BAD #40

64K 2K 172
                                    

ALLISEA/CALI'S POV

" Mommy san ka nanaman pupunta ? " Nakasimangot na tanong sa akin ni Cj.

Malungkot na tinignan ko siya at lumuhod para makapantay. Nandito ako ngayon sa kwarto namin at naghahanda ng maleta, mukhang naalipungatan ang baby ko dahil madaling araw na.

Ito ang araw na balak kong umalis para tumungo sa palawan. Sinadya kong ganitong oras magayos at umalis dahil ayokong makita ang malungkot na mukha nang tatlo kong anak, baka hindi ako makaalis nun. Mukha pa nga lang ni Cj ngayon na nakikita ko parang ayoko na, pano kaya kapag kasama pa yung dalawa ?

" Baby may aasikasuhin lang si Mommy okay ? last na ito promise "

" Talaga po ? lagi na tayong magkasama paguwi mo ? " Paninigurado niya.

Tumango naman ako. Hinding hindi ako mangangako sa anak ko nang mga bagay na hindi ko kaya tuparin. Lalo na kapag sa bata ka nangako, kapag hindi mo tinupad iyon ay labis nilang dadamdamin at ayokong kagalitan nila ako.

" Promise baby " Nakangiting sabi ko at nilahad ang hinliit ko for pinky promise.

" Pinky promise mommy ? " Nakangiti ring sabi ni Cj.

"Yes baby " 

Nilahad niya din ang hintuturo niya, ininterwined namin iyon at mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi." Wah ! Mommy is a kissing stealer " Akusa niya sa akin then he giggled cutely.

Gosh, I wanna pinch his cheeks pero pinigilan ko ang sarili ko, baka umiyak ang baby ko pag ginawa ko yun eh. Hinatak ko na lang siya at niyakap nang mahigpit.

" Ikaw na ang magsabi kila CL huh ? lalo na kay Ck baka magwala yun. I love you Cj, CL and Ck too, always say that to them dahil ikaw ang panganay kaya ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo ah ? " Habilin ko sa kanya.

Cj furiously nodded to me. I patted his head, alam kong naiintindihan ako ni Cj. Kahit palaging si CL ang nagfefeeling panganay, alam kong responsable din si Cj.

" Pagbalik ko aayusin ko na ang lahat. Go back to sleep, Uncle Clarence will be staying here with you. Take care always baby okay ? i love you " Then I kissed his forehead.

" I love you din Mommy ! Pati si CL tska si Ck ! kaming tatlo loves ka " sabay hikab pa niya. 

Kinarga ko siya at hiniga muli sa pwesto niya at kinumutan.

Tinapik tapik ko ang binti niya hanggang sa nakatulog na siya. Inayos ko ang higa nilang tatlo at hinalikan sa kanilang mga noo.

Isang oras lang na hindi ko makita ang anak ko ay nahihirapan na ako, pano pa kaya kung ilang araw ? baka linggo ang abutin namin sa palawan. Sobrang mamimiss ko ang tatlo.

Dahan dahan akong lumabas habang hatak ang maleta ko, paglabas ng pinto ay bumungad agad sa akin ang mukha nila Clarence na matamang nakatitig sa akin.

" Take care of my kids " Ani ko kay Clarence.

" Of course Cali, I love my nephews and niece " Nakangiting sagot niya.

" Make sure ! I will punched you If something bad happen to them ! " Mahinang singhal ko sa kanya.

Baka kase magising ang mga bata.

" Okay okay ! " Natatawang sagot niya habang taas ang dalawang kamay niya na para bang sumusuko.

Huminga ako nang malalim at nauna nang naglakad pababa, nakasunod naman sa akin ang tatlo.

She's a Badass TeacherWhere stories live. Discover now