CHAPTER 28

6.1K 133 2
                                    


MAXINE'S POV

"Shit ang sakit ng ulo ko" sabi ko at hinimas ang ulo ko 

Nakita ko ang isang sticky note na nakadikit sa lamp shade kaya kinuha ko ito at binasa 

'I already prepared your breakfast and don't forget to drink your medicine' 

Nagulat ako nang mabasa ko ang sulat tsk hindi naman nagluluto si nathan ng mga pagkain at mas lalong wala siyang alam pagdating sa mga gamot 

"Ahhhhh" sigaw ko nang makita kong iba na ang damit na suot ko 

Nakita kong nagmamadaling pumasok si nathan sa kwarto ko at lumapit saakin 

"Anong nangyari?" tanong niya 

"Ikaw ba ang nagpalit ng damit ko?" kinakabahang tanong ko 

Please say no. Ayaw kong makita niya ang katawan ko dahil para lang to kay kyle at walang pwedeng makakita nito kundi si kyle lang 

"Paano kung sabihin kung oo?" naka ngising tanong niya saakin 

"Walang hiya ka" sigaw ko at sinuntok siya 

"Bakit mo nagawa saakin yun? Tinuring pa naman kitang bestfriend ko" sigaw ko habang sinusuntok parin siya 

"Aray! Tumigil ka ngang amazona ka" sabi ni nathan 

"Paano na ako haharap kay kyle ngayon, ikahihiya niya talaga ako" sigaw ko at sinabunutan siya 

"Aray! tama na" sabi ni nathan at lumayo sa akin 

"I was just joking okay?" naiinis na sabi ni nathan at inayos ang damit niya 

"Si kyle ang nagbihis sayo" sabi niya 

Biglang nanlaki ang mata ko "anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya 

"Sinabihan ko si kyle na puntahan ka sa bar kagabi at malamang siya na din ang nagbihis sayo" sagot niya 

Biglang nag-init ang pisngi ko shit nakakahiya kung si kyle ang nagbihis saakin "Saan ka ba kasi kagabi? Bakit hindi ikaw ang humatid sa akin?" tanong ko 

"May nakita kasi akong chix kaya sinundan ko" naka ngising sabi niya 

"Your unbelievable" bulong ko at hinimas ang ulo ko 

Mas lalo yatang sumakit ang ulo ko dahil kay nathan damn hindi ako makapaniwalang iniwan niya ako dahil sa isang babae 

"Ang landi mo talaga" sabi ko at binatukan siya 

"Aray naman! Kutang kuta ka na ngayong araw na ito sa pananakit mo sa akin" naka ngusong sabi niya at hinawakan ang batok niya 

Hindi niya naiintindihan . Nagiging wild kasi ako kapag nalalasing at baka na rape ko na si kyle 

At ang masama pa ay wala man lang akong naaalala sa mga nangyari kagabi shit baka may nagawa akong masama kay kyle 

Baka kaya umalis siya ng maaga dahil ayaw niya na saakin at baka na turn off na siya saakin dahil sa mga nagawa ko kagabi 

"Dapat nga magpasalamat ka sa akin eh" sabi niya 

Tumaas ang kilay ko "at bakit naman ako magpapasalamat sayo?" tanong ko 

"Kasi nga nagkasama ulit kayo ni kyle" sagot niya 

Bigla akong napatawa ng makita ko ang mukha ni nathan ngayon "mas lalo kang pumangit" sabi ko at tumawa 

Ang gulo kasi ng buhok niya at pati narin ang damit niya ay gusot gusot na para bang binugbog ng maraming tao 

Nakita kong napasimangot siya "hindi na ako lalapit sayo baka ikaw pa ang dahilan kung bakit masira ang maganda kung mukha" parang batang sabi niya 

Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya "sorry na po" sabi ko 

"ililibre nalang kita mamaya" sabi ko 

Humarap siya saakin at ngumiti "talaga?" parang batang tanong niya

"Oo naman" sagot ko 

"Magbibihis na ako" naka ngiting sabi niya at umalis na 

Alam ko namang naglalambing lang ang abnormal na nathan na yun kaya ililibre ko nalang siya 

Kailangan ko talaga siyang ilibre para naman makapag pasalamat ako sa kanya dahil sa ginawa niya kagabi. Alam ko namang ginawa niya lang yun para sa akin 

Wala man akong maalala sa nangyari kagabi ang importante nalaman kong may pakialam parin si kyle sa akin 

Sana lang wala akong ginawang kalokohan kagabi dahil baka lumayo na naman sa akin ni kyle haisst bakit ba kasi ako nalasing 

"Dalian mo nathan" sigaw ko at pumunta sa kusina dahil nagugutom na talaga ako 

Nagulat ako ng nakita kong may mga pagkain sa mesa tsk bigla tuloy akong nagutom lalo dahil sa nakikita ko ngayon 

Napakunot ang noo ko nang maalala kong hindi nagluluto si nathan dahil hindi ito marunong magluto at imposible namang siya ang nagluto nito 

"Nathaaaan" tawag ko sa kanya 

Agad namang lumabas si nathan sa kwarto niya habang sinusuot ang t-shirt niya "Ikaw ba ang nagluto nito?" tanong ko kay nathan at tinuro ang mga mga pagkain 

Biglang ngumisi si nathan "si kyle" simpleng sagot niya 

"Totoo ba?" tanong ko sa kanya 

"Oo nga, naabutan ko si kyle kanina nga nagluluto eh" sagot niya 

Bigla akong napangiti hindi ko alam na pinagluto pala ako ni kyle ng mga paborito kung pagkain 

Lumapit si nathan sa mesa at kukuha sana ng hipon pero agad kong tinampal ang kamay niya 

"Wag ka ngang kumain" sabi ko kay nathan 

"Bakit ba? Nagugutom ako eh" naka ngusong sabi niya 

"Sa labas ka nalang kumain" sagot ko 

"Ang sama mo talaga saakin, kunti lang naman ang kakainin ko" sabi niya 

"Basta wag kang kumain, ako lang ang dapat kumain nito" sabi ko 

"Ano? Ang dami kaya niyan" gulat na sabi ni nathan 

"Mauubos ko yan chooo, umalis ka nga dito" taboy ko kay nathan at tinulak siya 

"Ang baboy mo talaga" sigaw ni nathan at tumakbo 

Hindi ko nalang pinansin at umupo na lang sa upuan at nagsimula nang kumain

That gay is mine - CompletedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt