BAD #24

81.6K 2.1K 154
                                    

ALLISEA'S POV

 

 " Sigurado ka ba talaga dito Allisea ? " Pangsampung beses na tanong ni Lea.

Tumawa ako ng malakas, masyadong paranoid to eh.

" Oo nga, wala ka bang tiwala sa akin ? parang hindi mo naman ako kilala niyan eh " Sagot ko.

Nagpunas ako ng mukha gamit ang towel, kakagaling ko lang kaseng magexercise and Yup, It's saturday already.

9:00 AM to be exact at nandito na rin ako sa gym na napagusapan. Pansin kong marami ang tao sa gym ngayon, sa boxing arena kami maglalaban at kakilala ko naman yung may-ari nitong gym kaya okay naman ang lahat.

" Sinasabi ko na nga ba, tsk tsk "

Nilingon namin yung nagsalita, magkakasama sila Allan, Rhey, Carlo at Ella na nakapamewang pa. Si Allan yung nagsalita, mga nakapang exercise outfit din sila. Tinignan ko ng masama si Lea, nagsumbong pa ata to ah, tsk.

" Kaya ko to, Stay put lang kayo dyan " Ani ko sabay lagok ng gatorade na red.

" Pero Allisea , base sa kwento ni Lea magaling daw makipaglaban yan. Alam kong magaling ka pero baka hindi mo siya kayanin " Litanya ni Rhey

Binagsak ko ng malakas ang hawak kong bote saka tinignan siya ng masama, napaatras siya mula sa pagkakatayo.

" Minamaliit niyo ba ako ? Kung yan lang ang sasabihin niyo umalis na lang kayo " May halong inis na sabi ko.

Ayoko sa lahat ay ang minamaliit ako, ipapamukha ko sa kanila na kaya kong talunin yang si Luke psh.

Napunta ang atensyon ng lahat ng pumasok si Luke. Akala niya ata ay nasa fashion show siya kaya naglakad siyang ala model, sarap ibato netong bote ng gatorade eh. Tumigil siya ng nasa harap ko na siya, nakaloose shirt siya at jersey shorts, may dala din siyang body bag siguro extra clothes ang laman.

Napamura sila Allan, ano nanaman ba ? gusto ata nila na sila ang lumaban dito eh nanggigigil na nakatingin sila kay Luke eh, haha.

" Ready ? " Pang asar na sabi ko.

Sinundan ko yung tingin ni Luke, tumatagos eh. Ayun , kay Lea pala kase nakatingin. I snap my hand at his face, dun lang siya tumingin sa akin.

Naglakad siya papunta sa kabilang side nang ring habang ako naman sa kabila, may bench naman doon kaya nilapag ko ang gamit ko. Nakasunod naman sa akin sila Lea.

Btw, I'm wearing fit black sando na pinatungan ng blue loose long sleeve shirt na hanggang tyan ko lang ang haba at jogging pants. Naka rubber shoes din ako para mas madaling gumalaw.

Nauna na siyang umakyat ng ring, hinarap ko muna ang barkada at tumango bago umakyat din. Naabutan ko siyang nagstrestretching oh well, tapos na ako niyan.

Tumigil siya sa ginagawa at tumingin sa akin saka tumayo ng maayos. Nagunat ako ng braso, hindi naman kami magboboxing eh, more on bugbugan kung baga.

" So what's the rules ? " Tanong niya.

" Just Simple, Kung sino ang unang mawalan ng malay ang panalo no use of sharp weapons or any weapons na lang. Clear ? " Sagot ko.

Tumango naman siya, pumorma na siya na parang susugod, samantalang nakatayo lang ako at hinihintay ang gagawin niya.

He firmly closed his fist and attack me directly towards my face, I blocked it using my palm at papatirin ko sana siya ng tumalon siya papalayo sa akin.

She's a Badass TeacherWhere stories live. Discover now