BAD #34

65.7K 1.8K 98
                                    

ALLISEA'S POV

" We are here " Ani ni Steve at nauna nang lumabas ng sinasakyan naming kotse.

I sighed heavyly at sumunod sa paglabas. Inayos ko ang jacket na suot dahil malamig ngayon, paparating na kase ang pasko at malapit na magsnow sa US.

Andito kami sa labas ng mansion na minsang naging tahanan ko, nakapalibot sa akin ang limang gwardya upang masiguro nila na hindi ako tatakas kahit wala naman akong plano. Nakalahad ang kamay ni Steve sa harap ko para anyayahan akong pumasok pero imbes na kunin iyon ay nilagpasan ko lang siya.

Hindi ko tinignan ang reaksyon niya, ayokong malaman.  Napakunot ang noo ko ng mapansing walang tao sa paligid ng mansyon, nasa labas pa lamang kami ng gate at walang nagbukas para sa amin. Kakaiba ito dahil marami ang naglipanang mga gwardya sa loob ng mansion araw araw, hindi ko lang alam kung nagbago na iyon dahil matagal akong nawala.

" Where's the guards here ? " Narinig kong sabi ni Steve mula sa likod ko, mukhang pareho kami ng iniisip.

" Be alert, there's something wrong here " Ani ko sabay hablot ng baril na nasa bewang ng katabi ko, nagulat pa nga akala yata babarilin ko siya para tumakas.

Nagsilabasan ng mga armas ang mga kasama namin including Steve na lumapit na ngayon sa tabi ko.

" What do you mean Cali ? " Takang tanong niya habang kinakasa ang dalawang baril na hawak niya mula sa magkabilang kamay.

Gumawi ang tingin ko mula sa bintana ng isa sa mga kwarto ng mansion, may nakita akong nakaitim na tao doon.

" Is my Mom and Dad here ? " Kinakabahang tanong ko at naglakad papalapit sa gate at binuksan iyon, hindi naman iyon nakalock at kailangan ko lang pihitin mula sa loob.

" Yes, I just call them earlier they're expecting us " Sagot sa akin ni Steve na nakabuntot sa likod.

"  Bullsh*t " Hindi ko maiwasang mura at tumakbo papasok sa loob, sinipa ko ng malakas ang malaking pinto ng bahay at kinasa ang baril na hawak ko.

Naririnig ko ang mga yabag mula sa ikalawang palapag ng mansion, wala akong pake kung marinig nila ang pagdating namin.

" What the hell ! " Sambit ni Steve ng makita ang ilang duguang bangkay sa sala ng mansion.

Oo, mga nasa lima ang bangkay dito at base sa hinuha ko na kamamatay pa lamang ng mga ito. Sumenyas si Steve sa mga kasama namin na maghiwahiwalay, nilabas niya din ang kanyang cellphone at may tinawagan.

" Stay close to me Cali " Utos ni Steve ngunit hindi ko pinansin.

Lumapit ako sa pader sa likod ng malaking t.v dito at kinuha ang isang katana na nakadisplay, collection ito ng aking Ina at dito nakalagay ito. Kahit galit ako sa kanila, magulang ko pa rin sila kaya hindi ko maiwasang hindi magalala.

" I can handle myself Steve " Sagot ko at patakbong umakyat pataas.

Nakakarinig ako ng ilang impit na sigaw, at pamilyar ako sa mga ganyang tunog. 


Sigaw ng taong nagaagaw buhay.

Hawak ko sa kaliwang kamay ko ang baril at sa kanan naman ang katana, nakakarinig ako ng maraming yabag sa iba't ibang direksyon kaya hindi ko alam kung san ako pupunta. Napakalaki kase nitong mansion, may labing limang kwarto ang kada palapag nito.

Napapamura ako tuwing may nadadaanan akong bangkay, hindi basta bastang bangkay iyon dahil mga tauhan ng pamilya namin iyon, sino ang naglakas loob na pasukin ang teritoryo namin ?.

She's a Badass TeacherKde žijí příběhy. Začni objevovat