Chapter 38

4.3K 114 12
                                    

MAXINE'S POV

"Hindi ka galit sa akin?" rinig kong tanong ni kyle

"Hindi" Ngumiti ako sa kanya "Bakit naman ako magagalit sayo?"

Napakamot si kyle sa batok niya "Kasi nagsinungaling ako, alam kong ayaw mo sa sinungaling"

"Exception ka 'don, mahal kita kaya papatawarin kita" sabi ko at pina-upo siya sa isang stool

"Pinasaya mo ako, alam mo ba yun? Nagsinungaling ka pero alam kong may reason ka. Noong nagkagusto ako sayo, gusto kong maging lalaki ka at gusto kong maging pareho ang nararamdaman natin. Ngayon, gagawin ko na talaga ang lahat para magkagusto ka rin sa akin. No pressure, hindi kita minamadali na magkagusto sa akin"

Tahimik lang si kyle at tinitigan ako. Wala akong mabasa na emosyon sa mga mata niya. Ibinuka ni kyle ang bibig niya pero walang lumabas na salita sa bibig nito

"Huwag mong sabihin na busted na naman ako sayo?" tumawa ako "Pero kahit busted ulit ako sayo, sorry, pero hindi kita lalayuan"

Nang wala akong marinig na salita mula sa kanya ay binigay ko sa kanya ang sandwich at kape na inihanda ko. Hindi ko siya mamadaliin, yes I'm a bitch pero ayaw kong pilitin si kyle na magkagusto rin sa akin

"Kumain ka na" sabi ko at tinalikuran siya "Pupunta muna ako sa labas, magpapahangin muna ako"

Lumabas ako ng cabin namin at agad na nakita si apple at ang boyfriend niya. Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi nila. At katulad ng dati, naglalandian ang dalawa na parang walang tao sa tabi nila

"May tao rito, itigil niyo kaya muna yan" sarkastikong sabi ko

Tumingin naman si apple sa akin "Marami kang sasabihin sa akin, bakla ka. Bakit kayo magkayakap ni kyle kahapon? At nakahubad ka pa talaga ah"

Ngumisi ako "Umamin si kyle na nagpapanggap lang siyang bakla"

"What? I knew it. Ang hot lang kasi ni kyle para maging bakla. So ano, kayo na ba?" halatang nagulat ito

Napailing ako "Hindi pa"

"Humihina ka yata, bakla. Work your charm na kasi baka maunahan ka pa" hinila niya ang boyfriend niya "aalis muna kami bakla"

"Okay"

Napabuntong hininga ako. Nauubusan na ako ng paraan para magkagusto sa akin si kyle. Ang totoo, hindi ko na talaga alam kung magkakagusto pa ba siya sa akin. Pero hindi parin ako susuko

"Hey" nagulat ako nang marinig ang boses ni kyle

"Hi" tipid akong ngumiti "Ano palang gusto mo sa babae? Hindi mo pa kasi sinasabi sa akin, para naman may mabago ako sa ugali ko"

Umupo si kyle sa tabi ko "Kind and sweet. Ayaw ko sa mga babaeng pumapatol sa away"

"Yun lang?"

"Oo"

"Tsk, hindi ko magawang maging mabait. Kung ayaw ko sa isang tao, sasabihin ko. Walang preno ang bibig ko kaya palagi akong nakakakita ng away" Nginitian ko siya "Pero I will really try my best to be 'kind' at hindi na papatol sa mga away"

"Gagawin mo yun? Hindi mo naman kailagang baguhin ang sarili mo kasi gusto—"

Hindi ko na siya pinatapos "I will do it, hindi naman siguro mahirap maging mabait"

Hindi naman siguro mahirap diba?

Pagkatapos naming mag-usap ay kumain kami sa isang restaurant dito sa beach. Kami lang dalawa ang kumain ng dinner dahil may kanya kanyang ginagawa ang ibang classmates namin. Patapos na kaming kumain nang may lumapit sa aming mga babae

"Hi kuya" nakangiting sabi ng isang babae

"Pwede bang magpa-picture? Ang hot niyo po kasi"

Napataas ang isang kilay ko. Halata kasing nagpapapansin sila kay kyle. Hindi ba sila nahihiya? Kahit na kasama ko si kyle, ay may lakas parin sila ng loob para landiin siya

"Please po kuya" nakangiti parin ang babae

Magsasalita na sana ako at handa nang tarayan ang babae ng maalala ko ang sinabi ni kyle. 'Ayaw ko sa mga babaeng pumapatol sa away' . Pinakalma ko ang sarili ko. Wala namang nagsabi sa akin na mahirap palang maging mabait

"Sa iba nalang kayo magpa-picture, pwede? May gagawin pa kasi kami" I said politely

Umirap ang babae "Hindi naman po kayo ang kausap namin"

Pilit akong ngumiti. Gusto kong sabunutan ang dalawang higad na ito at ipakain sa pating. Ang bata pa nila pero puro landi ang inaatupag. Kaoag ito sinuntok ko, sigurado akong magsusumbong sila sa mommy nila. Pero kailangan kong pigilan ang sarili ko, ayaw ni kyle ng away kaya magiging 'mabait' muna ako

"Sweeties, mukhang ayaw ng boyfriend ko na magpa-picture. Let's respect him, okay?"

"Wag ka ngang makialam, hindi namin kailangan ng opinyon mo"

Tatayo na sana ako para sabunutan ang babae pero hinawakan ni kyle ang kamay ko at mahina itong pinisil. Pasalamat sila at nandito si kyle, kung wala pa ay sigurado akong pupulutin sila sa ilog pasig

"Sorry ladies, pero ayaw ng girlfriend ko na lumapit ako sa ibabang babae" sabi ni kyle

Hindi na namin narinig na magsalita ang dalawang babae dahil umalis na kami ni kyle sa restaurant. Papunta na kami sa cabin namin habang magkahawak ang mga kamay

"Ang sarap sabunutan ng dalawang 'yun at ilampaso ang mukha nila sa sahig" naiiritang sabi ko

Tumawa lang si kyle at hinila ako papalapit sa kanya "Thank you"

"Bakit naman?" tanong ko at tumingin sa kanya

Tumigil siya sa paglalakad "Kasi alam kong pinigilan mo ang sarili mo na makipag-away dahil sa akin"

"Of course, paano ka magkakagusto sa akin kung hindi ko babaguhin ang sarili ko"

"Hindi mo  naman  kailangan  baguhin ang sarili mo para sa akin kasi gust—"

Hindi ko ulit siya pinatapos at nagsalita kaagad "Gagawin ko ang lahat para magkagusto ka sa akin"

Napabuntong hininga si kyle. Paramg may kanina pa siyang gustong sabihin pero hindi niya masabi

"Maybe you deserve a little reward" naka ngiting sabi niya

"Ano naman yun?" na excite ako sa sinabi niya

Hindi na siya nagsalita at walang sabi-sabing hinalikan ako. Napangiti ako. Ang sarap naman ng reward ko. Mukhang magiging mabait na yata ako kung ganito palagi ang reward sa akin ni kyle


I smell something fishy. Ano bang gustong sabihin ni kyle? Hahaha, bakit mo kasi palaging pinuputol maxine e😂

That gay is mine - CompletedWhere stories live. Discover now