CHAPTER 47

3.6K 91 3
                                    


MAXINE'S POV


1 month later—


"Babe, may nakakakita sa akin"

"Pabayaan mo sila babe, kanina pa kita gustong halikan e" sagot niya

"Ano ba babe, ang kulit mo"

"Sayo lang naman ako ganito"

Itinirik ko ang mga mata ko at tinalikuran silang dalawa. Hindi ako makapaniwalang hindi parin nagbabago si apple

"Wag nga kayong magharutan sa harapan mo" sinamaan ko ng tingin si apple "Nagpunta ka ba talaga rito para bisitahin ako o inggitin ako?"

Tumawa si apple "Pasensya na bakla, hindi kasi namin mapigilan ang sarili namin"

"O sige, take your time. Ako nalang ang mag-a-adjust" sarkastikong sabi ko at iniwan silang dalawa

Lumabas muna ako ng bahay at pumunta gilid sa dalampasigan. Dito muna ako namalagi sa bahay ng lola ko sa loob ng isang buwan

"Anong ginagawa mo riyan bakla?" tumabi sa akin si apple "Wag mong sabihin na gusto mo ulit lunurin ang sarili mo?"

Tinignan ko siya "Tapos na kayong magharutan ng boyfriend mo?"

"Iniiba mo yung usapan bakla"

Tumawa ako ng mapakla. Isang buwan na rin pala mula ng iwan ko si kyle. Hindi ako nagpakita sa kanya kasi alam kong babalik ang lahat ng ala-ala ko noong kami pa. Mga ala-alang gusto kong makalimutan

"May nasabi ba akong masama bakla?"

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Masakit parin pala sa tuwing naaalala ko siya. Parang dinudurog ang puso ko sa sakit pero wala man lang akong magawang paraan para ibalik sa dati ang sarili ko. Matapang naman ako noon pero bakit ngayon madali lang akong masaktan sa tuwing naaalala ko siya. Isang buwan na mula ng sinaktan niya ako pero yung sakit na nararamdaman ko sa tuwing maalala ko siya ay parang kahapon lang nangyari ang panglolokong ginawa niya

Puta! Nakakabaliw yung sakit na nararamdaman ko.

"Sorry na bakla. Naalala mo na naman ba siya?"

Tumulo na naman ang luha ko "Hindi ko siya makalimutan. Palaging siya ang iniisip ko"

Umupo si apple sa tabi ko at pinahid ang luha ko "Tama na yan bakla, diba may blind date ka ngayon? Yin nalang yung isipin ko"

Humugot ako ng isang malalim na hininga at pilit na ngumiti. Tama nga siya, dapat kalimutan ko na si kyle. Hindi pa siguro sa ngayon pero baka sa susunod na mga buwan. Tumigil ka maxine, sino ba ang pinagloloko mo? Hindi mo siya maalis sa isip mo kaya imposibleng makalimutan mo siya

"Tama" tumayo ako "Aayusin ko lang ang sarili ko, hintayin mo ako dyan"

Pumasok ako sa bahay at inayos ang sarili ko. Nagsuot lang ako ng floral  dress na above the knee at hindi na nag-abala lang maglagay ng make up. Ngayon kasi kami magkikita ni Owen. Pakana ito lahat ni apple, gusto niya raw kasi makalimutan ko si kyle

"Ang ganda mo bakla" tili ni apple "At hindi ka pa nag make up nyan ha"

"Hindi mo ako maloloko bakla"

"Kasi nga hindi kita niloloko" sabi niya at hinila ako papasok sa kotse

"Hindi mo ba isasama ang boyfriend mo?" nagtatakang tanong ko kanya

"Susunod nalang daw siya"

Tahimik lang kami ni apple habang papunta sa restaurant na sinasabi na dapat magkikita kami ni Owen. Makalipas ang kalahating oras ay narating na namin ang restaurant at agad naman naming nakita si Owen

"Nice to meet you maxine" naka ngiting sabi niya

"It's good to meet you too"

"You— uhm, you look beautiful"

Tipid akong ngumiti "Thank you"

Kinindatan ako ni apple  "Ang gwapo niya bakla ha, at ang hot pa"

"Gusto mong isumbong kita sa boyfriend mo?"

"Biro lang yun bakla, mas gwapo ang boyfriend ko kay Owen noh" halatang kinabahan siya sa sinabi ko

Nginitian ko siya "Mas mabuti na yung nagkakalinawan tayo bakla"

Tinignan ko si Owen na hanggang ngayon ay nakangiti parin. Gwapo naman siya. May chinito itong mata, mahabang ilong at mapupulang mga labi. Pero kahit gwapo siya ay may mas lalaki paring nakahihigit sa ka-gwapuhan niya. Si kyle

"Pwede ba tayong lumabas mamaya?" biglang tanong ni owen

"Hindi pwede, busy kasi ako mamaya"

Hinampas ni apple ang braso ko "Wag mong tanggihan ang grasya bakla"

"Okay" siguro ito na yung tamang panahon para kalimutan ko na si kyle at humanap ng bago "Pumapayag na akong lumabas kasama ka"

Halatang nasiyahin si owen sa sinabi ko "Salamat, gusto ko kasi talagang makilala ka pa ng mabuti"

"Your welcome"

"Bakla" kinalabit ako ni apple "Hindi mo ba napapansin? Nakatitig lang sayo si Owen. Magsalita ka naman"

"Wala akong maisip" sagot ko

Naiilang akong tumingin kay owen na ngayon ay nakatitig sa akin. Pinandilatan lang ako ng mata ni apple at tsaka tumingin kay owen

"I'm sure marami ka ng naging girlfriend Owen kasi ang sarap mong kainin— este ang gwapo mo kasi"

"Isa lang ang naging girlfriend ko" naka ngiti parin si Owen

"Ows? Bakit kayo nag break?" halatang interesado si apple

"Iniwan niya ako para sa ibang lalaki"

"Sira siguro ang mata ng girlfriend mo" naiiling na sabi ni apple

"Excuse me guys, pupunta mo na ako sa restroom" sabat ko sa kanilang dalawa at tumayo

Papunta ako sa restroom nang biglang may lalaking bumangga sa akin. Handa na akong bulyawan ang lapastangang bumangga sa akin pero halos malaglag ang panga ko nang makilala ang lalaki

Unti unting sumikip ang dibdib ko. At sa isang iglap lang, ang mga ala-alang gusto kong makalimutan ay naalala ko na naman. Binalot ng sakit ang puso ko at nanlalamig ang buo kong katawan

"Kyle..."

That gay is mine - CompletedWhere stories live. Discover now