BAD #26

80.4K 2K 113
                                    

A/N: Salamat dito @bubblekkaeb sa book cover. I'll use it for one week <3 Salamat talaga [ Book cover@Side->]

------------------

ALLISEA'S POV

" Where's Lea ? " Tanong ni Luke na kagigising lang.

" Bumiling pagkain " Bored kong sagot.

Nandito ako ngayon sa ospital kung san naconfine si Luke, Ang arte naman nito gustong gusto niya kaseng inaalagan siya ni Lea psh. Second day niya na dito, naover fatigue din daw kase ito at kailangan ng pahinga.

Kakahatid ko lang kay Kent sa kanila, tinext ako ni Lea para lang papuntahin dito at kausapin si Luke,  if I know nahihiya lang siyang itanong ang totoong reason ni Luke. Si Craig ? psh mamaya ko na ikukwento.

" So what about the deal ? " Tanong ko at dumampot ng apple sa gilid niya saka pumuntang Cr para hugasan iyon, lumabas din naman ako agad.

Nakatungo lang siya at nagiisip mukhang nagaalangan pa rin siyang sabihin ang sekreto niya. Pumunta ako sa pinto and I locked it saka ako bumalik sa tapat ni Luke at kinagatan ang mansanas na hawak ko. Mahirap na baka may umepal sa usapan namin.

He sighed.

" Hindi ko alam kung dapat kong sabihin ito sayo Allisea, pero alam kong hindi mo ko titigilan hangga't hindi ako nagsasabi ng totoo " Panimula niya.

" Buti alam mo " Singit ko agad. ahehehe

Tinignan niya ako, naramdaman ko agad na mabigat ang sasabihin niya.

He lift his shirt exposing his abdomen. Nanlaki ang mata ko at nabitawan ang mansanas na kinakain ko.

Ganito na ba kaliit ang mundo ? Parang nabato ako sa kinatatayuan ko ngayon at nakatingin lang sa tattoo niya, tattoo na katulad na katulad sa akin.

" I'm..  I'm an assasin " After he said that .... He look away.

Napatakip ako ng mukha. Bakit ba to nangyayare ? senyales na ba talaga to. Ang bigat sa dibdib, why it this happening.

" Bakit ka nagtiwalang sabihin sa akin ito Luke ? Paano kapag sinuplong kita sa kinauukulan ? hindi ka ba natatakot ? " Ani ko sa kanya.

Umiling siya at ngumiti.

" Nakikita ko sayo Allisea na iba ka, ito ang dahilan ng lahat kaya iniwan ko noon si Lea " Mahinang boses na sabi niya, Halatang malungkot siya.

I glance at my watch mukhang matatagalan pa naman si Lea. Makakapagusap pa kami ni Luke ng matagal.

" Kung ganyan ka na pala in the first place dapat hindi ka na gumawa ng koneksyon niyo sa pagitan ni Lea " Mahinahong sabi ko.

Wala ng punto para magalit dahil nandito na to.

 " Hindi ko naman sinasadyang makita at mahalin siya Allisea, nakalimot ako, nakalimutan kong ganito ako. Hindi ko alam kung matatanggap niya ako kaya nagpasya na lang akong biglang maglaho. Bumalik ako para lang makita siya pero hindi ko inaasahang hihigit pa dun ang gusto ko " He sighed then smiled, I know his thinking about Lea.

" Ngayon ayoko nang bitawan at pakawalan siya. Handa na akong gawin ang lahat para makasama siya kahit hindi ko alam kung matatanggap niya ako, ako na isang mamamatay tao " He added.

Knowing Lea, I know she will be shocked about this pero dapat niyang malaman ang totoo. Tinignan ko siyang mabuti, sasabihin ko ba sa kanya ? sasabihin ko bang katulad ko din siya ?

She's a Badass TeacherWhere stories live. Discover now