BAD #41

68.6K 1.9K 123
                                    

ALLISEA/CALI'S POV

" Nakatulala ka nanaman dyan ?"

Nilingon ko si Cralence na syang nagsalita at inirapan. Tulala daw, nagiisip kaya ako.

Huminga ako nang malalim at binalik ang tingin sa mansion na napaliligiran ng mataas na bakod. Mula sa loob nang bakod maraming gwardya ang pagala gala.

Ayan ang mansion na pagaari ni Carlos Martinez. Siya ang nakatira dyan magisa sampu nang mga tauhan niya mula sa organisasyon at kung saan sang illegal business niya. Nabalitaan kong iniwan siya ng pamilya niya sa hindi ko alam na dahilan simula non ay hindi na ito lumabas nang mansiong iyan.

Nandito kami sa pinakaitaas na palapag nang abandoned house malapit sa mansion. Mula sa lugar na ito, kitang kita ko ang ilang angulo ng lugar. Malawak ang style nang mansion at walang ikalawang palapag kumpara sa bahay na ito na hanggang ikaapat na palapag. Sa ganoong paraan ay nakikita ko ang paligid sa mansion ni Martinez, kaya nga pinili naming dito pansamantalang magistay.

Kilala ni Cralence ang may-ari nito kaya walang naging problema. Walang nakakaalam na nakatira kami ngayon dito maliban sa may-ari ofcourse para walang makatunog sa balak naming gawin bukas.

Ang mahigpit na security nila ay dahil sa amin, alam kong nakarating na sa kanya ang mga balita tungkol sa sunod sunod na pagbagsak nang council at siya na lang ang natitira.

Siya na lang ang kulang para tuluyang bumagsak ang organisasyon, pinagpapatuloy niya pa rin kase ang organisasyon at nangangalap nang mga bagong myembro para maibalik sa dati ito.

" We will sneak in ? it's kinda difficult " Ani nang kararating lang na si Steve habang nakatingin sa bintana kung saan nakadungaw ako.

" No I will sneak in " Sagot ko at pinagdiinan ko ang salitang 'I' sa kanya.

Nanlaki ang mata ni Cralence habang napasinghap naman si Steve sa sinabi ko.

" Nababaliw ka na ba ? ikaw lang magisa ? " Galit na singhal sa akin ni Cralence.

Tumayo ako at nagunat unat.

" Bukas, pupunta ang grupo nang mga babae para magsilbing taga-aliw sa mga tauhan niya. I will blend myself with them to get through his security. Ako lang ang may chance makapasok guide ang isa sa inyo habang yung isa back up paglabas ko " Saad ko at sinulyapan ang damit na inihanda ko kanina para bukas.

A sexy red dress. Kung paano ako magbleblend in ? bukas ko na aalamin kung pano.

Kada isang buwan, nagpapasok sila nang mga prostitutes para sa mga tauhan nila, sort of compensation for their hardwork. Siguro para narin iboost ang loyalty ng mga ito sa kanya.

And Martinez also have one too, kaya ang plano ko ako dapat ang maassign sa kanyang babae at any cost.

" Are you freaking insane ? that's dangerous ! " Naggagalaiting sabi ni Steve.

Alam ko. Wala namang madaling paraan eh iyon na nga ang pinakamadali sa lahat.

" It's always been dangerous " Mahinahong sagot ko at matalim na tinignan siya.

I'm determined. Bahala na sa maaring mangyare, ito na ang huli ngayon pa ba ako susuko at maduduwag.

" You will disguise yourself as one of prostitutes ? pano kapag nakilala ka nila ? kapag nahalata ka nila ? "Sunod sunod na tanong ni Cralence.

" Magiingat ako, hindi naman ako ganun katanga para pumasok sa gyera nang hindi handa " Sagot ko.

" Hindi Cali, This time I will do the job. Remember muntik ka ng mamatay ng dahil dito " Madiing tutol ni Cralence.

She's a Badass TeacherWhere stories live. Discover now