BAD #27

81.1K 1.9K 212
                                    

ALLISEA'S POV

Nandito ako ngayon  sa school at nakatunganga, 7am pa lang pero pumasok na ako. Kakaunti pa lang ang tao ngayon, malapit na rin kaseng magsembreak. Last week na ng pasok ngayon at plano kong gawing 2 weeks ang bakasyon nila dahil ipapaayos ko ang ilang facilities dito katulad ng garden dahil medyo mataas na ang mga damo doon at papapinturahan ko na rin ang buong building.

Nginingitian ko na lang ang pumupuri sa pagiging maaga ko ngayon, sa totoo lang ay naiinip na ako hinihintay ko lang ang tawag ni Cassiopea para sa mga impormasyong hinihingi ko.

Isa papala si Lea, nagdalawang isip ako kung sasabihin ko sa kanya ang dahilan ni Luke o magsisinungaling ako. Delikado kapag may makaalam ng tungkol sa organisasyon lalo na kung hindi ka naman magiging parte nito, kamatayan ang kapalit noon at hindi ko hahayaang mangyare iyon kay Lea, kailangan pa ring mag-ingat.

Sa huli, napagpasyahan kong wag na lang sabihin iyon sa kanya, ibibigay kong dahilan ni Luke ay kahit papaano nama'y malapit sa katotohanan. Its a white lie, para sa safety nya.

Yumuko muna ako sa table at pumikit. Batid kong magiging mabigat ang araw araw ko dahil sa mga problemang pinapasan ko, kung may paraan lang para mawala ang lahat ng ito malamang ginawa ko na pero alam kong iisa lang ang solusyon nito, ang harapin ang lahat.

" Mam may delivery daw po kayo "

Nag-angat ako ng ulo mula sa pagkakayuko at tinignan ang nagsalita, isa pala siyang maintainance staff ng school.

" Asan ? " Takang tanong ko.

Tinuro niya ang pinto kung san may nakatayong lalaki na may hawak ng boquet of white roses. Bumalik sa paglilinis yung staff habang tumayo naman ako at pinuntahan ang delivery man.

" Kayo po ba si Ms.Allisea Carly Thompson ? " Tanong pa nito, tumango naman ako.

May pinapirmahan lang siya sa akin pagkatapos ay inabot niya ang bulaklak at isang box ng chocolate. Kinuha ko ang nakalagay doong card at binasa.

Allisea,

Please accept my roses as the sign of my pure and true love for you.

                                                                                      - C

C ? Sino namang C to ? And dami ko kay kilalang C ang naguumpisa sa pangalan. Si Chris na nanliligaw sa akin dati ? Si Christian na niregaluhan ako ng bible ? hmm Si Cesar ? yung mahilig sa action movies ? tsk

Naglakad ako pabalik sa table ko at naupo, sino ba nagpadala nito ? C ? C ? 

Si Craig ? 

" Boo ! "

" Ay Craig kang bata ka ! " Naisigaw ko ng hindi sinasadya dahil sa gulat, humalagpak naman ng tawa si Lea na siyang nanggulat sa akin, inirapan ko nga kaasar eh !

" Oy sinong Craig yun ah ? Ang lalim ng iniisip mo ah ? " Tumatawang sabi ni Lea bago naupo sa sarili niyang table at nagayos ng gamit.

" Wala " Patay malisya kong sagot.

Dumako ang tingin niya sa bulaklak at chocolate na nasa table ko, lumawak tuloy lalo yung ngiti niya.

" Ayie kanino galing yan ah ? may manliligaw ka nanaman ? " Tanong ni Lea sabay lapit at tingin sa mga bulaklak.

" Secret " Nakangising sabi ko at hindi pinansin ang pagbubutingting niya sa bulaklak.

" Please accept this roses as the sign of my pure and true love for you, aba ang taray ah ! Sinong C naman to aber ? " Ani niya at binasa pa talaga yung nasa card.

She's a Badass TeacherWhere stories live. Discover now