BAD #18

92.9K 2.2K 308
                                    

ALLISEA'S POV

Humihingal na naupo ako sa isa sa mga bench dito sa loob ng mall. Bakit ba naman kase ako nakipaghabulan pa kay Craig , tss pinagod ko lang yung sarili ko eh.

Nakangising naupo naman sa tabi ko si Craig at inabutan ako ng bottled water, kinuha ko naman iyon at ininom.

" Tss. Tumakbo ka pa kase "- Craig

Nilingon ko siya at inirapan. Pake niya ba , kanya kanyang trip lang yan.

Tahimik lang kaming tinitignan ang mga napapadaan sa amin. Napansin ko pa nga yung iba na kinukuhanan ng pictures tong si Craig aba pwede palang magartista to eh.

" Let's go somewhere else " Iritadong sabi ni Craig sabay hatak sa kamay ko. 

Malamang naiirita siya sa mga nagpapacute sa kanya kase ako lang ang cute sa paningin niya.  Ano daw? tawag dyan over confidence hahaha joke lang.

" Hoy san ba tayo pupunta ? " Inip na tanong ko, ang bilis niyang maglakad infairness, habang hatak lang naman ako.

Bumagal ang lakad niya kaya hindi sinasadyang tumama sa likod nya.

" Aray ! Ano ba naman ! " Inis kong sabi habang hawak yung ilong kong tumama, nadeformed na ata. Masakit eh !

" Sorry "- Craig

Natigilan ako ng mabilis niyang hinalikan ang tungki ng ilong ko. Suminghap ako at mabilis na tinakpan ang mukha ko. Gosh , feeling ko ang pula pula ko na !

Agad ko ding inalis yung kamay sa mukha ko ng marinig ko ang pagtawa niya. Para kaseng ngayon ko lang iyon narinig. 

Umayos siya ng tayo at tumigil sa pagtawa ng tinitigan ko siya. Hinawakan niya ulit yung kamay ko at akmang maglalakad na nang pigilin ko siya. It's bothering me, bakit ginagawa nya to. It's making me confused.

" Panay yata hawak mo sa kamay ko at paghalik. May gusto ka ba sakin ? " Diretsong tanong ko.

Nabulunan naman siya kahit hindi naman siya kumakain at umubo ng maraming beses. Ano bang mali sa sinabi ko? Inalis nya ang pagkakahawak sa kamay ko at tumingin.

" Tss. Shut up " Tumalikod sya at nagumpisa ng maglakad ng hindi ako kasama. Nanatili akong nakatingin sa likod niya habang papalayo siya.

All of a sudden I felt pain. Like I'm stab straight to my heart.I don't know why, I want to stop this pain I'm feeling right now. What is this? attachment? 

Nanatili akong nakatayo doon hanggang sa maglaho siya sa paningin ko. A tear fell from my eye. I immediately wipe it  at tumalikod sa direksyong pinuntahan niya. Langya ! I don't cry for stupid things. Hindi naman ako iyakin ah. 

Bakit ko ba nararamdam ito ? Bakit ako nasasaktan ng ganito ? dahil ba hindi niya ako gusto ? or I remember the feeling of being abandoned.

Inis na napasabunot ako sa buhok ko. Ano naman kung hindi niya ako gusto ? bakit gusto ko ba siya ?

I stiffend on that thought. Gusto ko nga ba siya ? Gusto ko nga ba siya kaya nasaktan ako ng hindi niya sinagot ang tanong ko? kelan pa allisea? 


Get your grip Allisea! estudyante mo yan! 

Nagitla ako ng may yumakap mula sa likod ko. Ipinatong nito ang ulo sa kanang balikat ko, nararamdaman ko ang hininga niya at pamilyar sa akin ang amoy nito. 

" Craig " Naiusal ko ng hindi sinasadya.

" Bakit hindi ka sumunod ? " May halong inis na tanong niya habang nakayakap pa rin. Dun ko lang napansin na humihingal siya at halatang tumakbo ng malayo.

She's a Badass TeacherWhere stories live. Discover now