BAD #47

74.3K 2.1K 244
                                    

ALLISEA'S POV

" Mommy di pa ba tayo kakatok ? "

Nilingon ko si CL na nakangusong nakatingin sa akin. Napakamot ako ng ulo tuloy, mga 10 minutes na kase kami dito sa tapat ng unit ni Craig pero hindi pa rin ako kumakatok.

" Teka lang tatawagan ko muna sila uncle mo " Kinapa ko ang bulsa ko pero wala don ang cellphone, napakunot tuloy ang noo ko at tinignan si Ck na nakakapit sa akin.

" Asan ang cellphone ni Mommy ? " Tanong ko kay Ck, siya lang naman ang mahilig mangalikot ng phone ko eh.

" Nikuha ko kanina po sa bag niyo. Naiwan po ata sa car eh "

Napabuntong hininga ako at lumuhod para makapantay ko ng tingin yung tatlo.

" Dito lang kayo muna ah ? baba lang ako saglit at kukunin ang phone ko " Bilin ko sa tatlo at tumayo.

Kailangan ko munang itanong kay Cralence at Clarence ang dapat kong gawin, mahirap na baka sumablay ako. Tumango naman sa akin yung tatlo.

Hmm paunahin ko na lang kaya sila ? ayokong iwan sila dito sa harap ng pinto eh baka kung sino pang kumuha sa anak ko.

" Ay ganito na lang pala, kapag nandun na ako malapit sa elevator sunod sunod kayong dumoorbell okay ba yun ? " Ani ko sa tatlo.

" Huh ? di po namin kayo kasama ? " Takang tanong sa akin ni Cj.

Umiling ako bago ngumiti.

" Mauna na kayo, susunod si Mommy okay ? behave kayo sa loob promise ? CL ikaw na ang magdoorbell " 

Lumapit naman sa doorbell si CL kaso hindi niya pala abot.

" Mommy mataas eh " Reklamo ni CL sa akin.

Nagisip naman ako ng paraan para maabot niya iyon. Napapitik ako at binuksan ang bag ni Cj na suot niya, dinukot ko mula doon ang isang monopod. Binili ko to noon eh ginawa lang laruan netong si Cj. Inabot ko kay CL , alam naman niya kaseng gamitin iyon.

" Ayan na lang gamitin mo CL, Iextend mo yung hawakan tapos ipangpindot mo pwede na ba yan ? " Tanong ko sa kanya.

" Opo Mommy abot na po oh " Iniextend niya yung monopod at binaliktad ang hawak, bali dun siya nakahawak kung saan dapat nilalagay yung camera.

" Very good, pagalis ko saka kami pumindot okay ? tapos ibalik mo sa bag ni Cj yan " 

Muling tumango sa akin si CL. Hinalikan ko silang tatlo sa noo at naglakad papunta sa elevator.

Bago ako pumasok sa elevator ay sumenyas akong magdoorbell na sila na agad naman nilang sinunod. Bago tuluyang sumara yung pinto ay nakita ko ang pagbukas ng pinto.

Pagkarating ko sa parking lot ay agad kong kinuha ang phone at dinial ang number ni Cralence, hindi naman ako nabigo dahil agad niyang sinagot iyon.

[ Hello ? ] Clarence from the other line.

" Andito ako sa condo unit ni Craig kasama ang mga bata "

[ Anong gagawin ko ? ]

" Tumalon ka sa building " Asar kong sagot. Parang ewan lang kase eh.

Tumawa siya ng tumawa, naririnig ko na may kasama siya I'm sure na si Clarence iyon at nakaloud speaker sila.

[ Hahaha ! Eto naman highblood masyado, napaaga yata ang punta mo dyan ? ]

She's a Badass TeacherWhere stories live. Discover now