BAD #21

82.8K 2K 192
                                    

THIRD PERSON'S POV

Magkahawak kamay na naglalakad sila Cralence at Clarence palabas ng bagong condo na nilipatan nila. Kada isang linggo ay lumilipat sila upang hindi matrace ng kahit na sino. Gumagamit din sila ng iba't ibang pangalan upang hindi makilala.

Marami ang napapatingin sa kanila lalo na sa magkahawak nilang kamay. Pilit namang hinahatak ni Cralence ang kamay mula sa kapatid pero hinihigpitan lamang nito lalo. Nahihiyang tumingin siya sa paligid. Naiintindihan niya ang bulungan samantalang ang kapatid niya ay hindi kaya wala itong pake.

Bakit nga ba sila nauwi sa ganito ? sa simpleng asaran na napunta sa pustahan. Sa kasamaang palad ay si Clarence ang nanalo at nais nitong magkahawak kamay sila hanggang gusto niya. Inaasar lamang ni Clarence ang kapatid, bilang ganti dahil sa pagkain daw ni Cralence ng paborito niyang cake. Simpleng dahilan pero para kay Clarence ay hindi. Dahil hindi niya daw kayang mabuhay ng hindi kumakain nito kaya kahit palitan ni Cralence ay nagtatampo pa rin siya.

Ngayong araw ay ipagpapatuloy nila ang paghahanap sa kapatid. Nakakalap na sila ng impormasyon ukol sa babaeng nagngangalang Allisea. May plano silang katagpuin ito at kausapin. Maaring may malaki itong maitulong sa paghahanap nila.

" Clarence, let go of my hand. People are staring to us look " Mahinang bulong ni Cralence sa kakambal.

Nakasimangot na nilingon sya nito.

" So what ? " Inis na sagot niya.

Napabuntong hininga si Cralence. Mukhang hindi pa rin nito nakakalimutan ang atraso niya. Kabisado niya na ang ugali nito kaya't alam na alam niyang galit ito sa kanya.

" Sorry okay ? I will replace that cake with a dozens of it. Different kinds of flavor deal or no deal ? " Pangaamo ni Cralence sa kakambal.

Tila nagningning naman ang mata ni Clarence sa narinig kaya agad na napalitan ng malaking ngiti ang mukha nito na kanina lamang ay nakasimangot. Nung una ay isang box lang ang ipapalit nito kaya ayaw niyang pumayag ngayon isang dosena na kaya tuwang tuwa siya.

" Yes ! Okay apology accepted " Ngiting ngiting sagot niya at binitawan ang kamay ng kapatid.

Nakahinga ng maluwag si Cralence at tinago ang kamay sa bulsa dahil baka hawakan ulit iyon ng kakambal niya sobra na siyang nahihiya dahil napagkakamalan silang bakla ng ilang nadadaanan nila.

" So where are we going ? " Tanong ni Clarence sa kakambal.

" I don't know " sagot ni Cralence.

Napahinto sa paglalakad si Clarence at namewang.

" Huh ? seriously Cralence ? what are we going to do ? walk all day and night ? " sunod sunod na tanong ni Clarence.

" Of course not ! we will go to this school ! " At itinapat sa mukha ng kakambal ang litrato ng isang paaralan.

" Marvel high ? " basa ni Clarence sa pangalan ng paaralan.

" Is this School is for superheroes ? this is where avengers are made right ? " dagdag pa nito.

Napasapo ng noo si Cralence. Marvel kase ang pangalan ng gumawa ng Avengers at iba pang sikat na superhero stories.

" This is the school were Steve is working as a teacher ! don't you remember ? " Pikon na sabi ni Cralence.

" Oooh. Okay ! sorry I forgot bro " 

Inirapan na lang ni Cralence ang kapatid at nagpatuloy sa paglalakad, pumara ang kambal ng taxi at itinuro ang lugar papunta sa nasabing eskwelhan.

She's a Badass TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon