BAD #30

76K 1.9K 76
                                    

a/n: May pasok na po ako kaya once a week na lang ang update, sana maunawaan niyo dahil hindi lang naman dito umiikot ang buhay ko ! Charewt xD

Anyway dedicated to sayo dahil naglove you ka saken ! Bwahahaha xD

------------------------------

THIRD PERSON'S POV

Pasipol sipol si Luke pagkadating sa apartment na tinutuluyan. Masaya sya dahil pumayag na si Leah na kumain sila sa labas.

Pagkabukas niya ng pinto ay may hindi inaasahan siyang panauhin, komportable itong nakaupo sa kanyang sofa at nakapikit. Napalunok siya ng makailang beses, hindi niya alam ang sinadya nito sa kanya ngayon.

" Why are you here Steve ? I thought you don't need me ? " Kinakabahang tanong ni Luke, naging malikot ang mata niya at inilibot ang paningin sa paligid alam niyang may iba pang tao silang kasama.

Imbes na sagutin siya ni Steve ay inilabas nito ang sariling tablet at nagpipindot, tumayo siya at tinungo ang pwesto ni Luke habang nakangisi.

" Do you think I'm that fool huh Luke ? "  Nakangising turan nito na ikinakaba lalo niya.

Lumabas ang tatlong armadong lalaki mula sa sulok ng kanyang bahay, may kanya kanya itong hawak na armas at kilala niya ang mga iyon. Tatlo lamang iyon sa mga kilalang assasin ng organisasyon na nandito na rin pala sa pilipinas.

Alam ni Luke na dehado siya kapag siya'y lumaban pero matapang niya pa ring tinignan si Steve na ilang sentimetro lang ang layo mula sa kanya.

" What are you talking about Steve ? " kalmadong sabi niya.

May hinala na siya kung ano ang sadya nito sa kanya pero wala siyang sasabihin kahit patayin pa siya nito ngayon.

" Haven't I told you that lying to me is a sin? Do you want me to punish you? " Sabay ngisi ni Steve sa kanya.

Tumahimik lang si Luke at pinakiramdaman ang mangyayari, ramdam niyang may natuklasan na ito ukol sa pakikipagtulungan niya kay Allisea, matalino si Steve, alam niyang hindi niya ito maiisahan ngunit nagbaka sakali pa rin siya. Ngayong alam na nito ang kanyang ginawa hindi niya maiwasang hindi matakot, pero hindi para sa sarili niya.

" tsk That's why I never trusted you Luke because I know that at time, you will betray me. Well good news ! since the day you came here in the philippines I always keep an eye on you "

Natigilan si Luke sa narinig, hindi niya napansing pinasusubaybayan pala siya nito sa lahat ng kanyang ginagawa. Ngayon batid na niya na alam ni Steve ang ilang beses na pagkikita nila ni Allisea sinadya man o hindi.

" Aren't you gonna tell something to me Luke ? or you want me to torture you to death just to say it ? you choose... any of those is favorable on me " dagdag pa ni Steve.

Ngumisi din si Luke, handa siya sa kahit anong gawin sa kanya ni Steve. Wala ng atrasan pa ito, kailangan niyang lumaban matalo man o manalo.

" Shut up Steve. I don't know anything " Matapang na ani nya sabay tingin ng masama kay Steve.

" Really ? " Nanlalaking matang sabi ni Steve na tila ba nangaasar " I think after you see this your answer will change "

Iniharap niya sa direksyon ni Luke ang kanina pang hawak na tablet, nandoon ang isang CCTV footage mula sa kilalang restaurant malapit sa Marvel high pero hindi iyon ang nakapukaw ng pansin ni Luke.

Nandoon si Lea, mag-isang kumakain sa solong mesa at sa likod nito ay lalaking nakaitim na jacket at sombrero na may hawak na itim na bag habang nakatingin kay Lea. Sumulyap pa ito sa CCTV at ngumisi bago pasimpleng nilabas ang isang baril na nakatago sa loob ng bag. Walang gaanong tao sa restaurant kaya walang nakakapansin sa nangyayare sa direksyon nila Lea. Kung paano ito naipasok sa loob ay hindi niya alam.

She's a Badass TeacherWhere stories live. Discover now