SPECIAL CHAPTER

5.7K 122 26
                                    

KYLE'S POV

"Daddy, I want to be a princess" sigaw ni Ezekiel

Nakasuot siya ng dress ngayon at may make up sa mukha. He's turning 5 this december. Ewan ko ba pero mukhang may kakaiba sa anak ko

"Dapat ito ang laruin mo" binigay ko sa kanya ang robot

"I don't want that daddy. It's for boys. Duh" kinuha niya ang barbie at inayusan ito

"Lalaki ka naman anak e"

"No, I'm not. I am a princess" sigaw niya

Nang dumating si maxine ay agad akong lumapit sa kanya. Mukhang nasobrahan yata ng panunuod ng barbie movies si Ezekiel kaya ganito ang kinikilos niya

"May napapansin ka ba kay Ezekiel?" tanong ko kay maxine

"Wala naman, bakit?" tumabi siya sa akin at pinanuod na maglaro si Ezekiel

"Para kasing kakaiba siyang kumilos"

"Kasi mahilig siya sa barbie at gowns?"

"Oo"

"May pusong babae ang anak natin"

Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ito pwede. Gusto kong sumali siya sa mga basketball tournaments at hindi sa mga beauty pageant. At higit sa lahat, gusto kong dumami pa ang lahi namin

"May magagawa ba tayo para maging lalaki siya ulit?"

"Kung magkakagusto siya sa babae, pwede siguro siyang maging lalaki ulit"

Napatayo ako "Tama, hahanapan ko na ng mapapangasawa si Ezekiel"

Aalis na sana ako nang pigilan ako ni maxine "Are you out of your mind?"

"Bakit ba?" naguguluhang tanong ko

"He's just 4 years old tapos hahanapan mo na kaagad siya ng mapapangasawa niya?"

Tinignan ko si Ezekiel na naglalaro parin. Mukhang masunurin naman siya kaya itutuloy ko na ang plano ko

"I'm doing this for him. Ayaw mo nun, hindi na siya mahihirapang mamili ng babae"

Tumango lang si maxine "Okay"

Lumabas ako ng kwarto at tinawagan ang kaibigan. May maganda siyang anak, tignan lang natin kung hindi pa maging lalaki ang anak ko. Pagkatapos ko siyang kausapin ay bumalik na ulit ako sa kwarto

"Anong sabi niya?" tanong ni maxine

"Dadalhin niya ang anak niya rito bukas"

"Daddy, I want to buy more barbie dolls" sigaw ni Ezekiel at kumandong sa akin

"Gusto mo ng robots? Bibilhan kita mamaya"

Ngumuso si Ezekiel "I don't want robots. I like dolls because they are beautiful"

Tumawa lang si maxine at kinarga si Ezekiel "Bibili kayo ni daddy ng barbie dolls, okay baby?"

"Bakit ako?" gulat na tanong ko

Agad namang tumalim ang tingin sa akin ni maxine "Bibili ka ba o hindi?"

"Bibili na po" Nakakatakot parin pala si maxine

"Thank you, mommy" hinalikan ni ezekiel si maxine "Your the best"

Pagkatapos naming bumili ng anak ko ng mga laruan ay pumasok na ako sa kwarto. Pinagtitingin kami ng mga tao kanina kasi halos lahat ng barbie dolls ay binili ni Ezekiel. Buti nalang at dinala ko yung credit cards ko. Mukhang malapit na nga yata akong mamulubi

That gay is mine - CompletedWhere stories live. Discover now