BAD #20

88.3K 2K 124
                                    

A/N: Ayun salamat sa mga nagaantay ng update :) sembreak na namin start at monday kaya makakaupdate ako ng mas madalas. Sorry for grammar and typo errors !lalo na sa mga past chapters, hindi naman kase ako pro kaya magkakamali at magkakamali talaga ako pakiintindi na lang salamat :)

Enjoy reading <3

----------------

ALLISEA'S POV

Nabaling pakanan ang ulo ko ng may lumusot na suntok sa akin nitong kasapakan ko. Tsk Kinakalawang na ata ako, nadaplisan ako eh.

Kanina ko pa rin pansin na simula nung sumugod ako sa dalawang to at nakialam, pinagtulungan na nila ako. Tss kilala ko naman kase itong dalawang to. Hindi naman ako basta susugod ng walang may atraso sa akin.

Yung dalawang to ay kasama sa mga naging kaaway ko nung may pagkabasagulera pa ako, mukhang namukhaan ata ako at balak gumanti. Aba ,dapat ako nga ang gumanti dahil sila lang naman ang nagvandelize ng kotse ko nun pagkatapos ko silang matalo sa isang underground fight.

Mabilis na inilagan ko ang paparating nanaman na suntok nitong si Vien, yung mukhang hoodlum na kaharap ko ngayon at si Lex naman tong isang mukhang goons. 

Hindi ko napansin na hahablutin ako ni Lex sa braso habang iniilagan ko ang suntok ni Vien , winasiwas ko ang braso ko kaya ang nadale niya lang ay yung suot ko. Nahatak niya ang manggas ng blouse na suot ko at tuluyang napunit iyon. Ang mahal kaya neto ! tss.

At saktong dun pa kung san nakapwesto ang tattoo ko. Napaatras ako at tinakpan ang braso ko ng bigla kong maalalang hindi pala nila makikita iyon.

Technology nowadays is a big help. Oo hindi ko mabura ang tattoo pero pwede ko namang takpan iyon. I own a cosmetic company also, I just simply conceal the tatto with one of our much improve concealer na waterproff based. Inaabot ako ng dalawang oras para lang matakpan ito.

Kaya minsan nakapagsusuot pa rin ako ng sleeveless, mainit sa pilipinas noh at nadala na ako kay Lea dahil tuwing pasko ay puro sleeveless na damit o dress ang nireregalo sa akin tapos magtatampo kapag hindi ko sinusuot.

Bakit ko naman pahihirapang itago kung pwede ko namang takpan hindi ba ? pero minsan ko lang ito gawin at buti na lang sumakto ngayon. Ginagawa ko din ito kapag nagaaya sila minsan magbar. Alangan namang magmukha akong manang kaya nagslesleeveless ako.

Tinaggal ko yung kamay ko sa braso ko at pinilas ang isa pang manggas ng blouse ko. Para pantay diba ? Narinig ko ang hiyawan ng mga nanunuod sa amin, mukhang may mga nakakakilala pa sa akin dahil sumisigaw sila ng 'Go Badass Chick !' na sobrang kinaiinis ko. Ang panget kaya ! wala bang mas cool pa dun ? tss.

Mukhang wala din si Allan kaya walang umaawat dito.

Sumugod si Vien kaya agad kong dinampot yung upuan sa gilid ko at pinansalag sa kanya. Gamit din nun ay tinulak ko siya ng malakas hanggang nakasandal na sya  sa pader, tanging ang upuan lamang ang pagitan namin.

Sinipa ko siya sa parteng siguradong masasaktan siya at mas diniinan ko pa ang upuan na nakaipit sa tyan niya. Nararamdaman ko naman ang paparating sa likod ko kaya agad kong binitawan yung upuan at tumalon patalikod. Pinalo ko sa ulo nya ang boteng hawak nyan na ipapalo nya ata dapat sa akin.

Sinipa ko pataas yung upuan na nasa paanan ko at malakas kong binato sa direksyon ni Lex na hindi niya naman naiwasan, sapul tuloy sa ulo ayun nawalan na ng malay. Nilingon ko naman si Vien na nakahawak sa tyan niya at ulo. Di kase umiwas eh tsk tsk.

" Walanghiya kang babae ka ! " Singhal niya sa akin. Babae nga pinapatulan nyo, ngayon mo lang napansin? haha

She's a Badass TeacherWhere stories live. Discover now