BAD #9

118K 2.6K 239
                                    

ALLISEA'S POINT OF VIEW

A-W-K-W-A-R-D

Yan ang meron ngayon sa table na inooccupy namin ngayon sa jolibee. Alam kong may tension sa palagid. Tsk

Yung buhok ko nga pakiputol ! natatapakan ko na kase. De joke lang. Pati nga si Kent ay natahimik.

Ngayon pinagsisihan kong inaya ko pa si Rhey na makitable. It's a courtesy of course alangan namang sabihin kong 'Rhey ikaw pala yan ? busy ako lumayas ka na' Eh di parang ang sama ko naman masyado nun. Bat kase nagday off tong si Rhey tapos dito pa siya pumunta. He's my friend kaya dapat lang na ayain ko siya.

Although ganun ang ugali ko noon. Pero iba na ngayon, isa na akong guro at may reputasyong inaalagaan.

Napatingin ako kay Kent nang tumikhim ito.

" Wifey. Why it's so quiet ? " Walang muang na tanong niya sa akin.

Napakagat labi ako. Anong isasagot ko ? ahm.

" Baby kase kumakain tayo " Palusot ko.

Nakahinga ako nang maluwag nang ngumiti ito at tumango.

" Kaninong anak yan Carly ? " Tanong sa akin ni Rhey na nakaupo malapit sa tabi ko. Nasa gitnang part kase siya ng table habang nasa gilid ako. Gets ?

" Anak ng kuya ni Lea " Sagot ko.

" Who are they ? " Tanong pa niya pertaining to the five guys na seryoso na ang aura simula ng dumating si Rhey. Ni hindi man lang nga nila binati eh, hindi na rin sila umimik kaya hindi ako sanay kase si Sander at Craig lang ang ganun.

" They are my students. This is Jervis, Sander, Franz, Raze and Craig. Boys this is Rhey my college friend " Pakilala ko sa isa't isa nila habang tinuturo.

Tumango lang yung lima. Seriously ? ano bang trip nila... si Rhey naman nginitian lang sila. Ano bang meron? This silence is something.

" Ahm Excuse me. I'll just go to powder room. Sasama ka baby ? " Paalam ko at tumayo.

Natawa ako nang nakita kong namula si Kent at umiling ng maraming beses. Tsk bata naman siya eh.

" Kami na lang bahala sa kaniya Mam. Sige punta ka na ng Cr " Nakangiting sabi ni Franz kaya't tumayo na ako. Hinalikan ko muna sa pisngi si Kent bago pumunta sa Cr dito sa Jolibee.

Nanlaki ang mata ko sa haba ng pila. Ano to pati Cr may shortage? medyo marami kasi ang customer sa jollibee. Di bale sa Cr na lang ako ng Mall pupunta.

Lumabas ako sa jollibee. Hindi ako napansin nila Raze na seryoso pa rin sa table namin. Kawawa naman si Kent di bale bibilisan ko na lang.

Binilisan ko na yung lakad papuntang comfort room. Malapit lang naman yun dito sa jolibee. Pumasok ako sa way papuntang Cr at thank god wala masyadong tao dalawa lang infairness.

I immediately did what I need to do at lumabas. Naghuhugas ako ng kamay nang narinig kong padabog na sinara ang pinto nitong Cr. Napatingin ako dun at nagtaka ng may limang lalaki na pumasok.

Inilibot ko ang tingin ko, mukhang ako lang ang nandito. Asan na yung iba ? tinignan ko yung limang ahm, mukhang goons ? err. Mas magandang sabihing mukhang tambay sa kanto.

At ang papangit nila -________- Gulo nanaman ba to? dear allisea, you really love trouble huh?

" Miss kanina ka pa namin sinusundan kaso ang dami mong buntot. Iwan mo na ang mga yun sumama ka na lang sa amin mas pogi naman kami dun " Sabi nung nasa gitna sa kanila.

She's a Badass TeacherWhere stories live. Discover now