BAD #44

66.5K 1.9K 183
                                    

THIRD PERSON’S POV

Allisea ? ”

Napasinghap ang kambal habang ang lalaking nagsalita ay nanatiling nakatayo sa kanilang harapan at hindi pa rin inaalis ang gulat na ekspresyon nito.

Lumunok ng makailang ulit si Cralence at tinignan ang pangalan ng lalaki sa suot nitong puting damit.

“ She’s not Allisea Mr. ” Madiing sabi ni Clarence at hinarang ang kapatid mula sa paningin ng lalaki.

Napatingin si Clarence sa kakambal ng tapikin nito ang kanyang balikat. Tumango ito sa kanya na agad niya naming naintindihan, nais nitong siya na ang kumausap sa lalaki.

Kahit nasupil na nila ang buong council ay nagiingat pa rin sila dahil hindi nila alam baka nasa tabi tabi lang ang mga dating naging parte ng organisasyon na hindi pa nahuhuli.

“ Don’t fool me Mr. I know She’s Allisea Tiim bagang na sagot ng lalaki sa kanya.

Napataas ang kilay ni Clarence at tinalikuran na lamang ang lalaki na tila nainsulto sa inasal niya, pinauubaya niya na kay Cralence ang pakikipagusap sa lalaki.

Tinignan ng lalaki ang hawak nitong clip board at napaawang ang kanyang labi ng mabasa ang pangalan na nandoon.

Name of Patient: Callixta Johann Johnsons

Tumikhim naman si Cralence kaya’t napatingin ito sa kanya.

“ Let’s talk about it properly

.

.

.

.

.

Dr. Navarro Usal ni Cralence at ginaya ang lalaki upang maupo sa sofa sa loob, para kay Cralence ito ang pinakaligtas na lugar upang pagusapan.

Sinulyapan muli Ng Doctor si Allisea bago naupo sa tabi ni Cralence ngunit sinugurado niya ang distansya mula sa lalaki dahil nagiingat siya dito.

“ So what’s your name first ? And hey I’m not bad here so don’t look at me like that “ Natatawang sabi ni Cralence at itinaas pa ang kanyang kamay na tila ba sumusuko.

Inalis Ng Doctor ang masamang tingin kay Cralence at huminga ng malalim. Mukhang mapagkakatiwalaan naman kasi niya ang lalaking kausap.

“ I’m Rhey, Rhey Navarro ” Mabilis nitong sagot.

“ I’m Cralence and He is Clarence my twin, So basically kilala mo ang kapatid ko hindi ba ? “ Panimula ni Cralence pagkatapos ipakilala ang sarili at ang kakambal niya.

Nabigla ang doctor sa narinig, sa pagkakaalam niya ay walang kapatid si Allisea.

“ I’m her friend, close friend to be exact so I know that she don’t have any siblings at all ” Sagot ni Rhey.

Lihim namang napangisi si Clarence na nakikinig, sa pananalita nito ay halata ang pagiging malapit sa kanyang kapatid tila ba ipinagyayabang niya pa ito sa kanilang dalawa.

“ So you also know that she’s an adopted ? “ Cralence stated.

Natahimik naman si Rhey sa narinig, alam niya iyon. So maari ngang mga kapatid ito ni Allisea, ngunit sa pagkakatanda niya ay sinabi nito sa kanya noon na namatay na ang dati nitong pamilya kaya paano niya paniniwalaan ang sinasabi ng lalaking kausap niya ngayon ?

She's a Badass TeacherWhere stories live. Discover now