CHAPTER 15

6.9K 191 8
                                    


MAXINE'S POV

Nandito kami ngayon ni kyle sa cafeteria at kumakain 

Napansin kong madalas akong titigan ni kyle pero kapag tumingin ako sa kanya ay agad siyang umiiwas ng tingin 

Shit sa simpleng titig niya saakin ay bumibilis ang tibok ng puso ko 

"Tapos mo na bang gawin ang assignment mo sa algebra?" tanong niya 

"Hindi pa" sagot ko 

"Bakit hindi ka gumawa ng assignment mo?" tanong niya 

"Trip ko lang" simpleng sagot ko 

Ayaw ko ngang gumawa ng assignment tsk mapapagod lang ako pag gumawa ako ng assignment 

"Maghuhugas lang ako ng kamay" sabi ko at tumayo na

Tumalikod na ako at naglakad papuntang comfort room 

Nagulat ako nang biglang may yumakap sa akin mula sa likod ko . Si kyle pala 

"Anong ginagawa mo?" tanong ko 

Shit ang daming tao at pinagtitinginan na nila kami "Umalis ka nga" bulong ko 

Gusto ko pang yakapin niya pa ako pero ayaw kong may masabing masama ang mga tao kay kyle at baka magalit ulit si kyle sa akin 

"Ayaw ko" sabi niya at mas hinigpitan ang pagkakayakap niya saakin 

Shit ang bilis ng tibok ng puso ko

"susuntukin talaga kita kapag hindi mo ako binitiwan" pagbabanta ko sa kanya 

"Bakit mo ba ako niyayakap? Ang raming tao" sabi ko 

"May tagos ka" naka ngising sabi niya 

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya "Wag mo akong bitawan" sabi ko at mas lumapit pa sa kanya 

Nakakahiya talaga kung may makakita na may tagos ako shit buti nalang at nakita ni kyle

"Mabuti pang umalis na tayo dito" sabi niya

"Oo nga" sagot ko 

Lumakad na kami habang nakayakap niya parin saakin shit nakakahiya talaga 

'pero aminin kinilig ka naman' sabi ng utak ko 

Pumunta kami sa comfort room at pumasok sa isa sa mga cubicle doon 

"Pwede bang bilhan mo ako nang napkin?" nahihiyang tanong ko sa kanya 

"Ayaw ko nga" sagot niya 

"Please naman Ikaw lang ang makakatulong sa akin" sabi ko at hinawakan ang kamay niya 

"Sige na nga" sagot niya at umalis na 

Wala pang limang minuto ay bumalik na siya na may dalang plastic bag at binigay niya na sa akin

"Tignan ko kung tama ba yung nabili ko" sabi niya at kinamot ang batok niya 

"Salamat talaga" naka ngiting sabi ko at hinalikan ang labi niya 

Nakita kong namula ang pisngi niya damn he's so cute

That gay is mine - CompletedWhere stories live. Discover now