ko si kyle 

"Hali ka na nga" sabi ko at hinila siya papunta sa parking lot 

Sumakay na kami ng kotse siya at agad naman niyang pinaandar ito at pumunta na kami sa bar 

********Fast forward 

Nandito kami ngayon sa bar at naka upo sa VIP seat as usual nakatingin na naman si nathan sa mga chix habang ako naman ay umiinom lang ng vodka 

"Ano bang problema mo taba?" tanong ni nathan at kumapit sa braso ko 

"Wala" sagot ko 

"Alam ko namang gusto mo yung lalaki kanina pero hindi ko alam na baliw ka pala sa kanya" naka ngusong sagot niya at tumingin sa akin 

"Bakit mo naman nalaman?" tanong ko sa kanya 

"Kasi umiinom ka lang kung broken heated ka" sagot niya 

"Sorry , sumusobra na yata ako" naka yukong sabi niya 

Hinawakan ko ang pisngi niya at pinaharap siya saakin "Ano ka ba? Ayos lang yun alam ko namang magiging ayos din ang lahat" sabi ko at pinilit na ngumiti 

Ang totoo hindi ko rin alam kung magiging ayos din ang lahat pero sana dumating ang araw na magiging ayos din ang lahat 

"Sigurado ka ba? Pwede kitang tulungan" sabi niya at niyakap ako 

Kahit na palagi kaming nag aaway ni nathan palagi niya parin akong dinadamayan kung may problema ako 

Niyayakap niya ako kapag nararamdaman niyang hindi ako okay o kung alam niyang may problema ako 

Sweet na tao si nathan kaya hindi na ako mag tatakang maraming naghahabol sa kanya na mga babae 

"Oo naman kaya ko naman ang sarili ko" sabi ko sa kanya 

Ang totoo hindi ko na kaya dahil nahihirapan na akong intindihin si kyle at pagod na akong intindihin siya 

"Ang mabuti pa uminom ka nalang" sabi ko at kinuha ang isang basong vodka at ibinigay kay nathan 

"Uminom tayo" sabi ko at uminom ulit ng vodka 

"Baka malasing ka" sabi ni nathan at kinuha ang isang basong vodka sa kamay ko 

"Gusto ko pang uminom" naka ngusong sabi ko 

"Hindi pwede" sabi niya at ginulo ang buhok ko 

"Pasaway ka talagang mataba ka" naka ngising sabi niya 

"Hindi nga ako mataba eh" sigaw ko at binatukan siya 

"Tsk amazona ka parin kahit na broken hearted ka" sabi ni nathan at kinuha ang cellphone ko 

Damn parang nahihilo na yata ako 

"Tanong ginagawa mo sa phone ko?" tanong ko at sinuntok ang braso niya 

"I'm saving your love life" seryosong sabi niya at nginitian ako

That gay is mine - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon