BAD #22

83.6K 1.8K 59
                                    

ALLISEA'S POV

" Allisea ! Allisea ! Yuhoo ~ " 

Yan ang pambungad na sigaw sa akin ni Lea pagkapasok ko sa office.

" Hmmp ! Busy ka masyado ah, ngayon na lang tayo nagkasama ulit " Nagtatampong dagdag niya pa pagkaupo ko sa table na katabi niya.

Yes. 2 months had passed.

Naging sobrang busy ako sa maraming bagay, sa paghahanap sa kapatid ko kung nasa pinas pa sila at sa pagoobserba sa mga nangyayare sa paligid especially with connection to Steve. 

Nakakaasar din dahil may naging problema din ako sa isa sa mga kumpanya ko, It took me a month and half para lang maresolba iyon.. There's a culprit inside my company, buti na lang nasolusyunan ko na iyon. Ngayon lang lumuwag ang schedule ko, kadalasan kase maaga akong umaalis galing sa school pagkatapos ay diretso sa kumpanya. Midnight na nga ako minsan umuwi.

My daily routine is School-Company-Bahay and the cycle goes.

I was heck busy back then. Malaking pera ang nawala sa company ko so I focused for a while there ngayon maayos na, kaya balik school na ang atensyon ko.

" You missed me ? " Saad ko kay Lea. Tumango naman siya ng maraming beses.

I shot her a glare. Isa rin nga pala sa mga naging problema ko si Lea. His ex Luke come over to me at nagmamakaawang tulungan ko siya kay Lea. Pero hindi ko siya tinulungan, Siya ang may problema kaya siya din ang gumawa ng solusyon para don. Kung alam lang ni Lea na nilapitan ako ng ugok niyang ex, tsk.

Mabait naman si Luke oo, pero there's really something about him that I can figure out. Isang beses niya lang naman ako pinuntahan at hindi na naulit. Wala akong karapatang makialam sa kanila ni Lea, that's there own business.

" Bat ka naman ganyan makatingin ? inaano nanaman kita ? " Malungkot kunwaring tanong ni Lea.

" Wala, ano bang meron ? " Pakikibalita ko sa mga nangyari ng mga nagdaang araw.

" Hays ! May ichicika nga kase ako sayo ! nakalimutan ko na tuloy , aalalahanin ko muna " Sagot niya.

Akala ko ay ikukwento niya ang madramang pagbabalik ng ex niyang baliw. Hindi ko na rin uungkatin pa iyon, mukha kaseng hindi niya kayang ikwento.

Tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko, pupunta na ako sa klase ko.

" Una na ako " Paalam ko kay Lea, tinanguan niya naman ako bilang sagot.

Sa dumaang dalawang buwan ay wala naman masyadong nagbago. Sa klase ng 4-D ay ganun pa rin naman, mga warfreak pa rin pero tamed kapag ako ang kaharap. Aba, dapat lang silang matakot tsk.

Wala sa wisyong naglalakad ako kaya hindi ko napansing may nabangga ako. Tinapunan ko ng tingin yung nabangga ko na napaupo pa sa sahig, nanlaki ang mata ko ng mapansing si France pala iyon, yung kapatid ni Franz.

Nilahad ko yung kamay ko sa kanya, nakangiti niya namang tinanggap niyon. Lagi talaga tong nakangiti.

" Sorry " Pagpapaumanhin ko dahil nabangga ko siya.

" Wala yun ate, hindi kase ako tumitingin sa daan eh, nililibot ko kase yung paningin ko " Sagot niya.

Dun ko lang napansin na nakasuot siya ng medyo pormal na damit, parang suot ko lang pag nagtuturo ako. 

" Ano nga palang ginagawa mo dito ? " Tanong ko habang pinapagpag niya yung suot niya.

" Ay ! Oo nga pala. OJT na kase namin ate, dito sana ako magoojt dahil alam mong special ang school na to samin eh. Sana nga pumayag yung admin " ani niya.  

She's a Badass TeacherWhere stories live. Discover now