BAD #32

68.7K 1.8K 115
                                    

ALLISEA'S POV

Araw ng linggo, ika apat ng umaga yan ang araw at oras ngayon. Ito rin ang huling araw ng pananatili ko sa bahay nila Craig ngayon.

Nandito ako ngayon sa kwarto namin ni Craig, dahan dahan kong binaba ang telepono at isang maliit na note. I walked silently at sinigurado kong walang maririnig na tunog. Inayos ko ang suot na damit at nilingon si Craig na nakakumot lamang.

Bakit hindi na lang ako nagpaalam? dahil ayokong umasa siyang makikita niya pa ako ulit pagbalik sa maynila. Mas mabuti wala siyang alam sa ngayon pero after niyang mabasa ang note ko dito, panigurado ay may malalaman na siya. Walang kasiguraduhan kung babalik ako, hindi ko rin masasabi pero sana oo.

Lumabas ako sa kwarto at nilibot ang paningin sa bahay nila, dito sa lugar na to ay naranasan kong maging masaya at makabuo ng magandang alalaala.

Lumabas ako at sinarado ang pinto, may ilang tao na akong nakikitang gising dahil nasa probinsya ako at nakasanayan na ang paggising sa umaga ng iilan dito mabuti na lang at tuwing alas singko nagigising ang lolo ni Craig.

Pumunta ako sa puno na pinagiwanan ko ng dala kong gamit, inakyat ko iyon at mabilis na kinuha. Sumulyap muna ulit sa bahay nila bago umalis, sana hindi ka magalit sa akin Craig.

Wala akong kahit anong dala maliban sa suot ko ngayon na pantalon at simpleng shirt, nagumpisa na akong mag-lakad papalayo.

Mga isang kilometro na ang layo ko sa bahay nila Craig ng huminto ang isang kotse sa harap ko, lumabas si Cralence mula roon na malungkot na nakatingin sa akin. I smiled at him, binuksan niya ang pinto ng front seat, agad naman akong pumasok sa loob at nagseatbelt.

" Are you okay ? " He worriedly asked.

I nodded. " I'm fine " Labas sa ilong kong sagot. Alam kong napansin niya yon dahil napanguso pa siya.

" Everything will be alright Cali " Ani niya pa.

Bumuntong hininga ako ng malalim.

" I hope so "

Sana nga lang dahil laking takot ko lang pag wala na akong mabalikan.

-------------------

THIRD PERSON'S POV

Pumupungas na bumangon si Craig at napangiti saka kinapa ang tabi niya, agad siyang napaupo mula sa pagkakahiga ng mapansing wala na siyang katabi.

Nagmamadali siyang tumayo at nagbihis saka lumabas ng kwarto, ni hindi na siya nagabalang magsuot man lamang ng t-shirt dahil ang tanging suot niya lang ay boxer short.

" Allisea ? Allisea ! asan ka ? " Paulit ulit na sigaw niya.

" Craig apo sino hinahanap mo ? " Takang tanong ng kanyang lolo na kasalukuyang nanonood sa sala katabi ang kamag anak nilang babae.

Nagmamadaling lumapit si Craig sa kanyang lolo at tinanong.

" Lo nasan po si Allisea ? " Madaling tanong nito.

" Diba iho ay kasama mo iyon sa kwarto ? hindi pa namin nakikita yun simula ng gumising ang lolo mo, alam mo namang ala singko kung magising to at saktong pumunta din ako ng ala singko para alagaan ang lolo dahil mukhang busy kayo " Sagot ng babae sabay ngiti na para bang nangaasar.

Namula naman si Craig at tumalikod para bumalik sa kwarto, nagbabakasakali siyang lumabas lang sandali si Allisea at babalik din. Pagkapasok ay agad niyang tinungo ang damitan nito, nakahinga siya ng maluwag ng mapansing kumpleto pa ang lahat ng damit nito.

She's a Badass TeacherWhere stories live. Discover now