BAD #23

82.2K 2K 114
                                    

A/N: Woah ! *Clap ! *Clap !*Clap !* Ang She's a badass teacher ay nagrank#1 na po sa ADVENTURE ! :) Salamat sa inyo talaga at sensya na kung medyo may spacing ang update ko, iniisip ko kaseng mabuti ang mga inaaupdate ko at minsan blanko ang utak ko kaya wala talagang mapiga ! Anyways salamat sa inyong lahat ! Wag kakalimutang magcomment guys <3 Happy 200+k READS DIN ! MWUAH MWUAH :*

---------------------------

ALLISEA'S POV

" Hey "

" Hey "

" Hey "

Inis na nilingon ko ang lalaking kanina pa tawag nang tawag sa akin para makuha ang atensyon ko mula pa sa hallway nitong condominium. Ngayon malapit na ako sa pinaparadahan ng kotse at nakasunod pa rin siya.

Humarap ako at pinagkrus ang aking braso, tinaasan ko na din siya ng kilay para mapansin niyang naasar ako sa ginagawa niya.

" Ano bang problema mo Luke ! " Singhal ko sa kanya.

" Pwede ba tayong magusap ? " Tanong niya.

Tinitigan ko siya ng diretso sa mata. I look away immediately, he looks miserable tss. Yung sapin niya sa paa magkaiba pa, isang tsinelas tapos rubber shoes yung isa. Yung suot niyang polo hindi nakaayos ang pagkakabutones tapos yung pants niya parang natapunan ng pintura.

Halatang sobra siyang nagmadali para maabutan ako dito, I know he wants a talk again about Lea.

I sighed heavily as a sign of defeat. I admit , naawa ako sa kanya lalo na sa itsura niya ngayon. Mahal na mahal niya talaga si Lea pero bakit niya iniwan.

" Fine. Hop in " Ani ko bago sumakay sa kotse ko, agad din naman siyang sumakay sa tabi ko.

Pinaandar ko ang sasakyan hanggang makarating sa starbucks, walang nagiimikan sa aming dalawa sa loob ng biyahe. Pinarada ko ang kotse at naunang lumabas, ramdam ko namang nakasunod siya sa akin.

Pagkapasok sa shop ay agad kong nalanghap ang amoy ng kape. Naglakad ako papalapit sa isang table habang nasa likod ko si Luke na pinagtitinginan ng mga nadadaanan namin.

" Ayusin mo nga yang itsura kahit onti lang " utos ko kay Luke, agad naman niyang inayos yung damit niya maliban lang sa suot niya sa paa.

Nanlaki ang mata ni Lea kahit sadya nang malaki iyon ng mapunta ang tingin niya sa akin at sa kasama ko. Napatayo pa siya mula sa pagkakaupo, shock is written all over her face.

Kahit sino naman magugulat kapag ikaw ang nasa sitwasyon ni Lea, maging si Luke ay alam kong nagulat kahit hindi ko siya nakikita, nasa likod ko kase nakapwesto ang loko.

Lea compose herself at napapikit ng mariin. Pagkadilat, puno ng galit ang makikita mo sa mga mata niya. Nilingon ko si Luke at sinenyasang lumapit sa akin, nakayukong lumapit naman siya hanggang nasa gilid ko na siya, nakayuko lang siya.

" Bakit mo kasama yan ! " Bulyaw ni Lea.

Marami ang napatingin sa direksyon namin.

" Stop shouting Lea your making a scene here , sa labas tayong tatlo mag usap usap " Aya ko sa kanila papalabas.

Nagdadabog na sumunod naman sa akin si Lea habang tahimik lang si Luke na nakasunod. Naglakad ako hanggang sa marating ang tabi ng kotse ko. Sumandal ako at hinarap ang dalawa.

" Sige sabihin mo na ang gusto mo sabihin Luke, wag kang sasabat Lea kundi sasamain ka sa akin " Banta ko.

Aangal pa sana si Lea ng itinaas ko ang kamao ko at akmang isasapak ko sa kanya.

She's a Badass TeacherWhere stories live. Discover now