BAD #13

105K 2.4K 83
                                    

------------------

THIRD PERSON'S POV

" Wag na lang kaya ako pumasok ? " Bulong ni Allisea sa sarili.

Agad siyang umiling nang maraming beses at sinabunutan ang sarili.

" Di pwede , dapat professionalism Allisea ! " Bulong niya muli at napabuntong hininga. 

Kanina pa siya tapos magbihis at papasok na sana sa eskwelahang kanyang tinuturuan. Nagpapasalamat siya na natapos ang lahat ng klase niya kahapon nang hindi nakikita ang binatang si Craig dahil inisyal na  reaksyon niya ang mahiya.

Kanina niya pa iniisip ang magiging reaksyon kapag nakita niya ito dahil malaki ang tyansa na pumasok na ito ngayon sa klase.

Naglakad siyang muli paikot ikot sa kanyang kwarto habang kagat kagat ang kanyang daliri at nagisip muli.

Humarap siya sa salamin at inayos ang sarili. Wala syang mapapala kung iiwasan nya ito.

-----------

" What's with the face ? " Tanong ni Lea kay Allisea pagdating nito sa kanilang faculty office.

Hindi siya pinansin ng dalaga at dirediretsong naupo sa table nito saka humalumbaba.

" Hoy , isanabin daw ba ang beauty ko ? bakit mukha kang constipated ? " Takang tanong ni Lea at naupo rin sa sarili nitong table.

Napalingon si Allisea kay Lea pagkatapos niyang sabihin iyon. Kinunutan niya ito ng noo at tinignan nang masama.

Natatawang nagtaas ng dalawang kamay si Lea na para bang sumusuko.

" Easy ka lang. Baka mas gumanda ako sayo niyan kung lagi kang nakabusangot " Natatawang dagdag pa ni Lea.

" Kahit nakabusangot ako , hindi mo pa rin mapapantayan ang kagandahan ko. Kaya malabong mangyare yun " 

" You're so mean ! " Nakangusong sagot ni Lea at inirapan ang dalaga.

Bahagya namang napangiti si Allisea. Nabawasan ang pagaalala niya dahil sa kaibigan.

" Ay siya nga pala, Nagbigay ng memo ang head nung Mapeh department. Hindi mo na kailangan pasukan ang iba pang klase sa P.E ni Mrs. Lopez dahil maaga daw dumating yung bagong teacher at magtuturo na ngayon. " Ani ni Lea at tumayo.

Tumayo na rin si Allisea at inayos ang kanyang gamit para pumunta sa kanyang klase. Wala siyang pakialam sa bagong guro at sa totoo lang ay hindi niya pa nakikita ito dahil hindi naman siya ang sumusuri sa mga bagong guro.

" Ganun ba ? Eh di mas okay , nabawasan ang gawain ko. " Sagot ni Allisea.

" At nakita ko na siya kanina ! Grabe ! so gwapo ! " Kinikilig na sabi ni Lea.

" Tss. Maharot " Pabulong na sabi ni Allisea at lumbas nang faculty office.

May parte sa kanya na natuwa dahil andyan na ang bagong guro dahil kung wala pa ito ay may klase sana siya sa 4-D ngayon ng P.E. Hindi niya muli makikita si Craig kaya nakahinga siya nang maluwag. Maliban na lang sa unang klase niya ngayong araw.

Napakunot ang noo niya nang mamamataan ang silid ng 4-D na tila may komosyong nangyayari mula sa loob. Marami ang tao sa labas na tila tuwang tuwang nanonood mula sa pintuan.

Nagmamadaling naglakad si Allisea papalapit doon at kinalabit ang lalaking nasa pinto dahil hindi siya makadaan papasok.

" Ano ba !? " Bulyaw ng lalaki kay Allisea nang hindi lumilingon at tinapik lang ang kamay niyang kumakalabit dito. 

She's a Badass TeacherWhere stories live. Discover now