BAD #4

143K 3.1K 118
                                    

" Hanep. Ganda ni Mam noh? " Hangang sabi ni Raze at ininom ang hawak niyang baso ng alak.

Napangiti na lamang sila nang maalala ang itsura ng guro. Napakaganda nito at parang anghel lalo na kapag tumatawa.

" Oo nga eh. Ligawan ko kaya bagay kami eh. " Saad ni Jervis.

Binato naman siya ng mga kaibigan ng kanilang pinupulutan habang si Craig ay tahimik lamang na nakatingin sa hawak niyang baso at iniikot ikot sa palad.

Nagkayayaan ang barkada na mag inuman pagkatapos ng klase. Unang araw pa lamang ay agad na silang napahanga sa kanilang mga guro lalo na ang kanilang adviser ngayong taon.

Bakit nga ba sila ay nasa ikaapat na taon pa lamang? oo nga at magkakaibigan sila ngunit may iba't iba silang dahilan upang manatili sa paaralang iyon.

" Hey Craig nabihag ba ang puso mo ni Mam Allisea? ahahaha " Natatawang asar ni Franz sa kaibigan.

Tinignan lamang ni Craig nang masama ang lalaki at tinugga ang laman ng kanyang baso at nagsalin muli.

" Binata na talaga siya " Asar pa ni Jervis at inakbayan pa ang binata.

" Shut up. " Madiing sagot ni Craig saka tinabig ang pagkakaakbay ni Jervis sa kanyang balikat.

" Talaga ? eh di akin na lang si Mam ah. Yung ganda nya nababagay lang sa akin eh " Masayang sabi ni Raze.

" Kapal neto. Kami ang bagay ni Mam isang gwapo at isang maganda, hindi isang antukin at isang maganda ! Ul*l ! " Kontra ni Jervis at magaang sinapak sa balikat ang kaibigan.

" Langyang mga to. Kay Craig na si Mam ganda para naman magkagirlfriend na to baka tumandang binata to sige kayo " Sabat ni Franz, lumapit siya sa dalawa saka binatukan ang mga ito.

Nasa isang tabi lamang si Sander at nakikinig sa mga kaibigan. Kahit ayaw niyang aminin maging siya ay nag ka interes sa guro.

" F*cking Shut up Assh*les. Gagantihan ko ang pagpapahiya niya sa akin. bwisit " Asar na sabi ni Craig at tinugga muli ang iniinom.

" Asus. Kasalanan ba ni Mam na nagblush ka tol ? Guilty ? Oh dali nasaling ni Mam ang ego mo? " Komento ni Raze.

" O baka naman yung binato mo si Mam ng tatlong dagger ? pasalamat ka hindi nagasgasan ang malaanghel na mukha ni Mam " Dagdag pa ni Jervis at tinapik sa balikat si Craig.

" Ahahaha. Baka pareho ? pero astig ni Mam noh ? she's interesting, Parang hindi siya ordinaryong babae. At ang talino pa ! san ka pa ! " Manghang sabi ni Franz.

" Oo nga. At napakasucessful, siya pala yung sikat na bachelorette ngayon. Grabe bagay talaga kami. " Singit ni Jervis.

Maging si Craig ay nagulat nang magawang maiwasan ito ng guro kahit hindi niya namang intensyon na ipatama ito. Dapat ay sa gilid lang ng guro ito tatama upang matakot sa kanila ngunit nagawa pa nito mapansin ang ginawa niyang pagbato at mas nakakabilib na naibato ito pabaik sa kanya ngunit hindi niya naiwasan man lamang.

Isa sa mga paboritong libangan ni Craig ang pagbato ng dagger na laging nakakabulls eye. Siya ay bihasa na rito at halos hindi mo mapapansin ang kaniyang pagbato dahil sobrang bilis ito na tipong mahirap sundan ng mata.

Inaamin niyang napabilib siya nito ngunit masyado pang maaga para makapante ang guro nila. Nagsisimula pa lamang siya. Hindi niya mapapalampas ang pagpapahiyang ginawa sa kanilang magkakaibigan ng guro.

" She's not ordinary " Pabulong na sabi ni Sander ngunit sapat na upang marinig ng lahat.

Napatango sila maliban kay Craig na bumubuo na ng plano sa isip upang makaganti sa guro. Mukhang sasarilinin niya muna iyon dahil tututol ang mga kaibigan.

She's a Badass TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon