BAD #31

75K 1.9K 122
                                    

ALLISEA'S POV

 " Ano nga ulit pangalan mo iha ? " Pangsampung beses na tanong sa akin ng lolo ni Craig.

Awkward akong napangiti bago sumagot ulit.

" Allisea po " Magalang kong sagot, buti si Craig hindi niya nakakalimutan ang pangalan.

Craig look at me apologeticly, I just smiled.. naiintindihan ko naman na may sakit ang lolo niya kaya paulit ulit na nagtatanong sa akin. Makakalimutin ito alzhemeir ata if I'm not mistaken.

 " Ay oo, Allisea kay gandang bata " komento ulit ni Lolo, actually nasabi niya na rin yan kanina.

Dinala ako ni Craig sa bahay na tinitirhan nila, katamtaman lang naman ang laki nito at may dalawang kwarto, isa para sa lolo niya at isa para sa kanya. Pinsan niya ang nagaalaga dito kapag wala siya at kapag nandito naman siya umuuwi naman ito sa probinsya at babalik na lang kapag aalis na siya.

Mabait naman ang lolo niya kahit sobrang makakalimutin, palagi itong nakangiti at para bang walang iniintinding problema.

" Craig apo " Tawag naman ni Lolo kay Craig na naghahain, oras na kase ng hapunan at nakakahiya mang aminin ay siya pa ang nagsisilbi sa akin dahil bisita naman niya daw ako, tsk nakakahiya pa rin dahil nakikituloy lang ako.

" Ano yun lo ? " Magalang na sagot ni Craig sa lolo niya, nakatingin lang ako sa kanila.

" Asawa mo ba to dine ? " Nakangiting tanong nito, nasamid naman ako don at inalis ang tingin sa kanila, mukha ba kaming mag-asawa?, tumawa naman si Craig bago naupo sa harap ko.

" Magiging pa lang lo "

Tinignan ko siya ng masama, anong gusto niyang palabasin ? tsk kakahiya.

" Pinagsasabi mo " Madiin kong sabi sa kanya at pinanlakihan ng mata.

" Bakit ineng hindi ba ? bagay naman kayo ng apo ko dahil gwapo ito mana sa akin " Ani ni Lolo at nagpogi pose pa, hindi mo mahahalatang 70 na siya at may sakit dahil jolly din pala ito kahit makakalimutin nga lang.

Namula naman ako at napakamot ng pisngi, ano bang isasagot ko ? tsk.

" Naku Lo mamaya na tayo mag-usap usap at kumain muna " Awat ni Craig sabay sandok para sa lolo niya.

Hindi na kailangan pang subuan ang lolo niya dahil kumakain pa rin pala ito ng mag-isa, siguro hindi ito ganun kahirap alagaan.

Nakatingin lang ako sa kanila habang inaasikaso niya si Lolo, nakikita kong mahal na mahal niya ang lolo niya. Syempre kumain na din ako, wala naman akong sakit para asikasuhin niya pa.

Natapos kaming kumain at nagprisinta na ako na maghugas, marunong naman ako sa gawaing bahay dahil namumuhay na akong mag-isa kaya wala akong choice kundi matuto, hesitant nga siya nung una kung hahayaan ako pero napapayag ko din siya dahil nagaaya nang matulog ang lolo niya.

Itinago ko ang dala kong bag sa likod bahay nila, sinabit ko sa pinakamataas na sanga ng puno. Sinabi ko na lang na wag niya ng pansinin iyon dahil nagtaka siya kanina kung nasan yung dala ko mukhang okay lang naman.

Tapos na akong maghugas at ngayon ay nakaupo ako sa sopa nila dito sa sala. Mahina pala ang sagap ng kuryente dito dahil pag-umaga ay wala.

Napatayo ako ng wala sa oras ng lumabas si Craig mula sa kwarto ng lolo niya na may dalang t-shirt at boxer shorts sabay lapit sa akin.

" Suotin mo muna yan, bukas pupunta tayo sa bayan para makabili ng damit mo " Ani ni Craig sabay abot ng damit, kinuha ko naman iyon.

" San ako magpapalit ? " Tanong ko habang sinusuri yung damit, baka may butas ahehehe.

She's a Badass TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon