BAD #2

163K 4K 421
                                    

" Woah Sexy. "

" Ex ko yan eh. "

" Ganda magiging girlfriend ko yan. "

" Another b*tch. "

" Ganda naman ni ate parang angel. "

" Psh slut din yan. "

Yan ang ilang bulong bulungan ng mga estudyante nang Marvel high habang binabagtas ni Allisea ang hallway nang eskwelahan patungo sa unang klase niya. Napakunot ang noo niya, abat mga judgemental at ambisyoso pala ang ilan dito.

Hindi niya pinansin ang ilang komento sa kanya ng mga estudyante, may mga ilan nga siyang napansin na kaedad niya lang pero estudyante pa rin. Uso ba yun rito? ginawa na ata nilang tambayan ang eskwelahan niya.

Mukhang hindi napansin ng mga estudyante na isa siyang guro dahil sa itsura na rin siguro. Wala kasing uniform dito kaya pwede ang kahit anong suot maliban sa malalaswa na mahigpit niyang pinagbabawal mabuti na lamang ay sinusunod kahit papaano.

She's wearing a white blazer and white pants, sa loob non ay nakasando sya ng itim. Nakaponytail ang mahaba nyang buhok, she has a chinky eyes and long lashes na di na nya kailangan pa iemphasize thru make up, well she really has those angelic look face.

Tuloy tuloy siya sa paglalakad at tinungo ang faculty office ng eskwelahan. Pagpasok niya pa lamang ay yumuko sa kanya ang ilang mga naroroon bilang tanda nang paggalang. Nilibot niya ang paningin niya dito at napangiti.

Maging ang mga guro na nasa loob ay napangiti rin. Hindi basta bastang mga guro lamang ang pinasok niya sa paaralan. Nilipat niya ang mga dating guro sa isa pa niyang pagaaring akademya.

Ang ilan sa mga ito ay mga barkada niya nung siya ay nasa kolehiyo pa lamang at naging kaklase niya rin sa kursong edukasyon.

Kahit pinilit magbago ni Allisea ay hindi niya pa rin maiwasan ang masangkot sa mga away at gulo noon. Dahil sa kanyang kakaibang itsura dahil may lahi syang dayuhan, naging tampulan din sya ng tukso noon. Kaya nung Kolehiyo siya ay may isa siyang grupo na halos mga barumbado ngunit matatalinong estudyante na kakurso niya, na ngayon ay mga guro na sa paaralang pagmamayari niya.

Bihasa si Allisea sa maraming larangan kahit sa palakasan. Siya ay black belter sa taekwando at iba't ibang martial arts dahil bata pa lamang siya ay sinanay na siya dito. Kahit paghawak nang iba't ibang armas ay alam niya na din.

But no one knows kung ano ang nakaraang meron sya not even the closest of her friends.

" Good morning faculty members. I hired all of you because I know that all of you are capable of. Capable of helping me make these students change for the better! " Pahayag ni Allisea sa mga kapwa guro.

Nagpalakpakan naman ang mga ito sa kanya at sinabihang simulan na ang pagbabago sa pamamalakad dito.

She smiled widely, yeah let's start.

-------------------------------------

" WHAT THE F*CK IS HAPPENING ? " sigaw ng isang estudyante nang nagising siya mula sa pagkakatulog sa gilid ng puno sa garden nitong paaralang pinapasukan.

Nakuha ang atensyon niya nang marinig na lahat ng guro dito ay pinalitan. Pati kung ano ano pang regulasyon.

Napaatras ang dalawang babaeng naguusap at tila kuminang ang mata sa taong nasa harap nila ngayon. Inilagay ng isang babae sa likod nang kanyang tenga ang buhok na nakakulot at ngumiti sa lalaki bago sumagot.

Well, isang eye candy ang nasa harap nya.

" Prince Craig totoo po yung narinig niyo. Pati prinicipal ay pinalitan. " Malanding tugon ng babae.

She's a Badass TeacherWhere stories live. Discover now