CHAPTER 5

8.4K 255 38
                                    

KYLE'S POV

Naalimpungatan ako nang may marmdaman akong braso sa tiyan ko. Napangiti ako ng makita si maxine na mahimbing na natutulog. Magkaharap kaming dalawa habang nakayakap siya sa akin. Hindi na ako nagulat na nakita si maxine sa tabi ko, kapag may gusto kasi ito ay gagawin niya ang lahat para makuha ang gusto niya

"Hi babe, good morning" Nagulat ako nang magsalita si maxine at tumingin sa akin

Umiwas agad ako ng tingin. Mukhang nakita niyang nakatingin ako sa kanya. Nakakahiya talaga. Baka mahalata niya ako

"He-hello"

Halos mapugto ang hininga ko ng lumapit siya sa akin at hinalikan ako. Shit, nakakabakla talaga si maxine

"I really like kissing your lips" naka ngising sabi niya

Lihim akong napangiti. Palagi kasi siyang straight to the point. Kapag may gusto siyang sabihin ay hindi ito nahihiyang magsasalita

"Oh, alas singko pa pala" sabi niya at tumayo "Pwede bang samahan mo akong maligo sa dagat? Hindi kasi ako nakaligo kagabi"

Tumango ako at lumabas ng kwarto "hihintayin kita sa sala"

Umupo ako sa sofa at hinintay si maxine. Sigurorado akong wala oang tao sa labas dahil maaga pa. Mas gusto ko ring maligo kapag kunti lang ang tao, ayaw ko kasing maraming tumitingin kay maxine

"Let's go" masayang sabi niya at hinila ako papalabas ng cabin

Napalunok ako ng makita ko ang suot niya. Nakasuot lang ito ng black na one piece na swim suit. Medyo masikip ito sa kanya kaya kitang kita ang kurba ang katawan nito

"Dalian mo kyle"

Nang malapit na sila sa dagat ay naunang tumakbo si maxine at naligo sa dagat. Masaya itong lumalangoy habang tumitingin sa kanya. Para itong batang ngayon lang pinayagan ng mommy niya na maligo sa dagat

"Hindi ka ba maliligo?" sigaw ni maxine, medyo malayo na kasi siya dito

"Mamaya na"

Nakita kong napasimangot siya "Sabi mo sasamahan mo akong maligo"

"Giniginaw ako at tsaka may sipon rin ako" Ang totoo, ayaw kong lumapit kay maxine dahil baka kung ano pang magawa sa kanya

"Please? Ang boring kasi kapag wala akong kasama" pagmamakaawa niya

"Tatawagin ko nalang si apple"

"No, ikaw ang gusto. Wala akong gusto kay apple, hindi ko siya gustong makasama. Ikaw lang, kaya please? Samahan mo na ako"

"Okay" Halos matawa na ako sa reaksyon niya. Para kasing malapit na siyang iiyak

Hinubad ko ang t-shirt ko at lumapit sa kanya. Agad naman siyang ngumiti at niyakap ako. Umiwas ako ng tingin. Kanina ko pa kasi gustong halikan ang mapupulang labi niya

"You look so hot without your tshirt. Pero mukhang mas hot kang tignan kapag wala kang suot" sabi niya at ngumiti

'Fuck!' mura ko sa isip ko nang maramdaman kong may nabuhay sa loob ng short ko

"Hindi ka talaga nahihiya bakla noh?" sabi ko habang pinapakalma ang halimaw na nasa loob ng short ko

"Magtaka ka kung mahihiya ako sayo. At tsaka kailangan ko maging honest sa future husband ko"

"Okay" yun lang ang nasabi ko dahil naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko. Kinikilig ba ako?









______

Pagkatapos naming maligo ay pumunta kami sa cabin namin at nagbihis. Kakain kasi kami ngayon ng breakfast sa gilid ng dagat kasama ang mga classmate namin. Habang abala ang ibang classmate ko sa pag-aaskikaso sa pagkain ay abala rin ako sa pagmamasid kay maxine. Kanina ko pa nakikitang nakatingin rin si drake sa kanya dahilan para kumulo ang dugo ko. Gusto ko talagang tirisin ang lalaking yan

Lalapit na sana si drake kay maxine pero pasimple kong hinawakan ang kamay ni maxine at inilayo siya sa mga classmates niya

"Ano bang ginagawa mo?" naguguluhang tanong niya sa akin

"May naiwan kasi ako cabin, pwede mo ba akong samahan?"

Ngumiti siya "Oo naman"

Ang totoo, wala naman talaga akong naiwan sa cabin. Gusto ko lang talagang ilayo si maxine sa pesteng drake na yun. Nang makapasok kami sa cabin ay kunwaring hinanap ko ang cellphone ko, tsk wala naman akong paki kung mawala yun sa akin

"Matagal pa ba kyle? Baka hinahanap na ako ni apple"

"Oo, malapit na. Dito ko lang nilagay kanina yun e" tukoy ko sa cellphone ko

"Kyle, papagalitan talaga ako ni apple kapag hindi ko siya tutulungan"

"Ako na ang magpapaliwag sa kanya, okay?"

Tumingin siya sa akin at ngumuso "Gusto ko kasi talagang tumulong. Tsaka gutom na ako"

"Okay, may kukunin lang ako saglit" kailangan ko pang mag-isip ng dahilan para manatili kami sa cabin

"Uhm, aalis nalang muna ako. Sumunod ka nalang kapag nakita mo na ang cellphone mo"

Akmang aalis na sana siya ng cabin namin pero pinigilan ko siya. Sana talaga gumana ang sasabihin ko

"Kapag ba hinalikan kita, sasamahan mo ako sa cabin?"

Halatang natigilan si maxine sa sinabi ko. Inaasahan kong itutulak niya ako pero nakahinga ako ng maluwag ng makita ko siyang ngumiti

"Okay, I really wanted to be kiss by you" masayang sabi niya

Napangiti ako sa sinabi niya. She's so honest

"Halikan mo na ako, baka magbago pa ang isip mo. Promise, hindi ako lalabas ng cabin kapag hindi mo sinabi"

Mas lalo akong napangiti sa sinabi niya at walang sabi-sabing hinalikan siya. My God, What should I do to her? Mababaliw na yata ako kapag nawala siya sa akin

Mag next move ka na kyle, baka maunahan ka pa ni apple 😂

That gay is mine - CompletedWhere stories live. Discover now